Chapter 14

4K 63 13
                                    

Tinawagan ni Mommy Vina ang kaibigang si Vangie matapos nilang mag usap na mag ina.

Nag aalala siya sa anak. Kilala niya si Gerald mula pagkabata at alam niyang mapagmahal ito sa pamilya. Matutuwa siya kung si Gerald ang makakatuluyan ng prinsesa nila.

"Mare kumusta na? Salamat sa pag aasikaso mo kay Ashley ha. Katatapos lang naming nag usap, sinabi niyang dinalhan nyo daw siya ng almusal."

"Wala yun Mare, actually pinaki usapan ako ng panganay kong samahan ko siya."

"Ibig mo bang sabihin si Gerald ang may idea na dalhan nyo ng breakfast ang dalaga Ko?"

"Oo, nagulat nga ako at nauna pang nagising sa akin. Mukhang matutuloy pa rin ang pangarap nating sila ang magkatuluyan."

"Di ba may girlfriend na si Gerald? Di ba girlfriend niya yung ka loveteam niya?" Tanong uli ni Mommy Vina.

Narinig ni Vina ang paghinga ng malalim ng kaibigan.

"Yan ang isang malaking problema ng binata ko pero pinangako naman niyang kakausapin niya as soon as possible si Chrissy. Ang girlfriend niya."

"May isa pang malaking hadlang bukod diyan."

"Ano Mare?"

"Natatakot si Ashley na baka isang araw bigla na lang iling bumalik ang cancer niya kaya mas gusto niyang iwasan na lang ang binata mo." Malungkot na sabi ng mommy ni Asher.

"Nasabi na rin sa akin ni Asher yan. Actually sa nakikita ko sa anak ko, kahit anong iwas ang gawin ng dalaga mo, hindi hihinto ang binata ko."

Matagal tagal ding nagkuwentuhan ang magkaibigan. May mga napagkasunduan silang dapat gawin para mapaglapit ang dalawa at maliwanagan si Ashley sa desisyon nitong iwasan na lang si Gerald dahil sa pangambang bumalik ang cancer niya anytime soon. Pareho silang naniniwala na hindi

Napag usapan din nila ang paghahanap sa tunay na magulang ni Ashley. Nabanggit na nuon pa ni Vina na may duda siya kung sino tunay na ina ni Ashley. Napagkuwentuhan na nila nuon pa na malakas ang kutob ni Vina na isa sa mga dati niyang classmate ang biological mother ni Ashley at lalo pang tuminde ang hinala niya ng mabalitaan niyang ito ang nakabili ng lumang bahay nila sa Angeles. Isa na ito ngayong kilalang top executive ng ABS CBN. Katunayan siya ang pinakamataas sa management aside from the owners. Hindi sila masyadong close pero nagbabatian sila pag nagkikita.

After graduation, nabalitaan niyang nag artista ang naturang classmate . Nakilala agad ito bilang dramatic actress . Naging leading ladies ng mga sikat na actors pero biglang nawala sa limelight at ng bumalik ay nakilala ng asawa ng isang kilalang producer/director.

Ang malaking pinagtataka ni Vina, kahit saan social networks parang nasusundan siya nito. Nagtataka siya na sa status nito sa buhay ay nagagawa nitong pag aksayahan ng oras ang subaybayan ang buhay niya.

Nuong una, biruan lang nilang magkaibigan yun pero ngayon, malaking palaisipan na rin sa kanila.

Sa kahilingan na rin ni Ashley, hindi niya binanggit ang health problems ni Ashley kahit saang account niya pero may ilang kaibigan siyang bumanggit kaya nagulat na naman siya ng mag private message ito at kinumusta si Ashley. Dahil private naman, ikinuwento niya ang pinagdadaanan ng pamilya niya that time.

The next day, may nagpadala ng napakagandang bouquet of flowers for Ashley.

"Malakas talaga ang kutob ko Mare pero natatakot din ako. Sinasabi ko kay Ash, suportado namin siya pero anduon yung takot ko."

"Naiintindihan kita Mare, ako man nasa katayuan mo."

