30

3.1K 91 52
                                    

trigger warning: death

"Type ka nu'n, Jared. Kanina pa tingin ng tingin dito, lapitan mo na!"



Siniko ako ni Archie, nakatingin siya roon sa table ng mga babae na malapit saamin. It made me uncomfortable so I just shook my head and drank the remaining beer on my glass.



"Tanga," I said and looked away, pushing my tongue on the insides of my cheek.



Afterwards, umalis si Archie at pumunta ng dancefloor kaya naiwan ako mag-isa sa couch namin. I sighed when I saw the girls still looking at me. They were whispering with each other, and the other one even parted her legs a little so I had to look away. Tangina.



"Lipat daw L&L pre, nando'n sila Deb." Dumating si CJ na inaayos ang suot niyang polo. Deb is our high school friend that we're still in contact with. Sikat na nga 'yong bugok na 'yon 'e.



Ngumisi lang ako bago tumayo. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. We looked for Archie, only to see him making out outside the men's restroom. Narinig nung babae ang sabi ni CJ sa kanya kaya ka agad na umalis.




"Bakit aalis dito? Pucha, sayang 'yon! Chicks!" Reklamo naman kaagad ni Archie. Still, he had no choice but to come with us.




Malapit lang naman ang L&L dahil around BGC lang iyon. I haven't been here, though. Hindi naman kasi ako tambay sa mga club.



"Steves!"



I stopped walking when Archie shouted. Humarap din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Doon ko nakita si Ian na kasama pa yung iba pa niyang kaibigan. Dalawang babae at isang lalaki, na nakikita ko sa TV. Player ata siya ng Green Archers.




Nakipag-fist bomb kami kay Ian at nauna ng pumasok sa elevator. Sumunod naman yung mga kasama ni Ian na sobrang iingay, especially the girl with the natural long wavy hair.




Kaming pito lang ang nasa loob at ang boses lang nu'ng dalawang babae ang maririnig mo na ingay. I was already irritated by her voice, when suddenly the elevator opened, and made her flip her hair. Tangina, bakit kailangang gawin 'yon? Hindi niya ba alam na may tao sa likuran niya? Tsk.




Sa sobrang kulit niya, her hair clip is almost falling off her hair. Mahuhulog na talaga 'yon kaya wala akong choice kun'di ang kunin iyon para ibalik sa kanya. Chanel pa naman, mukhang mahal at mukha namang original kaya sayang kapag nawala.


I was about to poke her shoulder so I could give it back to her when the guy between her and the other girl held her shoulder and pulled her closer to him.


Tss, ibenta ko na lang 'tong hair clip 'e. Bwisit.



I just kept the hair clip in my pocket, maybe I'll just give it back to her later. Hindi na nawala sa mga mata ko ang babae hanggang sa makapasok kami sa bar. Mabuti na lang at nasa harapan lang ng couch namin ang table nila kaya hindi halatang sa kanya ako nakatingin. I didn't even realize I was staring so long already.



"Hoy! Tumayo ka naman d'yan! Hindi ba umiinit ang pwet mo kaka-upo?" Caniel shouted, which made me look up to him. Ngayon ko lang din narealize na ako na lang pala ang nakaupo sa couch namin.



"Susunod ako," iyon lang ang sinabi ko kanya at binalik ang tingin doon sa babae. Si Deb rin ay lumapit saamin pero kaagad ring umalis, kumuha lang ng bote ng rum.



"Tangina, kanina ka pa naka-tingin doob?! Sino type d'yan, ha.." Umupo si CJ sa tabi ko. "Sino nga? Ako na magtatanong ng pangalan nila!" He said, pouring some Jager to his shot glass.



Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now