Chapter 34

49 5 2
                                    

Chapter 34

Promise

-----

Hanggang sa may plaza lamang kami hinatid noong bus sapagka't may pupuntahan pa rin daw iyon. Wala naman akong problema tungkol roon dahil natext ko na ang driver namin na sunduin ako sa may plaza pero 'yung mga kaklase ko ay kanina pa reklamo nang reklamo.

"Kinginang 'yan. Nakakatamad kaya maglakad!" Halos isigaw na ni Sunshine ang katagang iyon.

"Same." Sambit ni Erick.

"Same vibes but not the same feelings," Jamica said.

"Ay, bobong tanga." Jack said as he rolled his eyes.

"Mag-pinsan ang dalawa, Jamica. Mag-pinsan." Maricell said.

"Sinabi ko bang hindi? Ay, mga tangang bobo." Jamica said.

"Pero bakit hanggang dito lang tayo?! Putangina naman, oh." Reklamo ni Psalm.

"Mag-ready na kayo, guys. Mukhang papasok ang buong section natin sa guidance office sa Wednesday." Sambit ni Levi.

"Sana all section goals." Natatawang wika ni Jeremy.

"Inamo." Mura sa kaniya ni Zechariah.

Napailing na lamang ako habang pinapanood at pinapakinggan silang magmurahan sa isa't isa habang naghihintay sila ng kanilang masasakyan pauwi. Mga alas syete na kami nakarating rito sa Cavite galing sa Batangas kaya naman medyo maginaw na. Madilim na rin ang paligid at tanging ang mga christmas lights na lamang sa paligid ang nagsisilbing ilaw para sa amin. May mga parol na rin na nakasabit sa bawat sulok ng Rosario na siya namang ikinatutuwa ng mga bata.

Mauuna ang Holloween pero mas inuna nilang i-decorate ang mga Christmas lights? Ano 'to? Holloween lights?

Napabaling ako kayla Esther at Jeremiah na naglalakad papalapit sa'min habang may dala dalang mga supot galing sa seven eleven na malapit lang rin rito sa plaza. Kaunting lakad lang ang layo niyon at tatawid ka sa kabilang kalsada bago makarating doon kaya naman mabilis lamang silang makabalik mula roon.

"Oy, ano 'yan? Pagkain?" Nagniningning ang mga matang tanong ni Carylle.

"Oo, bakit?" Maangas na tanong sa kaniya ni Jeremiah.

"Pahingi." Sambit ni Carylle bago ilahad ang pareho niyang kamay sa harapan ni Jeremiah. "Hehe."

"Hehe." Jeremiah mocked before sticking out his tongue as he showed his middle finger. "Nagpadala ka ba ng pera, ha? Ulol, fuck you!"

"Fuck you ka rin!" Carylle yelled.

Medyo umusog ako nang umupo sa' king tabi si Esther habang binubuksan niya ang supot na dala dala niya. Naramdaman ko na naman ang pagbilis nang pagtibok ng aking puso habang siya'y nasa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang puso ko dahil nasisisgurado kong kapag mas lumapit pa sa' kin si Esther ay maririnig niya na ito.

Napabaling ako kay Esther nang makita ko siyang iabot sa' kin ang isang siopao. He was just looking at me like he was signalling me to take it and eat it. When I took it from his hand, it was already sauced.

"I'm not---'

"Just eat it. You didn't eat anything earlier." He cut me off as he opened a bottled Coke. "Here's your drink."

Nakasimangot kong kinuha sa kaniya ang binuksan niyang bote bago kumagat sa siopao na hawak ko. Hindi naman talaga ako ganoon kagutom ngunit wala akong magagawa dahil hindi niya ako pinapakinggan. Tangina niya.

Worst Section (High School Series#1)Where stories live. Discover now