"Sana masamahan ni Gerald si Ashley pagpunta niya ng Angeles."

"Hayan mo Mare, hindi namin siya papayagang lumakad mag isa. Ang anak ko, hindi pa man kung umakto akala mo asawa na ang anak mo. Matindi kung makabantay!"

Natawa si Vina. "Dapat lang, papatay patay siya, mauunahan siya ng iba."

Sa bahay nina Chrissy , dinig na dining ng mga kasama nila sa bahay ang matinding pagtatalo ng dalaga at ng ina nito. Sanay na mga kasama nila sa madalas na pagtatalo ng mag ina kaya parang bale wala na ito sa kanila.

"What were you thinking last night? Why did you act like that?" Galit na galit na tanong ni Mommy Chona kay Chrissy.

"Enjoying the night, What else?" Sarkastikong sagot naman ng dalaga sa ina.

"Have you lost your mind? You danced like that with him, knowing Gerald was there too? Ano na lang ang iisipin ng boyfriend mo? Tingnan mo nga yang mga larawan sa mga tabloids? Mukha kang babaeng sabik mahalikan." Hysterical na ibinato ng mommy ni Chrissy ang mga tabloids.

"Bakit ba iniisip ninyo reaction niya? Para ngang walang pakialam. Hinintay lang ako nun dahil obligasyon niya akong ihatid dahil sinundo niya ako pero ng sinabi kong si Jason na ang maghahatid, bigla na lang tumalikod at nagpaalam. Ni beso hindi man lang ako tinapunan." Himutok ni Chrissy.

"Paano nga kung ganoon ka namang nakipag sayaw sa Jason na yun? Sinong matutuwa saiyo?"

"Pwede ba mommy, huwag mo ng ipagtanggol si Gerald. Alam na alam naman natin na hindi ako mahal ng lalaking yun. Nakikisabay lang sa agos yun. Nakikisakay na lang alang alang sa mga fans."

"Sino ba yung babaeng kasayaw niya duon sa isang picture? Iba yung tingin niya duon sa babae. Kahit saiyo ni minsan hindi ko siya nakitang tumingin ng ganoon."

"Siya ang dahilan kung bakit ako nagwala sa party kagabi."

"Sino nga yun?" Nanggagalaiting tanong ng ina ni Chrissy.

"Ashley, kababata ni Gerald. Galing ng US. Date ni Ken kagabi.

"O date naman pala ni Ken. Di ibig sabihin sila ni Ken at wala kang dapat ikabahala." Nabawasan ng konti ang tension sa boses ni Mommy Chona.

"Yun nga ang mas masakit, kahit supposed to be ay date siya ni Ken, si Gerald naman ang laging nakasunod ang tingin."

"Nagkausap na ba kayo? " Mahina na ang boses ni Mommy Chona.

"Hindi pa, ni hindi nga nag text. Alam ko nasa Cebu na sila niyan. Dati rati kahit na paano , nag te text , nagpapalam. Ngayon ni ha , ni ho, wala."

"Ano balak mo ngayon? HIndi kayo dapat maghiwalay. Masisira ang love team ninyo niyan."

"Hindi ako papayag na basta na lang siyang makikipaghiwalay sa akin. Ang tagal kong pinaghirapan ang love team namin. Gagamitin ko lahat ng convinsing powers ko sa management para manatili ang loveteam namin. Hindi ako papayag na mapunta siya sa Ashley na yun."

"That is the spirit anak. Gusto ko yang paminsan minsan ay maging fighter ka." Nabubuhayan na uli ng loob si Mommy Chona.

"Tutulungan kitang magplano anak."

Napangiti si Chrissy. Talagang maaasahan ang ina sa mga bagay na ganoon.

"Ok mom, will let you know what do. For now, I have to go out and do some damage control.

"You go my dear, let me know soon what can I do to make our life a lot better." Full support na sabi ng mommy ni Chrissy.

"How can I go wrong with a mother like you." HInalikan ni Chrissy ang ina.

You and IWhere stories live. Discover now