Chapter 09

76 8 0
                                    

Chapter Nine

Shaina's Welcome Party 0.2

Kae's P.O.V

Aalis na sana ako dahil hindi rin naman kinuha nina Levi ang pera nila nang pigilan ako ni Krystal at sinabihang "Nandito ka rin lang tapusin mo na ang party." na dinagdagan pa ni Psalm kaya no choice ako but to stay until the party end.

Ang tanga ko rin kasi.Pwede namang bukas nalang sa school pero pumunta pa ko dito sa party na toh.Psh.

"Naaalala ko pa noon!Nung nadapa si Kae doon sa may playground malapit sa school ng pinapasukan natin dati!Iyak siya nang iyak at sigaw nang sigaw sa mga batang pinagtatawanan siya kasi naputikan ang buong katawan niya!HAHAHA!Tanga tanga!Una mukha eh!Lagapak!" Humagalpak si Psalm sa ikinuwento niya kaya natawa ang mga taong nakarinig sa kwento niya dahil masyadong malakas ang boses niya.

"Tais-toi,Psalm!" [shut up]. Singhal ko sa kanya dahil ang daming nakakarinig sa kanya na taga kabilang table dahil sa lakas ng boses niya.

Ngunit imbes na tumigil ay mas natawa pa siya na para bang may naalala nanaman siyang nakakatawang memorya.

"Noong unang pinakilala ni Daddy sakin sina Kae at Kurt akala ko alien langguage ang gamit nila dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila hanggang sa ipaliwanag sakin ni Mommy na French pala yun!Tangina kasi!Ayaw magtagalog!" Natatawa pa niyang kuwento kaya napangiwi ako.

Psalm is a weird guy.Very very weird guy.

Nasa kalagitnaan nang pagkukuwento si Psalm nang may tumawag sakanya.

"Psalm,tawag ka ni Daddy." Tawag ni Scarlett kay Psalm na hindi man lang kami tinitingnan kaya inirapan ko siya.

"Laide," bulong ko na mukhang si Esther lang ang nakarinig dahil tiningnan niya ako gamit ang nagbabanta niyang tingin na inirapan ko lang.

Selos pa siya, eh pareho naman silang panget.Mas higit pa nga siya eh.

"Excuse me.Daddy is calling me." Sambit ni Psalm bago sumama kay Scarlett paalis.

"Tss." Irap ko kahit nakaalis na si Scarlett.Hindi ko parin nakakalimutan ang pagsampal niya sakin kanina.

"Halatang iritado ka kay Miss Scarlett,Kae." Kumonte ni Tito Vanjo nang makita ang pagirap ko kay Scarlett.

"Why would I be,Tito?" Plastik akong ngumiti kay Tito Vanjo kaya tumikhim siya.

"I heard that she slapped you and pulled your hair twice this day." Saad niya kaya patalim kong tiningnan si Esther na nakaiwas ang tingin sakin.

THIS STUPID BOY!THIS LAID!THIS FU--URGH!

"Sino po ang nagsabi sa inyo,Tito?" Magalang na tanong ko kahit na nanggigigil na ako.

"Its doesn't matter,Kae.Why did she do that to you?" Tanong sakin ni Tito Vanjo kaya napatingin ako kay Krystal na nakataas ang kilay sakin.Attitude ka!Shit.

"Uhh..Tito---" Naputol ang sasabihin ko nang may humawak sa balikat ko kaya umangat ang paningin ko para tingnan kung sino ito dahilan nang pagseryoso ko.

Ano kailangan ng ungas na toh?

"Excuse me,Vanjo.I'll take my daughter for a minute." Nakangiting pagputol ni Daddy sa usapan naman kaya kumunot ang noo ko.

Pumayag ba ako?

"Where are you taking me?" Tanong ko sa kanya nang hindi tumatayo kaya tiningnan niya ako ng masama kaya pairap akong tumayo at sumunod nalang sa kanya.

Worst Section (High School Series#1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن