04

3.5K 178 61
                                    

"Tangina Val! We'll be late!" Hindi ko pa nga nasusuot yung sapatos ko, hinatak na agad ako ni Claire palabas ng unit.



"I'm hungry, Starbucks tayo." sabi ko nang makarating na kami ng elevator. Hindi kami nag-breakfast ni Claire kasi pareho kaming na-late ng gising.



"Sige, late naman na tayo." Pag-payag niya.



Tatawa-tawa kaming pumasok ng school ni Claire pagkatapos naming dumaan sa Starbucks. Kailangan pa naming tumawid kaya natagalan pa kaming makapasok sa SDA.



Obviously, it's Monday, may pasok na ulit kami at hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi ni Jared. I mean, he thinks meant to be kami?! Gosh, ako lang 'to!



Naisipan ko ring pumunta mamaya ng UST para bisitahin ang bebe ko. Miss ko na rin siya 'e.



"Swerte niyo first day at late din ang professor." Bungad saamin ni Nicole nang makapasok ng makalabas ng elevator. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Medyo lukot pa ang uniform niya.


"Sino na naman kaya ang isusunod niyan?" Bulong ni Claire.


"Shut up." Inirapan ko siya at binalik ang tingin kay Nicole na mataray pa ring nakatingin saamin. "Ikaw rin naman ah. Bakit nandito ka pa?" Mahinahong tanong ko sa kanya.



"Hindi ako late. May pinuntahan lang akong prof." Matapang na sagot niya. Ngumisi pa nga. Umiling na lang kami ni Claire dahil expected na iyong sagot niya. Gosh, taon-taon na lang.



"Linisin mo muna ang uniform mo, nakakahiya kasi sa prof natin." Pahabol na sabi ko bago tuluyang maglakad paalis doon.



Ang kapal pa ng mukha ni gaga na bunggo-in ako pagdating namin sa pintuan. Maarte siyang naupo at sinamaan kami ng tingin. Hindi nalang namin siya pinansin at naupo na rin. Dumating na rin kaagad yung professor namin kaya na-excite tuloy akong mag-uwian!


"San ka pupunta?" I gave Claire a cute smile. Tapos na ang klase namin at tatakasan ko dapat siya pero nakita niya akong palabas ng SDA.


"UST hehe." Nag-peace sign pa ako sa kanya at nginitian pa siya ng pagka-laki laki.



She just sighed before nodding her head. "Ingat ka. Love you." Niyakap ko siya sa sobrang excitement. Tumakbo na ako pabalik ng condo para kunin ang sasakyan ko. Iniwan ko lang si Claire doon dahil daan daw siya sa Coffee Project, hindi ko na nga natanong kung bakit dahil umalis na rin kaagad ako.


Naka-park lang ako sa labas ng Chowking dito sa España pero hindi pa din ako lumalabas, hindi ko naman kasi alam kung pano ko makikita si Jared! Minessage ko si Ian pero hindi naman nagrereply. Nag-ig story nalang ako ng picture ko sa sasakyan at naglagay ng maliit na location incase na makita ni Jared iyon.



Nag-antay ako ng mga 10 minutes bago bumaba, nagugutom na ako kaya pumasok na ako ng Chowking para mag-antay doon. Umupo ako sa malapit sa window at nag-ig story ulit ako ng view ko sa labas.



"Ang tagal naman! Wala ba siyang load?" Naririndi na ako! Ang tagal. Palinga-linga lang ako ng tingin sa labas nang may makita akong lalaking naka black Nike na bag na patalikod na naglalakad.



Cinover ko yung mukha ko nang humarap siya, si Jared 'yon! Hawak niya ang cellphone niya at palinga linga na naglalakad. Natawa naman ako nang tumapat siya sa pinto nitong fastfood. Tiningnan niya yung phone niya bago pumasok, medyo nakakunot pa yung noo niya.




"Nag-DM ka nalang sana saakin. Hindi yung magpaparinig ka sa ig story mo." I pursed my lips and gave him a shy smile. May text kasi na 'hi hared' sa story ko pero maliit na lang! Paano niya pa nabasa yun?! Pero at least nag-effort siyang basahin yung nakasulat hihi.



Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now