Chapter 41

47 6 1
                                    

[I suggest to play this song while reading this chapter.]

Chapter 41

Passion

-----

I held the strap of my bag as I walked downstairs. I could the students stared, glanced and looked at me as I walked. I could even hear their whispers.



"Grabe, 'no? Anak pala siya ni Sir Lito. Akala ko normal student lang siya. Mayaman pala."



"Hanap ako sugar daddy na may school. Hmp!"



"Bakit kaya hindi natin alam 'yun, 'no?"



"Bobo ka kasi! Ako alam ko. Halata naman. Apelyido pa lang!"



"Bakit kaya umiyak si Kae noong isang araw?"



"Tsaka ano 'yung sinasabi niyang binaril?"



"Akala ko talaga mahirap lang si Kae. Bumili pa nga ako ng burger sa pinagtratrabahuan niya, e!"



"Halos lahat yata ng mga taga-section C Hope, mayayaman."



"Ang gaganda't gwapo pa! Emegesh!"



"Kaso mga tarantado. Turn-off!"



"Okay lang sa'kin na tarantado, atleast gwapo at mayaman!"



Hindi ko na lamang sila pinansin at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad. Naalala ko na naman ang usapan namin ni Faye kanina nang kumalma na siya.



"I'm really sorry, Kae. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang gawin ko 'yon. Hindi ko sasabihin na hindi ko sinasadya dahil aaminin ko na sa una ay ginusto ko 'yon." Paliwanag sa akin ni Faye.



"Nasabi mo na ba 'yan sa principal?" I asked.


Tumango siya sa akin bago hawiin ang kaniyang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Nandito pa rin ako ngayon sa loob ng library. Sa bandang dulo pa rin kung saan siya umiyak kanina.



"Pinaliwanag ko na lahat." Aniya bago muling tumungo. "Mukhang mapaparusahan ako..."



"Hindi 'yan. Akong bahala." Ani ko. "Dad won't punish my friends. Baka lumayas ulit ako kapag ginawa niya 'yon."



Dahil sa ginawa naming paguusapan ay medyo gumaan ang pakiramdam ni Faye. Alam kong may problema siya at sa tingin ko ay alam ko iyon pero hindi na lang ako nagtanong dahil kung gusto niya man sabihin ang problema niya ay dapat kayla Sunshine niya iyon sabihin at hindi sa akin.



Isinuot ko sa aking magkabilang tainga ang dala dala kong AirPods habang naglalakad ako. Nilabas ko rin ang puting wallet ko dahil may bibilhin ako sa may canteen.



Pagpasok ng canteen ay agad na nahagip ng aking paningin sina Esther na nakatutok sa kani-kanilang mga cellphone. Kita ko ang pagbukas ng bibig ni Psalm na sa tingin ko ay nagmumura dahil sa laro nila.



They're playing Mobile Legend again.



Dumiretso na lamang ako sa may counter at sinabi ang mga gusto ko habang nasa tamang lakas lamang ang musikang pinakikinggan ko upang marinig ko ng maayos ang tindera.



"Thirty-eight pesos lahat, Kae." Sambit ni Nanay Belinda, ang ilang taon ng tindera sa canteen ng Bright Academy.



Kilala niya ako bilang anak ni Daddy at alam kong alam niya rin ang issue sa pamilya namin kaya ganoon na lamang ang ngiting pinapakita niya sa akin dahil sa tingin ko ay alam na niyang bumalik na ako sa mansyon.



Worst Section (High School Series#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora