29

2.9K 80 66
                                    

"Jusko, Valerie! Anong oras na!" Halatang nag-aalala si Manang nang makita ako ngayon dito sa harap ng bahay ng ganitong oras.


"Sorry po. Nagising ko po ba kayo?" Tanong ko at ngumiti pa ng bahagya. Kanina pa kasi ako doorbell ng doorbell nang makababa ako sa sasakyan ni Jared.




Kaagad siyang umiling. "Hindi naman, naghihintay kami sa Daddy mo." Sagot niya saakin nang nakapasok na 'ko ng bahay.



"G-gising po ang Mommy?" Kinakabahang tanong ko.



Tumango lang si manang at sinamahan na akong pumasok sa loob ng bahay. Madilim ang living room pagpasok ko, buti na lang at wala si Mommy roon, baka nakatulog na.



"Salamat po, aakyat na po ako," pagpapaalam ko kay Manang at nagtanggal na ng sapatos. Siya naman ay tumango lang at dumeretso na sa kwarto nila.


"Valerie anak,"




Hindi naman ako gano'n ka-lasing kaya alam kong narinig ko ang boses ni Mommy. Sa tanda kong 'to kinakabahan pa rin ako kapag umuuwi ako ng ganitong oras 'e!


Narinig ko ang footsteps ni Mommy pababa ng hagdan. I pursed my lips before walking towards her.


"Nag-drive ka papunta rito?" Malamig na tanong niya. Hindi naman siya mukhang galit.


Hindi katulad ni Jared na galit talaga kahit saang anggulo mo tingnan!




"Hindi.. hindi po. Hinatid po ako ni.. la Claire dito," napakagat-labi ako dahil sa pagsisinungaling ko.




Napabuntong-hininga si Mommy bago lumapit saakin para yakapin ako. Wala akong magawa kun'di ang isiksik ang ulo ko sa leeg niya. I know she was waiting for me to talk since I probably looked bothered, Mom must've notice.



"Do you have uhm.. a problem, Val?" She asked, worried.




Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Jared. Kung hindi niya 'ko maintindihan, 'e mas lalong hindi ko siya maintindihan dahil sa inaasal niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak kaya ganoon ang mga naririnig ko, pero hindi naman ako lasing! O dahil lasing din siya kaya niya nasabi iyon. Ewan! Hindi ko naman tinanong.



"Wala po. I'm just so tired.. and confused." Mahinang bulong ko.



"'E di, may problema ka nga," she chuckled, which made me laugh a little as well.




Humiwalay sa yakap si Mommy at humawak sa magkabilang pisngi ko. She pinched it lightly that made the both of us laugh.


"Hindi muna kita pipilitin ngayon, gabi na. Pero anytime, you can always open up to me, Valerie." Mommy said in her very sweet voice.



"Thank you. And.. I'm sorry," nginitian ko siya.



"Uminom ka muna ng tubig bago ka matulog ha." Pagpapaalala pa sa'kin ni Mommy nang magpaalam na akong matutulog na. Tumango lang ako at ngumiti bago dumeretso sa kusina para sundin ang paalala niya. Kaagad akong umakyat sa kwarto para makatulog na. Si Mommy naman ay maghihintay pa raw kay kuya at Daddy.




The next day, I woke up because of the sunlight shining so bright, forcing me to open my eyes. I was hit by massive headache when I completely opened my eyes. Matagal akong nakipag-titigan sa kisame, nang makaget-over, tumayo na ako para maligo na.




Encounter (Onze Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