"Sana magkaayos na sila."

"Kung ako lang masusunod, huwag na sana. She is a brat. She thinks she can get whatever she wants. Did you notice how snobbish she can be? Hindi ko nga alam bakit nagtagal ang dalawang yan. Their personalities are so opposite."

"Baka sa kanila tama yung kasabihang opposites attract," nangingiting sabi ni Ashley. Saka baka mahal siya talaga ni Kuya Mark."

"I don't know, sa akin lang basta maligaya kayo, kahit sino pa. Kayo naman makikisama. Ayaw ko lang nakikitang nasasaktan kayo. Ako ang unang unang makakalaban ng sinumang mananakit sainyo."

"Fighting mama Charlene!" Biro ni Ashley sa mama niya.

Natawa din si Charlene sa sinabi ni Ashley.

"Kumusta naman kayo ni Gerald anak?"

Kitang kita ni Charlene ang pagliwanag ng mukha ni Ashley.

"Wala na akong mahihiling pa Ma. Ramdam ko yung pagmamahal niya. Sobrang seloso nga lang pero napaka bait at gentleman niya."

"Mabuti naman. Medyo nag aalala ako pag nalaman na ng mga fans ang relasyon ninyo. Alam mo naman ang mga fans mga possessive at isa na sa pinaka ang mga fans ng loveteam nila. Lalo na nga at hindi pa naman talaga public ang pag bre break nila. Kaya mo bang harapin ang mga intriga? Kaya mo bang makita silang very sweet sa isat isa pag nakaharap sa camera? Sa mga susunod na araw ay magiging puspusan na promotion ng teleserye nila. Sigurado maraming promotional news , pictures at mga kwentong walang katotohanan ang lalabas. Handa mo na kalooban mo." Pinagmamasdan ni Charlene ang anak habang nagsasalita siya. Gusto niyang makita ang reaction ng anak.

"Tiwala naman po ako kay Gerald. Nararamdaman ko naman po yung pagmamahal niya sa akin. Sa tutuo lang po, hindi na lang ako nagbabasa ng mga showbiz news kahit na on line. Kilala ko naman po si Gerald, ang pamilya niya. Alagang alaga din po ako ni Tita Vangie at barkada ko din po ang kapatid ni Gerald na si Ken."

"Yun lang ang gusto kong malaman. Naku anak , ewan ko ba , hindi ko maiwasan ang maging protective.Baka nga hindi ko mapigilan ang sarili ko pag may narinig o nabasa akong mga not so good news about you."

"Don't worry much Ma, hanggang hindi nakikita ng dalawang mata ko, hindi nila matitinag ang tiwala ko kay Gerald."

"Mahal mo talaga siya no?"

"Opo, siya lang talaga ang minahal ko mula nuon. Ilang beses din naman po akong nakipag relasyon sa iba pero laging parang may kulang. HInahanap ko yung dating samahan namin kahit na magkaibigan lang kami nuon.'

"Sana anak, habang nandito ka, kahit na once a week man lang , makapagbonding tayo lalo na ilang linggo na lang Pasko na. Dito ka ba sa PIlipinas magpapasko? Hindi ka ba uuwi para makasama ang mga mommy at step dad mo?"

"Kaya nga po nag decide ako na dito na lang mag Pasko kasi nasa biyahe din po sila. Sa Costa Rica po yata sila mag Pa Pasko. "

"Ay ganoon ba? Pabiyahe biyahe na lang pala sila?"

"Opo , retired na po si Daddy pero may mga tao pong namamahala ng business nila kaya kahit na wala sila duon , ok lang po. Kung hindi nga po sana ako nagkasakit, gusto nga po sana ni Daddy ako ang pumalit sa kanya. Hopefully pag talagang naka recover na ako, unti unti, mag trabaho ako sa company parang training while taking more courses to upgrade my education." Maha habang paliwanag ni Ashley.

"Bakit pala hindi mo sinunod ang last name mo sa dad mo."

" Mas gusto ko pong i keep ang last name ni mommy."

"Pwede bang dito ka sa amin mag spend ng Christmas?"

