Chapter 16

58 7 2
                                    

Chapter 16

Memories


Zechariah's P.O.V.


Pinagmasdan lang namin si Kae na nagmamadaling umalis ng mansion nina Kurt. Weird.

"Kurt, may boyfriend na si Kae." Pang-aasar ni Psalm na kinunotan lang siya ng noo.

"Payag ka 'non, Kurt?" Gatong ko pa kaya sinamaan niya kami ng tingin.

"Shut the hell up." Pikon na sambit ni Kurt kaya natawa kami ni Psalm. Ang pikon nito!

"Kae has a boyfriend?!" Gulat na tanong ni Jasmine kaya napabaling kami sakanya. Everyone looked at her.

"Ha? Sino?" Nagtatakang tanong ni Erick.

"Oh, we're just kidding. Inaasar lang namin si Kurt." Paliwanag ni Krystal kaya kumunot ang noo ni Jas.

"Why are you teasing Kurt?"

"Ah, kasi ma--" Tinakpan ni Jeremiah at Kurt ang bibig ni Psalm nang muntik na niyang masabi ang salitang 'mahal'. Gago to' si Psalm! Gusto yatang mamatay.

"Ma--, what?" Tanong ni Maricell kaya tumawa ako ng awkward.

"Ma-ano.. ano.." Tangina. "Maprotective? Oo, maprotective si Kurt pagdating kay Kae!" Palusot ko.

Puta, sana gumana kun'di lagot si Psalm kay Kurt.

"Protective boy bestfriend? Sana all may boy bestfriend!" Nakangusong sambit ni Carylle kaya nakahinga kami ng maluwag.

Putangina, muntik na!

"Pero sino yung kausap ni Kae?" Tanong ni Kaycee kaya natigilan ako.

I heard her name from Kae earlier, so, I'm sure that she was the one Kae's talking to. Pero hindi ko lang magets kung bakit nagmamadaling umuwi si Kae at pinaguusapan nila ang tungkol sa France at Pilipi--- Hindi kaya?

No. Imposible. Sabi ni Tito Lito, doon na raw siya titira habang buhay dahil sa nangyari kaya imposible itong iniisip ko. Imposible.

At kung gusto man niyang umuwi rito sa Pinas ay hindi siya papayag ni Tito Lito. It's for her safety. She must stay there no matter what. So, it's so damn impossible, Zech. So, Impossible.

Trabaho ang dahilan kung bakit nagmamadaling umalis si Kae. Trabaho lang dahil napakaimposible.



Psalm's P.O.V.


Muntik na! Muntik na akong itulak ni Kurt sa pool, putangina!

Ang bibig kasi, Psalm Arañas! Pigilan mo, gago ka!

"Ligtas ka ngayon, Psalm." Bulong sakin ni Kurt kaya tumawa ako ng peke. This man!

"Ito naman!" Pabiro ko siyang hinampas sa kanyang braso kaya sinamaan niya ako ng tingin dahilan nang pagtigil ko sa pagtawa ng peke at pagtikhim. Tangina.

"Ohmy! Where's Kae?!"

Napatingin kami kay Tita Camille na may dalang photo album. What's that? The photo album looked so familiar!

Pinapalibutan ito ng tatlong kulay na may glitters. Yellow, pink, and sky blue. The word 'Memories' was written on it using purple glitters.

Halos tumakbo ako palapit kay Tita Camille nang mapagtanto kung bakit pamilyar ang photo album na 'yon! Damn!

"Tita!" Tawag ko sakanya kaya bumaling siya sa'kin. Nang makita niyang nakatingin ako sa hawak niya ay napatingin rin siya rito at ngumisi sa'kin.

Worst Section (High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon