One Great Love

2K 48 0
                                    

Bawat tao na naririto sa mundo ay may mga kahilingan. Isa na rito ang mahanap ang kanilang 'one great love'. Lahat ay nais maging masaya. Ngunit nang dahil sa isang sumpa, nabibilang na ang oras upang mahanap ang taong imposible pa sa pagputi ng uwak ang pagkakakilanlan nito. Sa pag-agos ng panahon, hindi mo namamalayan na nauubusan ka na ng oras. Lalo pa't kailangan niya itong mapa-ibig sa loob ng 365 na araw bago mangyari ang sumpa--ang kanyang kamatayan.

Ang kwentong iyong mababasa ay tungkol sa ilang taon na pag-ibig ni Aurora sa kanyang pinakamamahal na si Juan Pablo. Ngunit sa kasamaang palad, mag-isang umibig si Aurora na hindi man lang napansin ang pagtingin ng binata sa kanya. Hanggang sa hindi niya makayanan ay kinitil niya ang sariling buhay. At sa huling hininga niya'y isinumpa na marapat na ibigin ng isang Nepomuceno ang isang Montecillo upang siya'y tuluyan nang makapahinga. Kung hindi mangyari ito, kamatayan ang sasalubong sa isang minalas na Montecillo pagdating ng kanyang ika-dalawampu't limang taon na kaarawan nito.

Si Andres ay kagaya ng iba pang kabataan sa kanyang edad--masayahin, makulay, at malaya. Hanggang sa sumapit ang kanyang ika-dalawampu't apat na kaarawan. Kailangan niyang mahanap ang nawawala at natatanging 'single' na Nepomuceno bago siya magdiwang ng kanyang ika-dalawampu't limang kaarawan. Bukod pa doon, kailangan niya rin mapa-ibig ito, maging ano o maging sino man siya. Dahil kung mabigo siya sa kanyang misyon, magaganap ang sumpa.

A bizarre love story is about to unfold.

Makakayanan ba ni Andres na maputol ang kakaibang sumpa ng kanilang pamilya?

Aabot ba siya sa oras?

Mahahanap kaya niya ang natatanging tao na magliligtas sa kanya sa kamatayan?

One Great Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now