Chapter 33

3.7K 72 33
                                    

Nakabalik na si Ashley sa condo unit niya ng tumawag si Gerald.

"Sorry sweetheart, tatawag na sana ako saiyo ng bigla naman akong tawagin for the shoot kaya ngayon lang ako nakatawag. Kumusta doctor's appointment mo?"

"Ok lang yun, yun din ang inisip ko na busy ka kaya hindi ko naman ini expect na on time ang tawag mo. So far so good sabi naman ni Colin. Ok naman daw initial readings ng mga scans ko, later ko pa malalaman result ng blood test. "

"That's great!! Natuloy ba yung lunch date ninyo?"

"Oo at nakita mo sana kung gaano karami ang pagkaing inorder ni Colin dahil lang hindi siya maka decide kung ano ipapatikim niyang putahe sa favorite restaurant niya. Yung mga tao na nadadaan sa table namin, napapadalawang tingin sa pagkaing nakalatag sa table namin." Natatawang kwento ni Ashley.

Naikuwento din ni Ashley na nakita nila sa restaurant si Matt at isa pala ito sa mga kaibigan ni Colin. Pagkabanggit sa pangalan ni Matt ay nawala na ang ngiti ni Gerald. Natahimik na ito. Nahalata naman ni Ashley.

"Hay naku, buti pa hindi ko na lang kinuwento saiyo. Nawalan ka na naman ng kibo diyan. Tigilan mo na nga yang kaseselos mo. Ano pa ba dapat kong gawin para mabawasan yang pagiging seloso mo?"

"Mababawasan lang yun pag naging aking akin ka na."

"Iyong iyo naman na po ako Mr. Anderson. May duda ka pa ba?"

"Hindi pa buong buo.Pag Anderson na rin ang last name mo , duon medyo mababawasan na siguro."

"Ang mahalaga mahal kita at isang araw , sa tamang panahon, magiging iyong iyo ako kahit na walang kasal.Ayaw kong matali ka sa akin. Gusto ko lang maramdaman mo na mahal kita."

"What you mean ayaw mong matali ako saiyo? Hindi lang naman yung ako ang matali saiyo, mas tama yatang sabihing matali ka sa akin."

"Hon naman ,huwag na muna nating pag usapan yang mga yan, pwede? "

Hindi agad kumibo si Gerald.

Narinig ni Ashley na tinatawag na si Gerald for another take.

"Sige hon, will let you go na, tinatawag ka na nila. I love you."

"I love you more. Sweetheart, pwedeng mag request?"

"Oo naman. Ano yun?"

"Pwede kahit anong imbita nung Matt na yun to take you out for dinner or lunch, huwag kang sasama ha."

"Oo naman. Takot ko lang saiyo." Biro ni Ashley

"Promise?"

"Promise!!"

Katatapos lang nilang mag usap ni Gerald ng mag ring na naman ang phone ni Ashley.

Mama Charlene Calling...

Excited na sinagot ni Ashley.

"Hello po, kumusta na?"

"Hello iha, mangungumusta lang sana. Di ba ngayon ang doctor's appointment mo?"

"Mabuti naman po, sabi ni Colin clear naman daw po yung mga scans , hinihintay ko pa po yung result ng blood test."

"Colin?"

"Dr. Colin Recto po."

"Siya pala doctor mo? Di ba siya kasama mo nuong birthday party ni Shaina?"

"Opo pinsan po siya ni Shaina. Nagkita lang po kami duon."

"That's good news iha. Salamat sa Diyos. Pwede ba tayong mag dinner or mag dinner ka dito sa bahay? Next week pa dating ng Papa Ralph mo pero excited na siyang makita ka in person. "

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon