50: The Greatest Finale

305 26 10
                                    

GODDESSS OF LOVE

Tulala.

Hindi mawari at maproseso ang nilalaman ng isipan. Dumilim na ang kalangitan na siyang bumalot sa loob ng kanyang silid. Nakaupo sa gilid ng kama habang nakasandal sa pader. Ang maliit nitong lampara sa gilid ang nagbibigay ng katiting na liwanag.

Bumaba ang mga tingin ni Jay sa ibabaw ng kama. Sa harapan nito, nakalapag ang dalawang bagay: ang kanyang cellphone at ang invitation para sa kaarawan ni Andres. Ibinigay ito sa kanya ng receptionist ng kanilang condo nang umuwi siya galing sa pamilihan. At ito ang dahilan ng pagkabagabag ng isipan.

Tumatama ang kakarampot na ilaw sa ginintuang detalye ng paanyaya sanhi ng tila pag-ilaw nito sa matamlay na kapaligiran. Kanya nang napagtanto na maaring ito na ang huling araw na kanyang makakasama o makikita pa nang may buhay ang kaibigan. Ang kaibigan na hindi inaasahang magtatapat ng pagmamahal para sa kanya.

Umilaw ang telepono ni Jay. Isang mensahe mula sa kanyang ama ang lumitaw sa screen. Bukod dito, natuon ng kanyang mga mata ang oras na nakasulat sa telepono.

7:21 PM.

Higit apat na oras bago magpalit ng araw. Higit apat na oras na natitira para mapagdesisyunan ang mga susunod na hakbang. At higit apat na oras pa ang nalalabi para sa buhay ni Andres.

Dinampot ni Jay ang kanyang telepono. Binuksan niya ang mensahe ng ama. Nang mabasa niya iyon, ibinalik niya sa pagkaka-lock ang telepono. Hindi niya nais pumunta sa bahay ng ama. Wala itong enerhiya na magpakita dito lalo pa sa kanyang pinagdaraanan ngayon.

Ngunit may kung anong nag-usig sa kanya na tumayo mula sa pinaglulugmukan at maghanda para sa gabing ito.

* * *

"That Puerto Galera trip is definitely one for the books!" Masiglang pagtatapos ng isang kaibigan ni Andres na si Hillary sa kanyang maikling pamamahagi ng kwento bilang parte ng 25 Memories.

Lumapit ito kay Andres na bumeso at sandaling nagka-litratuhan bago bumalik sa kanyang pwesto.

"Now, I want to believe that Andres is such a fun with sa mga beach trips. Ang dami na nilang nakapagshare ng beach trips with our celebrant," Adlib ng host na pumwesto sa gitna habang binabasa ang susunod sa listahan. "I would like to make a bet na aabot ng more than ten ang magshe-share ng beach trips nila with Andres. Anyone here?"

The host successfully connects with the audience. Ganado ang mga tao sa kanyang mga sinasabi. Na kahit si Andres na maagang gumising, hindi tinablan ng antok dahil nag-e-enjoy din ito.

"Next on our list is another friend, of course, of Andres. For a little background, Andres hosted several events of his friend's company. And through these kinds of events where they got to meet each other. May I call on, Mr. Sydney Sta. Maria. "

Sydney was welcomed with warm applause as he rose from his seat and went his way to the platform. He was dressed in an all-black tuxedo jacket and pants with an oversized pussy-bow over his chest. Ngumiti ito kay Andres na kanya namang ginantihan din ng sabik na kaway.

"Can I say how lucky I am to have met this wonderful being?" Simula nito nang maibigay ang mikropono.

"But I'm sorry to be a KJ, Mr. Emcee," He motions to the host. "This is not a beach trip."

Bahagyang natawa ang ibang mga bisita kabilang na ang emcee. Sydney started sharing this one night in Poblacion where he and Andres got drunk and woke up the following day at some hotel room that they can't remember if they checked in. Sa pagbanggit na iyon ni Sydney, matawa-tawa si Andres. And as Sydney finishes, Andres went down from his throne and hugs his friend.

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now