Chapter 8

4.2K 75 30
                                    

"Sino ba nag bandage nito? Nilinis man lang ba?" Tinitingnan ni Ashley ang pagkaka bandage ng kamay ni Gerald. Nagtaas ito ng tingin, hinihintay ang sagot ni Gerald. Nagulat ito sa pagkakatitig sa kanya ng kababata.

"Sama naman ng tingin mo sa akin, masakit ba?" Gusto mo ayusin ko, linisin uli natin? Hindi maganda pagka bandage , parang minadali. Paano ba nangyari? Nagka aksidente ba sa shooting?"

"Wala ka talagang kaalam alam kung ano nararamdaman ko para saiyo no? Kung gaano kita na miss, kung gaano ako kasaya ng makita kita kahapon at kung gaano ako muntik ng manuntok ng tao sa galit at inis ko saiyo kani kanina lang." Himutok ni Gerald.

Pinitik ni Ashley ang tenga ni Gerald. "Halata nga eh tingnan mo yang tenga mo sobrang ang pula pula. Bakit ka naman manununtok? Alam ko na miss mo ako dahil na miss din kita. At super saya din naman ako na nagkita kita uli tayo." Kahit kinakabahan na si Ashley sa mga susunod na sasabihin ni Gerald , pilit nitong ginagawang casual ang pag uusap nila.

"Ash, talaga bang wala na saiyo yung mga pinag usapan natin nuon? Yung mga gusto nating gawin , yung mga plano natin? Nakalimutan mo na ba talaga? Nakalimutan mo ba ako nuong mga panahong hindi tayo nagkikita?"

"Gerald naman ang tagal na nuon saka mga bata pa tayo nuon. Ang dami ng nabago sa buhay buhay natin. Tingnan mo nga isa ka ng sikat na matinee idol. Tinitilian ng maraming fans. May girlfriend ka ng bagay na bagay saiyo. Kalimutan mo na yung nakaraan. We can still be great friends naman di ba? Best friends gaya ng dati." Naiilang ng sabi ni Ashley.

"We were not just bestfriends remember? We are soulmates. I knew it even then , ikaw ang babaeng pakakasalan ko pagdating ng panahon."

Nahampas ni Ashley si Gerald. "Grabe ka ha , may girlfriend ka na,kung ano ano pa sinasabi mo. Ano naman palagay mo sa akin? Maninira ng relasyon?"

"Pinapaalala ko lang saiyo, at alam ko marami pa akong aayusin pero hindi mo ako pwedeng iwasan forever. Yan ang gusto mong gawin. Iwasan ako,kunwari wala lang ako sa buhay mo pero I promise you, hindi ako titigil hanggang hindi mo nakikita na we are meant for eacher. "

"Hay naku, tigilan mo na na yan . We are meant to be best friends forever ."

“Yes , we are meant to be bestfriends forever and more!” Inakbayan si Ashley. “Look at me Princess, gising ka nuong pumasok ako sa kwarto mo no? Narinig mo yung mga sinabi ko kaya you tried to run away today. “

Hindi nakakibo si Ashley. “ Halika na nga ayusin natin ang bandage mo. Hindi yang kung ano ano ang sinasabi mo.

Hindi kumilos si Gerald. Nakatitig lang ito kay Ashley.

“Hindi ako bumalik sa buhay mo para guluhin ito. Maganda na ang buhay mo ngayon, huwag mo ng guluhin pa. Confuse ka lang kasi ang tagal nating hindi nagkita. At talaga namang may pinagsamahan tayo. Hayaan na nating ganoon yun . Isa pa pareho na tayong may mahal na iba. May Chrissy ka na, di ba?”

Naramdaman ni Ashley na dumiin ang pagkakahawak ni Gerald sa balikat niya. “Are you saying na may mahal ka ng iba? Boyfriend mo ba yung kasama mo kanina?”

“Huwag na nating gawing kumplikado ang relasyon natin. Maging magkaibigan na lang tayo , pwede?” Nakikiusap ang mga mata ni Ashley. May lungkot sa mga mata nito. Hindi maipaliwanag ni Gerald pero alam niya may tinatago sa kanya ang dalaga.

“Ok, sige sa ngayon. Gaya nga ng sabi mo may Chrissy pa akong dapat ayusin.”

“Ok , halika na ayusin natin yang bandage mo. May first aid kit ba sa kwarto mo?” Pinasigla na ni Ashley ang boses para maiba na ang usapan.

Magkahawak kamay na silang pumunta sa kwarto ni Gerald. Tinanong na naman ni Ashley kung paano siyang nasugatan.

“Mukhang may nasuntok kang salamin ah. Ano ba eksena?”

“Eksena? Nakita niya ang babaeng pinakamamahal niya masayang pumasok sa isang restaurant may kasamang iba. Ang babaeng ang tagal niyang hiniling na magkita na uli sila. Ang babaeng kahit may kasama na siyang iba, siya pa rin ang laging nasa isipan nito, binabalik balikan mga oras na magkasama sila. Ang babaeng akala niya ay naalala pa rin mga pangako nila sa isat isa pero ayun nakikipaglambingan sa iba. Kaya yun nag walk out siya sa restaurant, hindi napigil ang sarili at sinuntok ang tv sa sasakyan.Mabuti na rin yung tv ang nasuntok kasi kung hindi pa siya nag walk out , baka yung mukha ng lalaking yun ang basag. “

Natigil sa pagsasalita si Gerald ng makita niyang nakatingin na si Ashley sa kanya, tumutulo ang luha , yumuko uli ito at tinuloy na ang ginagawang pag ayos ng bandage niya.

Hinawakan ni Gerald ang baba ni Ashley ng matapos na nitong ang ginagawa. Iniangat para tumingin ito sa kanya. “Oo ikaw ang dahilan ng sugat na yan. Hindi ko napigil ang sarili ko. Nagulat din ako sa tindi ng reaction na naramdaman ko.”

Nagkakatitigan sila, unti unting bumababa ang mukha ni Gerald para halikan si Ashley. Hindi makakilos si Ashley nuong una pero nung malapit ng dumampi ang labi ni Gerald sa mga labi niya ay bigla itong parang natauhan at iniwas ang mukha. Lumayo kay Gerald. Pinunasan ang luha sa pisngi.

Sinundan siya ni Gerald pero lumayo uli ang dalaga. “Please, kung ayaw mong lumayo ako uli, huwag mo na uling babanggitin ito, ok? I want you in my life but as a great friend. Yun lang.”

“Ash?” Malungkot na tanong ni Gerald. Halos sumabog ang dibdib ni Ashley sa lungkot na nararamdaman for Gerald. Naiiyak siya pero kailangang palakasin niya ang loob.

“Good night, uminom ka ng pain reliever bago ka matulog, ok?” Lumabas na ng kwarto si Ashley pero alam ni Gerald umiiyak ito.

Gusto sanang sundan ni Gerald ang dalaga pero naramdaman niyang mas makakabuting hayaan na muna ito. Nararamdaman niya ang matinding lungkot sa mga mata ng dalaga. Hindi ito galit sa kanya. Bakit parang pakiramdam niya nalulungkot si Ashley na malaman na mahal na mahal pa rin niya ang dalaga?”

Sa kwarto ni Ashley, pinuntahan siya ni Mommy Vangie,may dala dalang baso ng gatas. “ Alam ko umiinom ka ng warm milk bago ka matulog. Sinabi sa akin ng mommy mo. Tumawag pala siya kanina. Hindi ka daw niya makontak sa cell mo. Binigay ko yung number mo baka tumawag daw siya mamaya.” Bungad nito habang inaabot kay Ashley ang gatas.

“Thank you Tita.” Pinipilit itago ang pag iyak sa mommy ni Gerald.

Habang iniinom ni Ashley ang gatas, nakatingin sa kanya si Mommy Vangie. “Akala ko nakalimutan ka na niya finally ng maging girlfriend niya si Chrissy. Tuwang tuwa ako kasi finally nakapag move on na siya. Akala ko din hindi na kayo magkikita. “Bigla na lang sabi nito kay Ashley.

“Tita, dapat siguro lumayo na lang uli ako sa kanya. Ayaw kong magulo ang buhay niya. Dapat hindi na uli kami nagkita kung ganitong pareho pa rin kami ng nararamdaman.”Nadulas na sabi ni Ashley. Bigla nitong natakpan ang bibig ng mapagtanto kung ano ang sinabi niya .

“Bakit mo naman kailangang lumayo dahil lang nalaman mong hindi nagbago ang pagtingin niya saiyo? Di ba dapat matuwa ka, at kahit na nababaitan din naman ako kay Chrissy, mas matutuwa ako pag kayong dalawa ang nagkatuluyan.”

Napayakap si Ashley sa mommy ni Gerald.”Tita, alam mo naman yung kalagayan ko di ba? Anytime soon pwedeng bumalik yung cancer ko. Oo nasa remission ako pero my life wont be normal for a long time. Ayokong madamay pa si Gerald duon. Ayokong maranasan niya yung nararanasan nina Mommy at Uncle Sean. Ayokong maranasan niya yung nararananasan ko na everytime na may regular check up, at aalamin ang resulta ng x ray and blood test , anduon yung kaba na baka may nakita sila Anduon yung kaba ng baka sabihin nilang bumalik na uli yung cancer ko , tumubo sa ibang bahagi ng katawan ko. Ayaw kong maramdaman niya yun Tita. Gusto ko maging normal ang buhay niya. Yung wala siyang iniintindi. Dapat lang na sila na ni Chrissy. Lalayo na lang uli ako.

You and IWhere stories live. Discover now