48: Pagtanggap

276 21 10
                                    

ANDRES

I am a changed person now. Isa na akong morning person. Kung kailan naman din talaga, ngayon pa ako nakukusang nagigising ng maaga. Maaga to the point na nauuna pa akong bumaba kay Lolo Jose para mag-almusal.

Sumalubong sa akin ang tahimik na bahay pagkalabas ko ng kwarto. Madaling araw kanina nang umalis sila Mama. Bilang ngayon na lang ulit nakabalik ng bansa si Tito Bart, nagkaroon ng out-of-town reunion ang pamilya nila. Pinilit pa nga nila akong sumama kaso hindi na kaya ng schedule ko. Sobrang busy ako lately. Hindi ko sila mapagbigyan. Eme.

It was 7:13 AM. Bumaba ako sa kusina na may nakahain nang almusal. Tinakluban na lang ito ni Aling Pacing ng plastic food cover. Sa bakuran ay naririnig ko ang pagwawalis ni Aling Pacing ng mga nahulog na tuyong dahon.

Kumuha ako ng plato at pares ng mga kubyertos bago naupo. Inalis ang mga takip at kumuha ng tig-isang piraso ng piniritong hotdog at sunny side-up egg na malasado ang yolk. Mainit-init pa ang pandesal na regular na dinedeliver sa bahay.

Hinati ko ang pandesal pahalang, inilagay ang hotdog sa gitna, at kinain. Pinagpag ko ang mga daliring may breadcrumbs bago hinawakan ang phone kong may update ng message mula kay Mama. Bukas pa ng tanghali ang balik nila bilang overnight sila sa Batangas. She sent me photos of the resort and the beach where my siblings were happily strolling barefoot on the sand.

Then I heard footsteps coming down the stairs, Lolo Jose enters the dining room.

"Morning, 'lo." Bati ko na kagat-kagat ang pandesal sa bibig.

Tumayo ako sandali para kuhaan siya ng tasa at plato na kakainan niya. Nasa lamesa na ang termos ng mainit na tubig at ang kape, creamer, at asukal. Inilapag ko ang mga ito sa tapat niya at bumalik na ako sa aking ginagawa.

Umalingawngaw ang pagkalampag ng kanyang kutsarita sa pagtimpla niya ng kanyang kape.

"May gagawin ka ba ngayong araw, apo?"

"Hmm?" Tanong ko na may nakasapak na namang pandesal. "Mamayang hapon pa naman po."

"Mahaba-haba na din itong buhok ko. Pagupit tayo mamaya."

Lumingon ako sa nagpapalaman din ng itlog sa kanyang pandesal. 'Yung naghahalong puti at itim niyang buhok ay humaba na sa likod at sumayad na din sa kanyang tainga. Pansin ko din na bihis na siya sa nakaugalian niyang t-shirt na nakatuck-in sa jogging pants at suot na din niya ang kanyang rubber shoes.

"'Yang mamaya na 'yan ba, pagkatapos natin kumain?"

Kumagat ito sa kanyang tinapay at tumango.

Hindi rin nagtagal, pagkatapos naming mag-almusal, sandali lang akong naghilamos at nagpalit ng shorts, naglalakad na kami ni Lolo Jose sa tabing kalsada patungo sa barbero niya.

Ang tahimik ng umagang ito. Hindi rin ganoon kainit. Bihira ang mga dumadaang sasakyan sa aming tinatahak na napapalibutan ng mga nag-gagandahang mga bahay. Karamihan sa mga bahay dito ay noon pa nakatayo. Karamihan din sa kanila ay nag-evolve na at isa ang bahay namin sa nanatili kung paano ito unang binuo.

Tumigil kami sa harap ng isang maliit na barber shop. Parte ito ng isang bahay na ginawang pagupitan ang isang bahagi sa unang palapag. At base sa aking ala-ala, hindi ito ang dating itsura niya.

"Ito na ba 'yon, 'lo?" Tinitignan ng maigi ito. Glass sliding door ito na kita ang loob kung saan may dalawang barber chairs.

"Iyan na nga."

"Parang iba na kasi 'yung itsura niya." Sinusuri ko pa din ang barber shop na nasa harapan namin.

Nakangiti naman nakatingin din si Lolo Jose dito na aking natatanaw sa salamin. "Madami nang nagbago sa paligid mo, apo." At nauna na siyang pumasok sa loob.

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now