39: Rainbow before Rain

232 24 5
                                    

ANDRES

Ipinangako ko kay Papa na maglalaan ako ng isang araw para sa mga kapatid ko. Sa ilang araw na sunod-sunod ang trabaho, nabigyan din ako ng free day on a weekday. Agad-agad ay tinawagan ko ang Papa para sa plano ko. Mostly, we would spend time sa mga arcade sa malls. But this time, I want to take them to a picnic.

"Andito na tayo!" I said to the excited kids at the back seat as we enter the premises.

Just before lunch, nakarating na ako kila Papa para sunduin sila. Gusto ko din na mangyari ito kasi matagal-tagal na din mula nang makita ko si Papa. Madami na din kaming pag-uusapan.

I stopped for the meantime and ran to where stoned letters of La Mesa Eco Park was displayed. We exchanged taking pictures, from me and the kids, to me and Papa, me and Tita Mariel, and the whole of us. I find us first a parking space before heading out. We did a lot of walking on our way to the picnic area. Kahit may kainitan ang araw, malamig ang paligid at presko ang hangin dahil sa mga nagtatayugang puno na nakapalibot.

On a wide lush green surface and levels quite similar to Banaue Rice Terraces, we found our spot right at the shade of a huge tree. Tita Mariel placed our banig flatly before we could sit by ourselves minus our footwear. Inilapag naman ni Papa ang basket na naglalaman ng mga pagkain na dinala namin.

"Gusto niyo ba kumain muna o mag-ikot?" Tanong ni Tita Mariel sa mga bata.

"Kain po muna. Gutom na ako." Bumusangot na si Magnus at hinimas ang kanyang tiyan. We couldn't help laugh at this young fellow.

I sat beside Papa and the two kids. Inilabas ni Tita Mariel ang mga baunan na naglalaman ng aming mga pagkain. Naging toka-toka kami sa pagkain. Sa kanila Papa ang spaghetti at fried chicken samantalang sa akin naman ang lumpiang shanghai, na hindi pwedeng mawala, at cookies at brownies na aking binake pagka-uwi kahapon.

"Bless us, Papa God, for this wonderful meal," Aila led the prayer. "Salamat po dahil magkakasama kami nila Papa, Mama, Magnus, at Kuya Andres ngayon."

My heart melt hearing how grateful my sibling is. We may not be blood-related but our hearts were connected by our love. I could only imagine how these two will reach for their goals. Ang dinig ko, gusto maging teacher ni Aila. Si Magnus, masyado pang bata para sa ganyan. It saddens me na hindi ko na ito masasaksihan.

We feasted on our food over kwentuhan at kulitan. Ang bunsong si Magnus ay akin ding pinapakain at naglalambing din kasi. Si Papa at Tita Mariel naman ay lambing na lambing sa isa't isa! Kayo na masaya!

After filling our tummies, we went to activities. Isinakay namin ang mga bata sa mga kabayo. They loved it so much that I would be at their side para bantayan sila. Their parents were just at our back watching over. We rented them for an hour at inilibot ang hindi din naman kalayuan sa pwesto.

"Kuya, ikaw din, sakay ka." Tumingala ako sa sinabi ni Magnus. Itinapik niya ang likod ng kabayo para sakyan ko. He would smile like a really cute angel.

"Hindi na tayo kasya dyan, Magnus. Kawawa naman si horsey, oh. Mabibigatan lang siya sa akin." Nguso ko at hinimas ang kabayo.

I would hear our parents happily chatting as they walk behind us. Ito ang gusto ko para kay Papa. 'Yung magaang lang, masaya, at walang trabaho na iniisip. Hindi iniisip kung makaka-ilang pasada ba siya sa jeep niya. I turned to look how they both are smiling from ear-to-ear. Bibihira ngumiti ang mga maskuladong tatay kaya tinetreasure ko ang mga pagkakataong ganito.

We also did some bird watching in a secluded forest surrounded by wild trees and flowers. Too bad, it wasn't the birds I am expecting. But I guess I've seen birds quite often these days. At ako lang ang nag-enjoy dahil panay kuha ko ng mga litrato sa paligid.

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now