31: Choosing What's Right and Best

252 22 1
                                    

• Book Three • 

ANDRES

"AAAAAHHH!!!!!"

Napabalikwas ako sa aking kinauupuan kung saan ako natutulog. Lahat ng aking ka-trabaho ay napatingin sa akin. Hinahabol ko ang aking hininga sa mga sandaling iyon. Nagmadaling lumapit sina Patch at Leren mula sa pagkuha nila ng tubig sa water dispenser.

"Andres, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Patch.

"Binabangunot ka ata." Sabi naman ni Leren.

Umayos ako ng upo at binigyan ako ni Patch ng isang basong tubig. Isang bangungot nga ang nangyari. Bangungot na matagal ko nang hindi nararanasan. Ngunit bakit nangyari sa akin ulit ito? May ibig sabihin ba ito? May mensahe ba itong dapat ipahatid?

Kasabay ko na silang bumalik sa opisina para doon ipagpatuloy ang natitirang oras ng aming break. Nakatutok sa cellphone ang bawat isa at tila magkakagalit. It wasn't a good start of the day. Kung kagabi lang ay masaya kami, ngayon kinakabahan kaming lahat.

Kagabi, habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe pauwi, nakatanggap ako ng message mula sa group chat ng team namin na may problema. May isang advertisement ng isang ride sharing app na sumakay sa isang controversial issue na hindi marapat ginagamit para sa tinatawag nilang 'clout'.

And that was well-thought by Tommy, Leren, and me. Nagkatuwaan lang kami noong Huwebes tungkol sa issue na iyon na mabilis ginawa nang sa akala nami'y kwelang caption. Ayon pala'y negatibo para sa iba. Actually, sa lahat.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang naglalakad na patungo ng aming office si Miss Stella. Hindi maipinta ang kanyang itsura nang pumasok ng kwarto. Ibinagsak niya ang kanyang bag sa lamesa at tumitig ng masama sa aming lahat.

"Who the hell did that?"

Animo'y mga pipi kami at hindi agad nakapagsalita. Suddenly, Leren raised her hand, followed by me and Tommy. Ilag na ilag kami sa mga sumasaksak na tingin ng aming boss.

"We're very sorry for the glitch, Miss." Leren apologized.

"Glitch?" Balik niyang tanong. "There's a big difference to a sudden malfunction to your irresponsibility!" Nanggagalaiti niyang sambit. "Sa tingin niyo ba makakaganda ang pagsakay niyo sa issue ng mga artistang 'yon para sa trabaho niyo? Magagaling na kayo?"

Nailing kaming lahat. The quietness of the room made us heard the heavy breathing of Miss Stella. She was hella disappointed. This was the first time I witnessed Miss Stella fiery. A phone call to her was a relief for us. Lumuwag ang aming paghinga nang lumabas siya at hindi na namin alam kung saan tumungo. Nagkatinginan na lamang kaming pito sa nangyari.

"Lesson learned, peeps." Ani Patch na umikot na paharap sa kanyang desk.

"Hindi ko na dapat sinuggest 'yon." Napakamot sa batok na sabi ni Tommy.

I turned to face my desk. "Ano'ng mangyayari sa atin?"

"The company will have to issue a statement regarding the issue." Sagot ng abala sa kanyang laptop na si Arnold. "And that is my job."

Nagkatinginan na lamang kami ni Leren na siyang napaka-kibit balikat na lamang bago bumalik sa kanyang trabaho. The remaining hours went dead silent. Walang ibang ingay na maririnig maliban sa mga pagtipa ng aming mga daliri sa keyboard ng laptop. The atmosphere felt heavy but the work gotta continue.

Lumabas ako saglit sa opisina at tumungo sa palapag ng smoking area. Kailangan ko lang huminga kaso ang hihingahan ko ay hangin na mula sa mga sigarilyo ng bawat empleyadong kasalamuha ko ngayon. I wanted to talk to my boyfriend at the moment. Wala naman siyang pasok ngayon at nasa bahay lang.

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now