03

3.9K 175 57
                                    

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng crushback."





Kanina ko pa iyon sinasabi para asarin siya. Umiling-iling lang siya at nagstart ng kumain. Hindi niya ako pinapansin!





"Kilig ka na agad nun?" He lifted his right brow and crossed his arms, it made me purse my lips.




Sino ba namang hindi kikiligin doon?! Like, crush ko siya, tapos gusto niyang mag-meet kami, tapos bigla niyang sasabihin na girlfriend niya ako?! Lord! Ano bang nagawa kong maganda sa past life ko para makakuha ng ganitong blessing?




"Don't get high hopes, I don't like you." Bigla niyang sabi.





Damn you! How can I not get high hopes when you're giving me reasons to!





I wanted to tell him that pero nahihiya ako.





"Pinaalis ko lang talaga yung waiter kasi ang ingay," then he rolled his eyes!





Oh my, is he...




Please, no.




I tried to calm myself. Kung ano-ano na lang ang iniisip ko!




"Okay, so what is it that you're going to give me back?" I changed the topic. A while ago was really awkward.




"Ah, ito," he handed a small paper bag, really small. "Hairclip mo 'yan." he added.





Eh? Hindi naman ako super wild kagabi, bakit natanggal? Baka meant to be talaga kami! Oh my god.





"So you want to meet me for this? Oh Love, you don't have to! Para naman may remembrance ako sayo!" I smirked. 




"You know Ian, right? He's a friend, I tried to ask him to give it to you, pero puntahan na lang daw kita." Inignore niya lang yung tanong ko, kaasar ha!




Gosh, he's no fun.




But I still like him! May part saakin na kahit nasasaktan na ako sa maliliit na bagay na sinasabi niya, crush ko pa rin siya!




"Ah thanks," tumango tango ako at kumain na lang ulit. Tahimik lang kaming kumain hanggang matapos.




"Ingat." He said and smiled, I also smiled back at him before he turn around to leave.




"Bakit bigla bigla nalang nawawala ang flirting skills ko?!" Tanong ko sa sarili.





Padabog pa akong naglakad pabalik ng condo. Inaya ko siyang mag-mall pero hindi pumayag, busy daw siya. Wala pa akong dalang payong, napakainit!





"Oh? Ang aga ah, mukhang hindi pa ako magiging ninang nito tsk tsk." Bungad saakin ni Claire pagpasok ko sa unit. Padabog kong binagsak ang sarili ko sa sofa, frowned face is still plastered on me.





Sinipa-sipa ko pa yung paa ko sa ere sa sobrang frustration.




"Sayang outfit girl hahaha!" Tumatawang lumapit saakin si Claire na may dalang tubig. "Kwento ka nga!" Sabay ipit niya pa ng sarili niya saakin.





Kinwento ko sakanya lahat ng nangyari kaya tawa siya ng tawa ngayon.




"Gago girl. Feeling ko ha, feeling ko lang, gusto ka nun! Wala lang, ramdam ko 'e! Sana all!" Sambit niya na tuwang-tuwa dahil sa sinabi.





Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now