49 : Isa Pang Araw

243 21 7
                                    

ANDRES

Maaliwalas ang panahon ngayon. Hindi maalinsangan at katamtaman ang ihip ng hangin. Mula dito sa silid-aklatan namin sa taas, naririnig ko ang paglalaro ng mga kapatid ko kasama ang iba pang mga bata. Nag-imbita kasi ang Mama at Tito Bart ng kanilang mga kaibigan para mananghalian dito. Natapos na ang kainan kaya sandali ko muna silang iniwanan sa ibaba.

Pumanhik ako sa itaas, kinuha ang laptop, at lumipat sa library namin. Isinara ko ang magkabilang pintuan para hindi ako maistorbo. Malawak namang nakabukas ang mga bintana upang pumasok ang hangin.

Binuksan ko ang Microsoft Word. Inilapat ang aking mga kamay sa ibabaw ng keyboard. Nakatanga sa isang blangkong sulatin. Binubuo ang mga salita at kung papaano ito sisimulan. Narinig kong bumukas ang pintuan ngunit hindi ko pinansin.

Sumubok akong tumipa ngunit binubura ko din. Hanggang sa may maglapag ng tasa ng mainit na tsokolate. Wala akong matandaan na nagpaakyat ako nito. Sandaling natahimik, ni hindi ko narinig ang mga hakbang noong tao na pumasok na lumabas ulit.

"Handang-handa ka na yatang sumunod sa amin, ah."

Napatigil ako sa aking ginagawa, kahit wala pang nasisimulan. Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. She was facing the opposite side. Lumakad ito paabante papunta sa kabilang parte ng silid.

Isang puti na bestida ang kanyang suot na lampas sa kanyang tuhod. Malalaki ang alon ng mga buhok niya na sumasabay sa ihip ng hangin.

"A-Ano pong hanap niyo? May banyo po sa ibaba sa may kusina." Bisita yata nila Mama ito na naligaw.

Ngunit sa kanyang paglingon, ako ay napatulala. Suot ang isang matamis na ngiti. Hindi ko naramdaman ang mga daliri ko sa kamay. Nanigas at tumayo ang aking mga balahibo sa batok.

"A-Auntie... Auntie Alessandra?"

Maliit itong ngumisi. "Ako nga, pamangkin."

She leans towards the table and places her palms on the high rest of the chair. She smiled so sweetly as if she is still living. At mukha talaga siyang buhay na buhay.

Napatayo ako. Punung-puno ng pagtataka. "Teka, teka, teka," Hinawakan ko ang sarili ko. Hindi pa naman ako tumatagos. Sinubukan kong hawakan ang laptop, naramdaman ko pa naman siya.

"Buhay ka pa naman, Andres. Ako lang naman itong patay sa ating dalawa."

"Nananaginip ba ako?"

"Oo,"

Isang panibagong boses ang sumulpot.

Lumingon ako sa aking kanan na pinanggalingan ng boses. Mas may kaliitan ito kumpara kay Auntie Alessandra. Puti din ang kanyang bestida ngunit abot ito hanggang sa sahig. Ngumiti ito matapos ay lumakad patungo kay Auntie Alessandra.

"Auntie, nandito din po pala kayo,"

"Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na maka-usap ang aking apo,"

Magkatabi na silang dalawa. Hawak ng Auntie Alessandra ang kamay noong tumawag na apo sa akin. At halos magkasing-edad lang sila.

"A-Apo? Ang bata-bata mo pa para magkaroon ng apo."

Nagkatinginan ang dalawa na mahinang natawa.

"Ako ang kapatid ng Lolo Jose mo, ang Lola Fina mo." Pagpapakilala niya. "Hindi na tayo nagpang-abot noon."

Sandali kong ipinikit ang mga mata. Lihim na pinagdarasal na hindi totoo ang mga ito. Na hindi nila ako minumulto. Ngunit pagdilat ko ay naroon pa rin sila sa kanilang pwesto.

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now