22

3K 90 63
                                    

"Fuck,"



Iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko nang magising ako. I massaged my forehead, my eyes remained closed because my damn head hurts like hell.



This is Zoe's fault! She gave me so many bottles of hard drinks! And ang dami kong nainom! Ilang bote ba 'yun? Basta ang nakita ko lang kagabi ay halos mapuno ang table namin, jusko.




Naimulat ko ang mga mata ko nang biglang may nahulog na kung ano sa labas. I instantly checked my clothes! Baka may kung anong kababalaghan pala ang nangyari kagabi!




"Oh my god," napaawaang ang labi ko nang makitang nakasuot ako ng gucci shirt, wow, mukhang mayaman ang mapapangasawa ko. Ngumisi ako sa sariling naisip.




Agad rin akong nadismaya nang makitang nasa kwarto ko pala ako. Naghilamos na lang ako at walang ganang naglakad palabas. Akala ko pa naman ay nakuha na!




"What the fuck are you doing here?" Natigil ako sa paglalakad nang makita siyang kumakain. Wala na nga akong stocks tapos kakainin niya pa?! Ang kapal ng mukha!




"Wow, wala man lang 'thank you'? Sige salamat nalang sa lahat. Maaari mo nang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan nating dalawa." I cringed because of what she just said.




"Ang drama mo," umupo ako sa harap niya at nagsalin ng tubig. "Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ko pa sa kanya.




"Mas masakit kapag walang ulo," sagot naman niya at tumawa pa ng malakas.




"Ang mature sumagot," inirapan ko siya.




Nang mahimasmasan ay binigyan niya ako ng isang tusok ng hotdog.



"Who took me home?" I asked her, chewing the food that she gave me.




"Nakalimutan mo?" Mukha pa siyang gulat kaya bigla akong kinabahan.




Napasapo ako sa noo nang maalala ang nangyari kagabi. Oh my god, he took me home?!



"Jared?" Naguguluhang tanong ko.



Biglang humalakhak si Claire dahil sa sinabi ko. Gosh, bakit ko ba kasi naisip na siya ang mag-uuwi saakin? Napakatanga mo talaga, Valerie.




"Hahahahaha! Ito na nga ba ang sinasabi ko 'e! Wala pang isang buwan crush mo na ulit si Jared." Natatawang sabi niya pa na ikinagulat ko. I can't tell her that we had a little conversation last night. She will definitely tease me real good.




However, I just shook my head. Totally disagreeing to what she said. I don't see myself liking him again. Never.




"I asked you kasi! Tapos ang isasagot mo saakin ay 'nakalimutan mo?' Gosh!" She mocked my words which made her receive a glare from me.




"Whatever you say. But it was Warren," She stopped and my mouth formed an 'o'. Akala ko ba ay nasa Batangas yung lalaking 'yon. "We called him kasi we can't take you home! Biglang nawala si Lorraine, bwiset na yun." She paused again, closing her eyes like she was remembering something from last night. Nagtaka rin ako kung bakit biglang nawala si Lorr.



"Tapos nung nakababa na kami! Akala namin naroon ka na sa sasakyan, pero wala ka roon! Sabi mo mauuna ka na. We had to find you pa, we almost called the police! Akala namin may nagtake-advantage sayo kasi lasing ka. We thought you got kidnapped! Pero nung nakabalik kami ay nakita ka na naming naglalakad papalapit saamin, galit na galit! Mukha kang tanga," tumawa nananaman siya. Natawa rin ako dahil sa mga sinabi niya.



Encounter (Onze Series #1)Where stories live. Discover now