"Nahulog nang 'di ko namalayan,"
Sabay sabay na pagkanta namin dahil inaasar namin si Claire na mukhang na-fall na ng tuluyan dun sa ex niyang Atenean.
"Hinahanap na kita ng hindi sinasadya,"
Sinamaan niya kami ng tingin dahil sa linyang iyon. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa phone niya na parang hinihintay magtext yung ex niya.
'Parang gago, pag ex na, ex na. Pag bulag na, bulag na!'
"Bigla na lang, 'di ko namalayan.
'Pag naaalala ka, tila natutulala," may feelings na pagkanta pa ni Khylie at tinuro pa si Claire.Scam si Claire, sabi niya pa naman saakin noon wala daw spark, awit.
"Alam niyo, putangina kayo." Padabog niyang ibinagsak yung braso niya sa lamesa. She lightly massaged the bridge of her nose while shaking her head slowly.
"I'm against the comeback with ex thingy, pero sige as a friend, balikan mo na 'yan, pangit mo malungkot eh," I said that made her wrinkle her nose. Akmang sasabunutan na niya ako pero lumipat ako sa tabi ni Warren at nagtago doon.
"Porket happily dating ka," I stick my tongue out and smiled widely.
Nagkayayaan kaming pumunta ng Diliman ngayon dahil scouted si kumare niyong Eloise sa isang modeling company. Hindi ko lang alam kung tatanggapin niya yung offer, pero sana, kasi bagay naman sa kanya, may potential siya.
My phone beeped and I received a message from Jared. Gosh, it's been a month since we started going out. Halos araw-araw kaming nagkikita, pumupunta siya ng Taft araw-araw para sunduin at ihatid ako after naming kumain somewhere. Sunday lang nga siguro kami hindi nagkikita dahil family time namin yun, pero ayos lang.
From: Jared
nasaan ka?
Pero these past few days, medyo busy na kaming dalawa kasi kakatapos lang ng midterms and syempre malapit na ang finals. Todo aral nanaman sa undas break namin. Baka hindi rin kami magkita ng ilang araw niyan.
To: Jared
nasa uptc ako
To: Jared
nagkayayaan kasi kami hehe
To: Jared
wru?
Biglang nawala yung ngiti ko dahil sa tagal niyang mag-reply. Aba! magme-message siya tapos ang tagal niya mag reply?!
To: Jared
huy
To: Jared
tagal mag reply
To: Jared
salamat nalang sa lahat.
After a couple of minutes, Jared finally replied.
From: Jared
I'm driving
From: Jared
papunta na ako
I was about to ask him kung saan siya pupunta. Na-wrong send pa ata siya 'e! Hindi naman siguro siya pupunta dito ngayon 'no?!
YOU ARE READING
Encounter (Onze Series #1)
RomanceOnze Series #1 Jared, an Engineering student from UST, whose dreams and priorities were far from love. For him, love is just a barrier to reach his goals... Until he encountered Valerie, an Architecture student from De La Salle-College of Saint Beni...