Chapter 48

4.3K 87 38
                                    

Sinalubong ni Gerald si Ashley ng bumaba na ito ng stage kasama na inaalalayan ni Sam. Agad namang yumakap ang dalaga sa kasintahan. Nagpasalamat kay Sam at sumama ng umupo sa table nila kung saan inabutan pa nilang nagpupunas ng luha si Jase.  

"Grabe ka friend, pinaiyak mo ako ng todo. Bakit ang galing galing mo ng kumanta?" Tanong ni Jase sa kaibigan, halatang halata ang sobrang pagkaproud nito. 

Tumayo din si Colin bilang pagbati sa dalaga. "You are amazing Ash. You should try a singing career." 

"You are very kind but no thank you. I am happy the way my life is right now." Ngumiti sa mga kaibigan at umupo na hawag pa rin ang kamay ng kasintahan.  

"Tama sila sweetheart, iba ang ganda ng boses mo. Ang lakas ng stage presence mo. Lahat yata kami , tumigil sa pagkain at pakikipag usap. Pinanood ka na lang namin. Dati ko ng alam na magaling kang kumanta pero ngayon super galing mo na. " 

"Isa ka pa," kinurot nito sa tagiliran ang kasintahan.  

Pagkatapos ng nauna ng iyakan, naging masaya na ang lahat. Nag enjoy ang mga tao sa mga sumunod pang entertainment habang kumakain ng deserts. Hindi nagtagal at nag umpisa na ring magsayawan ang mga bisita sa pangunguna naman ni Sam  

Hindi nakapag duet sina Mark at Ashley dahil naging masaya na ang mood ng party at baka magkaiyakan na naman pag kumanta silang dalawa , lalo na nga at favorite din ng mommy nila ang kakantahin sana nila.  

Nakisaya na lang sila sa mga bisita sa dance floor. Kung magaling kumanta si Mark, magaling namang sumayaw si Sam. Nagbibiruan naman mga tao na kapatid nga nila si Ashley dahil ng hinila ni Sam si Ashley para sumayaw ng Teach Me How to Doggie ay hindi nagpahuli ang dalaga.  

Pinaghalong Mark at Sam daw ang talent ng dalaga ni Charlene. Super galing ng kumanta ay parang walang buto pa kung sumayaw.  

Lalo ng nagkatuwaan ng hilahin ni Sam sa dance floor si Gerald para partner ni Ashley, then si Iya para kay Mark.  

Habang nagsasayaw ang lima ay nakita nila ang mag asawang Charlene at Ralph na masayang pinanonood sila. Nagkatinginan ang tatlo at sabay sabay na hinila sa dance floor ang mga magulang. Palakpakan ang mga tao ng pinagbigyan naman sila ng mag asawa at game na game na nakisayaw din sa mga anak. Hindi nagtagal at halos lahat ay nagsisipagsayawan na.  

Naupo naman na sina Gerald at Ashley ng nagsasayawan na ang lahat.  

"Pagod ka na no? Do you want something to drink?" Malambing na tanong ni Gerald kay Ashley. 

"Yes please," sagot ni Ashley.  

Pumunta sa bar area si Gerald at umorder ng drinks para sa kanilang dalawa ni Ashley. Sinamantala naman yun ni Matt para yayaing sumayaw si Ashley.  

"I've been wanting to dance with you. May I have this dance please?" Pakiusap ni Matt.  

Gusto sanang tanggihan ito ni Ashley pero parang naawa naman siya sa binata kaya ng pabalik na si Gerald dala dala ang drinks nila ay papunta naman sa dance floor ang dalawa.  

Nag init agad ang tenga ni Gerald ng makita ang mga kamay ni Matt na nakaalalay sa bewang ng kasintahan. Gustong gusto niyang sundan ang mga ito at ilayo ang dalaga kay Matt. Inilapag ang dala dalang drinks nila ni Ashley. Uupo na sana ito ng biglang may humila sa mga braso niya.  

Nagulat si Gerald na napatingin sa humila sa braso niya. Natatandaan niya ang babae , maganda, at sexy din ito pero hindi niya matandaan na kilala na niya ito. 

"Hi, since my date is dancing with your date, is it possible to dance with you?" Nanunukso ang ngiting tanong nito. " My name is Meera. You are Gerald Anderson right?" 

You and IWhere stories live. Discover now