Chapter 32

53 9 2
                                    

Chapter 32

Gulo

-----


Napapikit ako nang sumimoy ang hangin sa aking mukha habang nakapahalumbaba ako sa may bintana ng baby bus na sinakyan namin patungo pabalik sa resort. Ang nakalugay kong buhok ay malakas na hinahangin habang ang aking mga kasama ay tila ba'y hindi nauubusan ng enerhiya dahil sa kanilang kakulitan.


Ang mga ilaw sa mga posteng nakatayo sa tabi ng kalsada ang nagbibigay liwanag ngayong gabi. Idinilat ko ang aking mga mata at mainam na pinaramdaman ang simoy ng hangin na patuloy na tumatama sa aking mukha.


Napasulyap ako sa unahan nang marinig ang boses ni Levi. Nasa tainga niya ang kaniyang cellphone habang kunot noong kinakausap ang nasa kabilang linya.


Itinaas niya ang kaniyang isang daliri na isang hudyat na manahimik kami na agad sinunod ng aking mga kaibigan. Tumahimik sila at pinakinggan si Levi sa pakikipag-usap sa kabilang linya.


"'Po? Opo, umalis 'po kaming lahat." Sambit niya na siyang halos ikasigaw namin.


Baliw ba siya?! Bakit niya sinabing umalis kaming lahat?!


"Sa tabi tabi lang 'po." Sambit niya bago mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "Ano po ba ang problema? Bakit parang kami agad ang sinisisi niyo?"


Mabilis na kumunot ang akin noo dahil sa narinig. Anong nangyari?


"Maayos po akong nakikipagusap sa'yo. Magalang pa nga 'po', e." Iritadong sambit ni Levi bago pisilin ang kaniyang ilong. "Malapit na po kami. Maghintay kayo."


Inis na tiningnan ni Levi ang kaniyang cellphone bago kami balingan. Halatang iritado siya dahil sa pagkakakunot ng kaniyang noo at dahil na rin sa matalim niyang tingin sa'min.


"May gumawa na naman ba ng kalokohan sa inyo?"  Tanong niya sa'min.


"Grabe. Magkakasama lang tayo tapos magtatanong ka ng ganiyan? Ang sakit naman no'n, Levi!" Madramang saad ni Jorge.


Bumuntong hininga si Levi bago kami tingnan na may pagiingat. "May nangyari yata sa resort habang wala tayo. Mukhang tayo ang sinisisi dahil tayo lang ang wala do'n. Kaya tumawag sa'kin si Miss Abundo para tanungin kung nasaan tayo dahil lahat tayo ay wala doon at tanging tayo lang ang wala."


"Mga bobo sila 'pag gano'n." Sambit ni Sunshine bago umirap.


Ano ba ang nangyari at kami ang sinisisi? At bakit naman kami ang sisisihin nila? Porke't ba wala kami roon ay kami na agad ang gumawa? Mga bobo ang mga putanginang 'yon kung gano'n.


Dumiretso agad kami sa covered area kung nasaan ang mga estudyante kasama ang mga teacher ng Bright Academy. Lahat sila ay napabaling sa'min nang sabay sabay kaming pumasok sa lugar. Ang iba sa kanila ay walang pakialam ngunit higit sa kanila ay punong puno ng pagkainis sa'min.


Fuck you with respect.


Mabilis na lumapit si Levi sa mga gurong matatalim ang tingin sa'min sa hindi malamang dahilan. Rinig na rinig namin ang pagbubulungan ng mga estudyante tungkol sa hindi naming ginawa.

Worst Section (High School Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon