Chapter 44

3.3K 74 50
                                    

Almost 10 pm na hindi pa rin sumasagot si Ashley sa mga text niya. Alam niya na makikipagkita ang girlfriend kay Mark pero hindi niya ini elxpect na hindi ma lang ito sumagot sa kahit na isa sa mga messages niya unless nakalimutan nito ang phone sa condo .

Nasa taping pa rin si Gerald at naghihintay ng huling eksenang kukunan. Tinanong sila ng direktor kung gusto nilang tapusin na that night or balikan na lang nila kinabukasan. Pinili nilang lahat na tapusin na at makauwi na sila pagkatapos .

Habang naghihintay siya ay sinubukan uling tawagan si Ashley pero wala pa ring sagot.

"Sweetheart naman, nasaan ka na ba?" Nag aalalang tanong ni Gerald sa sarili.

Hinahanap ni Ashley ang susi sa bag niya habang nagpapaalam ito kay Matt ng makapa ang phone niya. Tiningnan niya kung may miss calls siya at nagulat siya ng makitang 4 missed calls from Gerald and 9 text messages.

Ibabalik na sana niya ang phone at binalak na tawagan na lang ang boyfriend pagdating niya sa condo ng bigla na namang mag ring.

Nag decide siyang sagutin na ito para hindi naman mag alala kung nasaan na siya. Nag excuse kina Matt at Mark. Lumayo ng kunti .

"Hello hon, sorry hindi ko napansin na kanina ka pa pala tumatawag. Tapos na kayo? Kumain ka na?" Sunod sunod na tanong ni Ashley kay Gerald.

"Nag aalala lang ako pero ngayong narinig ko na boses mo, ok na ako." Sagot agad ni Gerald.

"Tawagan kita pagbalik ko sa unit ko ha, pauwi na ako."

"Nasaan ka ba?"

"Sa place ni Matt. Remember him?"

"Of course , why are you at his place? " halatang iritado ang boses ng binata.

"Kwento ko saiyo later . Huwag ka ng mainis. Will talk to you later . Love you."

Walang nagawa si Gerald . "I love you too. Sige uwi ka na, hintayin ko tawag mo."

Nangingiti si Ashley ng pindutin nito ang end call button. Parang nakikita niya ang boyfriend na namumula na naman.

Hinihiintay na siya ni Mark sa may pinto. Medyo nailang siya the way na pinagmamasdan siya ni Matt. Tinaasan niya ng kilay ang binata.

"Huwag mo akong titingnan ng ganyan lalo na pag kaharap ang boyfriend ko. Seloso yun at sa ngayon , mas magandang umiwas sa mga tampo tampo ng mga mahal sa buhay lalo na nga at malapit na ang Christmas." Nakangiting sabi nito kay Matt.

"In other words Bro, she is taken so back off ka na sa little sister ko, ok?" Sunod na sabi ni Mark dahil hindi na din niya nagugustuhan ang kinikilos ni Matt.

"Akala ko ba Bro, bestfriend tayo , bakit ganyan ka? Wala pa siyang singsing , hindi pa sila kasal, may pag asa pa ako. "

"Hay naku, lets go Kuya Mark. I have to call him back pa.Thank you uli Matt. The foods are delicious and of course thank you for letting us use your mini studio. "

Parang gustong bumeso ni Matt sa dalaga pero si Mark na mismo ang humila kay Ashley. "See you tomorrow at the party Bro. Behave, she is my sister remember." Tinanguan nito ang kaibigan at lumakad na palayo.

Sinundan pa rin sila ng tingin ni Matt. "I have to have her." He muttered to himself and closed the door.

Pinapasok muna ni Ashley si Mark sa loob. Gusto kasi niyang itanong kung anong oras sila dapat nasa party at kung anong oras darating Papa Ralph at ang kapatid nilang si Sam.

Darating daw ang mga ito mga before the party. .Si Mark na daw ang bahalang magpasundo sa mga ito. Tutuloy daw muna ang mga ito sa hotel kung saan gaganapin ang party. Tinanong na rin ni Mark kung sino ang mga kasama niya or kung gusto nitong sunduin niya ang dalaga. Sinabi naman ni Ashley na sabay sabay na silang apat nina Colin, Jase at Gerald. Pinag usapan din nila ang program ng party, Sinabi ni Mark na send niya later on ang mga detailsl sa gaganaping party.

"I have to go Ash, have some people to call for the party. Try to come before 7 ok? I want you to be there before mom comes.

"Ok will do. Call or text me if there is something else you want me to do or help. Would love to help you."

"Just be there , that's all." Humalik na kay Ashley at lumabas na ng pinto.

Pagkasara ng pinto ay dali daling tinawagan ni Ashley si Gerald. Alam niyang hinihintay nito ang tawag niya.

"Hi hon, mainit pa rin ba ulo mo?"

" Konti na lang. Kwento mo muna bakit anduon ka sa place ni Matt."

"Duon kami sa place niya nag practice ni Kuya Mark ng mga songs na kakantahin namin . Meron siyang mini recording studio sa unit niya. Nasa penthouse siya sweetheart. Impressed nga ako sa place niya eh. " Excited na kuwento ni Ashley.

"Hmmmm, impressed ka ha."

"Oo pero sa place lang niya at sa mga equipments sa recording studio niya. Ang sosyal !"

"Sweetheart!! " Inis na sabi ni Gerald.

"Ayy sorry naman sweetheart carried away lang ako." Natawa ang dalaga ng mahalatang nagseselos na naman si Gerald. "Hay naku hon, tigilan mo na nga yang kaseselos mo."

"Ikaw eh parang nananadya ka pa. Huwag na huwag siyang makalapit lapit saiyo sa party ha. "

"Hon ha, huwag kang ganyan. Anong oras ka pala nandito?Kailangan anduon ako before 7, bago dumating si Mama sa venue.

"Uwi na kami pag natapos ako dito. Last take ko na , kaya yun pinatulog ko na sina Ali at Jalal para makapag drive sila pauwi pag natapos na ako sa mga scenes ko. Diyan na ako tutuloy ha , padadala ko na lang yung isusuot ko sa party mga bandang hapon. May lakad ka ba bukas before the party?"

"Christmas shopping sana. Maglalakad na lang kami ni Jase, parang exercise na rin namin. "

"Sige , sama ako, may gusto din akong bilhin."

Wala pa rin si Jase hanggang sa makapagshower at ready to bed na si Ashley . Ayaw naman niyang katukin unit ni Colin. Nag iwan na lang siya ng note na Gerald might come early morning kaya huwag siyang magulat in case na marinig niyang may nagbubukas ng pinto sa madaling araw.

Naisiap niya na mukhang nagkakasundong maige ang dalawang kaibigan, Masaya siya para sa mga ito. Sana nga ay magtuloy tuloy. They both deserve someone who will really take good care of each other at syempre yung matitinong magmamahal talaga sa kanila.

Bago matulog ay tiningnan ni Ashley kung may damit ba siyang isusuot para sa party ng mama Charlene niya. Gusto din niyang to be in her best element. Gusto din niyang huwag mapahiya ang biological parents niya sa mga kaibigan ng mga ito just in case na lumabas ang tutuong sila ang mga magulang niya sa party na yun. Kung siya lang ang masusunod , mas gusto niyang huwag ng maging public yun para mas matahimik. Nakaramdam na naman siya ng kaba ng maalala na makikila na rin niya in person ang papa niya.

Pinalangin niya na sana maging kasing gaan ng pagkikita nila ng Mama Charlene niya ang pagkikita naman nila ng papa niya this time. Mahal na mahal niya nakagisnang ama at alam niya na mahal na mahal din siya nito. Mas spoiled pa nga siya sa step dad niya kesa sa mommy niya. Napangiti ito ng maalala ang mga nagisnang magulang. Kailangan niyang matawagan ang mga ito bago sila pumunta ng Costa Rica. First time nilang hindi magkakasama ng Christmas. Wish nya lang sana sa Pilipinas na lang sila magbakasyon at huwag na lang sa Costa Rica.

Nahiga na ito at nakatulugan na ang pag iisip sa mga magulang.

You and IWhere stories live. Discover now