6: Drunk and Crazy

413 31 0
                                    

ANDRES

"I will see you all next week." paalam ng aming prof at nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

Nagsilabasan na sila pero kami nina Julia, Erich, Angel at Matt ay nagpaganda pa ng very light. Kani-kanya kaming labas ng salamin at retouch ng mga makeup. Kumuha lang ako ng blotting paper at nagtanggal ng oil sa aking face.

"Moms, kailan niyo sisimulan paper niyo?" tanong ni Julia habang naglalagay ng cheek tint.

"Kapag may go signal na." sagot ko naman.

"Kaklase niyo daw 'yung galing sa Business Econ?" tanong naman ni Angel.

"Sino?" tanong ko.

"'Yung gwapo, 'yung masarap na kalbo." sabi ni Matt.

"Si Sanders?" salubong na tanong ni Julia.

Bumaling ako sa kanya. "Paano mo nalamang siya 'yung galing Business Econ, aber?"

"Hindi ko alam na Business Econ. Ang alam ko gwapo at masarap siya."

Nag-apir pa sila ni Matt.

"Tumigil nga kayo. May boyfriend ka, Julia. Isusumbong kita kay Joshua!" kunwa'y pananakot pa ni Erich.

"Joke lang. Ito naman." pag bawi ni Julia sa mga sinabi niya.

Tinago ko na ang mga ginamit ko at ibinalik na sa bag. May pagkatalandian lang 'yang si Julia pero mahal na mahal niyan ang jowakels niya at turning six years na sila!

"Tuloy ba tayo mamaya?" tanong ni Julia.

"Saan?" tanong din ni Erich.

"Bar! 'Di ba sinabi ko na gimik tayo Friday night!" sabi pa ni Julia.

"Ngayon na ba 'yon?" tanong ni Matt. Nakatutok pa rin siya sa phone niya.

"Aalis kami ni mama mamaya. Kaya kailangan ko na rin umalis mata-traffic ako." paalam ni Erich at iniwan na nga kami.

"Ikaw, Gel?" baling ng tingin ni Julia kay Angel.

"Keri lang sa akin. Text mo lang ako." sabi pa ni Angel. Iba din si Mars Angel. Go with the flow.

"Matt?"

"To follow na lang ako. Kikitain ko lang itong kausap ko." sabi niya na kausap sa chat ang nameet niya online.

"Andres. Ikaw?"

"May raket ako mamayang gabi. Susunod na lang ako." sagot ko.

Maghu-host lang ako ng debut mamaya at pagkatapos no'n ay pwede naman akong sumunod sa kanila. Namiss ko na din gumimik. Ang huling gimik ko pa yata 'yung birthday ko. Dalawang linggo na rin ang dumaan.

"Sure 'yan ha?" nanigurado pa ang loka.

"Oo naman." tumayo na kami at lumabas na ng classroom.

Nagkahiwa-hiwalay na kami nang makababa na ng university grounds. Lumabas na sila sa gate at ako naman ay tumungo na sa parking lot. In-unlock ko na ang sasakyan gamit ang remote habang naglalakad ako patungo sa aking kotse. Hindi pa man ako nakakalapit sa sasakyan ko ay nahagip ng paningin ko ang katapat nitong kotse sa kabilang parte ng parking lot.

Nakasandal doon ang isang estudyanteng naka-uniporme habang nakasalpak ang earphones sa tenga at preskong naninigarilyo—sa loob ng university premises. At sa tapat pa ito ng campus building kung saan higit na pinagbabawal ang ganitong gawain. Marahan akong lumapit dito na hindi man lang nararamdaman ang paglapit ko sa kanya dahil sa pakikinig niya.

Napatingin siya sa mga paa ko nang makatabi ako sa kanya. Nag-angat siya ng tingin matapos ibuga ang usok mula sa kanyang bibig.

Ibinato nito ang puwet ng sigarilyo sa sahig at inapakan ito.

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon