24

2.7K 85 84
                                    

"Ay wow, buti nakarating ka."




I immediately gave him an eye roll. Bakit parang siya pa itong galit? Siya na nga ang nambulabog saakin. He asked me to visit the site kahit hindi pa naman ako kailangan. Ang dami ko kayang ginagawa!




Tumabi ako sa kanya at kinuha sa kamay niya ang blueprint.




"Pasalamat ka dumating pa ako!" Singhal ko. Hindi naman kasi talaga ako pupunta 'e!




"Talaga? Edi 'thank you' at nakapunta ka!" Nakakairita na talaga itong si Warren! Akala mo naman ay dinudugo buwan-buwan!





Hindi ko siya pinansin at nagpasama nalang pumasok sa loob para makita namin ang progress. Maraming tambak na kahoy at bakal sa daraanan namin kay dahan-dahan kaming naglakad roon.




"Ang tanga lang Architect! Kita mong may pako!" Sinipa niya 'yon sa tabi nang makitang muntik ko nang matapakan.





"Hindi ka sana nagrereklamo d'yan Engineer kung nakita ko, diba?" Inis na bulong ko.




"Eric, pakilagay naman ito roon sa gilid, may tanga kasi akong kasama." Sarkastikong sabi ni Warren doon sa isang contruction worker. Tinawanan lang siya nung worker bago sundin ang iniutos.





"Bakit mo binago?! 'Yung nasa Batangas, may binago ka rin, tapos pati dito?!" I was glaring at him while pointing the blueprint. Ibang-iba na ang design nung pillar kesa doon sa ginawa ko!





"Kita mo 'yung nasa hagdan? Magkaibang-magkaiba dito oh! Dapat pareho sila para balanced." Napatingin uli ako sa blueprint nang banggitin niya iyon. Mukha ngang mas maganda iyong idea niya.




"Pero dapat sinabi mo pa rin!" Hindi ako nagpatinag, aba! Dapat ini-inform niya pa rin ako, ano! Hindi iyong may babaguhin lang siya bigla.




"Valerie, that's life, kailangan natin ng changes sa mga bagay, hindi lahat nagi-stay sa kung anong nasimulan na." Sabi niyang may pagka-emotional pa. "Tsaka hindi ko na binago 'yung nasa wall para favorable naman sa'yo." He sarcastically added!





Hindi ko na lang siya inaway para wala ng problema. Aakyat sana ako sa second floor pero hindi pa raw pwede. Hindi na rin ako nagtagal doon dahil marami pa akong gagawin.





"Aalis na ako, pupunta pa akong Muntinlupa." I told Warren. Nagmamadali na rin ako dahil may meeting ako sa secretary ni Deb.




"Gagawin mo dun, tapos na yun diba?" He asked.




"Oo, pero nagpapatulong kasi sa interior," I just told him, shrugging. The client asked me a help to buy things for the interior design. Jusko, hassle ang ganito, instant interior designer na ako. I suggested to ask an interior designer na lang pero ayaw.




Tumalikod na ako sa kanya pagkatapos kong magpaalam. Dumeretso na ako sa isang department store na sinabi nung client. I told him things na pwede niyang bilhin base sa color and nung mga sinuggest niyang details.





I was busy looking for furnitures when someone suddenly called. Sinagot ko kaagad iyon ng hindi na tinitingnan ang caller.




"Val—"





[Architect, hello!] Napangiwi kaagad ako nang marinig ang boses ni Deb. [Wala ka raw dito 'e, sayang naman. Ngayon lang kasi ako available.]





Napa-'oh' ako nang maalalang may appointment ako sa secretary niya.





"Nasaan..." Hindi ko maituloy ang itatanong ko dahil naguguluhan din ako. Nasa company ata siya, pero ang schedule ko ay kikitain ang secretary niya. Ay ano ba 'yan! Ang gulo!




Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now