27: Worth a Trouble?

262 18 2
                                    

ANDRES

4:00 of Thursday morning, Zac, whose geared properly, arrived at the gates of the old Montecillo house. Hindi 'ko na ginising si Lolo Jose para magpaalam para hindi maputol ang tulog nito. Kinandado 'ko ang pintuan at bumaba sa garahe. Pareho kami na nakasuot ng jacket at may tig-isang malaking backpack. Lumabas ako ng gate at isinarado ito.

"Good morning!" Bati 'ko sa kanya.

Ibinigay niya sa akin ang isang helmet. "Akala 'ko hindi ka na papayagan ni boyfriend."

"Unfortunately, he did." I secured the helmet on my head at umangkas na sa kanya. "So, this better be a trip to remember."

"As you wish."

Pumunta kami sa kabilang bayan para i-meet ang mga kaibigan niya. They're friendly enough to welcome me kahit unang beses 'ko pa lang sila nakilala. Two sets of couple who were dressed for the quick summer vacation. The ladies on their sundresses while the gentlemen on their shirts and shorts.

"Guys, ito nga pala si Andres. Kababata 'ko." Zac introduced me to them and shook their hands. "Ito si Rico at Claudine. At sila naman si Marvin at Jolina."

Naguluhan ako. Masyado lang ba naging mabilis ang pagsasalita niya o sadyang nawindang lang ako sa mga narinig 'ko. "Teka, tama ba ang narinig 'ko? Rico? Claudine? Marvin at Jolina?"

"Nakakatuwa itong kaibigan mo, Zac." The boy named Marvin said.

The girl in a ponytail added. "You heard it right. Ako nga si Claudine. At sila naman sina Jolina, Marvin, at ang boyfriend 'kong si Rico."

"Artistahin ba kami?" Biro ni Rico na ikinatawa nila habang nanatili akong may pagkamangha.

"Hindi na nga pala tayo kakasyang anim sa sasakyan." Sambit naman ni, I assume, Jolina. "Sumunod na lang kayo ni Zac sa amin."

Bumaling sa akin ang katabi 'kong si Zac. "Ayos lang ba nagmotor tayo papuntang Pagudpud?"

Tumango-tango ako. "Oo naman! Walang problema sa'kin."

"Great! Halika na bago pa tayo masikatan ng araw." Aya ni Claudine at nagsipasok na sila sa sasaakyan. Nasa unahan sina Rico at Claudine samantalang mga pasahero sina Marvin at Jolina. Umangkas na si Zac sa motor na aking sinundan.

"Higpitan mo ang kapit. Mahaba-habang biyahe 'to."

No'ng sinabi niyang mahaba ang biyahe, hindi nga siya nagbibiro. It was the longest ride I had in my life habang nakasakay sa motorsiklo. Kasikatan na ng araw nang makarating kami ng Pagudpud. Pero napawi ng magandang tanawin ang nakakangalay 'kong pag-upo.

"Ang ganda!" I shouted as we passed by a highway just beside the seashore. I can't contain my happiness that I took out my phone and took a video of me with the sea splashing on the background.

"Nagustuhan mo ba?" Zac asked shouting.

"Sobra!"

My eyes can't take off at the picturesque view. The ocean seemed endless. Ni hindi 'ko makita ang dulo nito. And that is how I have always wanted to feel. This is serenity.

"Gusto mong bumaba?" Zac asked.

"Ha?" Inulit niya dahil hindi ako narinig ng maayos. "Sige!"

Iginilid niya ang motor at bumaba kami. Halos solo namin ang kahabaan ng tulay dahil walang sasakyan ang nakasunod sa amin maliban doon sa sasakyan ng apat na hindi na yata kami napansin na tumigil. Tumawid kami sa side ng dagat at may malalaking ngiti 'ko pinagmasdan ang karagatan. The cold wind in the morning touches my face and the sound of the water crashing the shore is true relaxation.

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now