"Tingnan ko po muna? Hindi ko pa po alam kung ano ang balak ni Gerald. Baka po kasi umuwi sila ng GenSan, pag po nangyari yun, sasama po ako."

Medyo nalungkot si Charlene pero hindi siya nagpahalata. "Basta kahit na isang araw lang spend a day with us ha, please."

"Opo naman , sigurado po yun"

"I love you anak, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa mga panahong ito na kasama ka na namin at kilala mo na kami."

"Ganoon din naman ako Ma. Ang tagal kong pinangarap na makilala ko kayo nun pala andiyan lang kayo sa paligid ligid."

Nagyakap uli ang mag ina. "Halika na , duon na tayo sa sala mag desert. Ano gusto mo? Coffee or tea?"

"Tea na lang po"

Hindi na nila nakita sina Iya at Mark hanggang sa makatapos na sa desert nila sina Sarah at Charlene.

"Ma, pwede po bang mauna na akong umuwi. Mag taxi na lang ako para hindi na maistorbo yung dalawa sa pag uusap. I have a long day po kasi, medyo nakakaramdam na ako ng pagod."

"Ayaw mo bang dito na matulog?"

"Sa susunod na lang po." Tanggi ni Ashley.

" Sige ihatid ka na namin."Tinawag ang isa sa mga kasama nila sa bahay at pinasabing ipahanda sa driver ang sasakyan at ihahatid nila si Ashley.

"Sasama na rin ako, gusto ko ding makita ang lugar mo. Sandali lang ako. Gusto ko lang makita. May mga kailangan ka ba? Groceries? Kuha ka na lang dito para hindi ka na mahirapang mag grocery. "

"Naku , huwag na po, ang dami na pong dinala ni Tita Vangie nuong Monday. Punong puno ang fridge at ang dami pang stock sa pantry. "

"Inaasikaso ka din ng mommy ni Gerald?"

"Opo, nahihiya nga po ako eh. Sa kanya po kasi ako pinagbilin ni Mommy. Magkaibigan po sila nuon pa. "

"Dapat pala magpasalamat din ako sa kanya. Ipakilala mo din ako kay Dr. Colin Recto ha, please."

"Oo naman po. Mamaya po kung gusto ninyo, will introduce you two to each other. Magkatabi lang po ang unit namin. Pwede po natin siyang katukin."

"Gabi naman na anak, nakakahiya naman and speaking of gabi na. halika na, hinihintay na siguro tayo ng driver."

Paalis na sila ng marinig nila ang malakas na pagkakasara ng isang pinto sa taas. Napatingin si Mama Charlene.at Ashley. Nakita nila si Iya na tumatakbong pababa ng hagdan. Umiiyak .

"You are going to regret this. No one said NO to Iya without repercussions, sumisigaw ito."

Narinig nilang bumukas uli ang pinto. Nakasunod si Mark na naka tiim bagang.

Tumigil si Iya ng makita sina Ashley at Charlene na palabas na sana.

Nilapitan sila ni Iya, sasabunutan sana nito si Ashley pero mabilis na nakaharang si Charlene at mabilis ding nakababa si Mark ng maramdaman kung ano balak gawin ni Iya.

"YOU!! I will ruin you. You are the reason why he is dumping me."

Tinamaan si Charlene sa balikat ng isa sa hampas ni Iya. Buti na lang at mabilis si Mark na nahawakan ang mga kamany nito bago pa masaktan uli si Charlene. Inilayo naman ni Charlene si Ashley na nagulat sa bilis ng mga pangyayari.

Nagwawala pa rin si Iya at nagsisigaw, Sinisisi si Ashley.

"Ilayo layo mo nga yang babaeng yan sa harap ko bago ko masampal yan." Utos ni Charlene kay Mark.

"Are you okay Ma?" Galit na rin ang boses ni Ashley dahil nakitang nasaktan ang Mama Charlene niya.

"I am okay iha, tara na , iwanan na natin ang dalawang yan. Yan ang dahilan kung bakit ayaw ko ng magkabalikan pa sila. "

Naririnig pa rin nilang nagsisigaw si Iya at nanakot.

You and IWhere stories live. Discover now