Chapter 24

3.8K 74 25
                                    

Nakapag shower at nakabihis na si Mark , hinihintay na lang niya tawag ng mommy niya. Balak niya pag malapit na talaga sila Ashley. lalabas siya at pag nakita na sa harap ng bahay nila ang mga ito saka siya kunwaring padating at duon niya babatiin ang mga ito since kahit paano ay alam ni Gerald na mamumukhaan niya ito.

Maya maya nga ay tumawag na si Charlene. "15 minutes anak , andiyan na daw sila."

"Ok mommy, labas na ako. Will pretend na makikita ko sila sa labas pagbalik ko para hindi masyadong obvious , ok ba?"

"Bahala ka na anak, basta hanggang maari makagawa ka ng paraan para kahit paano,maging magkaibigan kayo at kahit paano magkaroon kami ng chance na magkaraharap. Makita ko siya ng malapitan is enough for me." Malungkot na sabi ni Charlene.

"Will do my best mom. Ok , I better get going if I want my plan to work. Talk to you later."

Pinag bilinan ni Mark ang katiwala nila na lihim na matyagan ang harap ng bahay nila at tawagan agad siya pag nakita itong itim na SUV sa malapit sa bahay nila.

Ipinarada ni Jalal ang kotse, hindi kalayuan sa dating bahay nila Ashley.Walang masyadong ipinagbago. Ibang kulay na ang gate at labas ng bahay pero sa kabuuan ganoon pa rin. Bumaba sina Gerald at Ashley. Tahimik ang paligid. Walang masyadong sasakyang dumadaan. Isa sa tinuturing na high end and subdivision na yun. Halos lahat ng mga nakatira duon ay parang bahay bakasyunan lang. Karamihan ay either sa abroad nakatira or sa Manila.

Hindi alam ni Ashley kung bakit kahit alam na alam niyang wala naman siyang makukuhang information sa pagpunta duon, parang hinihila ang mga paa niya para dalawin uli ang dating bahay nila. Magkahawak kamay silang naglakad ni Gerald palapit sa bahay.

"Ano mag do door bell ba tayo. Tanungin natin kung pwede nating kausapin ang may ari at baka sakaling payagan tayong pumasok?" Tanong ni Gerald sa halatang kinakabahan pa ring dalaga.

"Hindi na, gusto ko lang uli talagang makita ang bahay. Tama si mommy, imposibleng may makapagbigay sa akin ng kahit na anong informations about sa mga tunay kong magulang sa neighbourhood dito. Mukhang walang mga nakatira sa mga bahay. Ang lalaki at ang gaganda pero mukhang mga walang nakatira sa sobrang tahimik. "

Nagulat pa ang dalawa ng may puting SUV na pumarada tabi nila habang nakatingin sa bahay.

"Can I help you?" Tanong ni Mark matapos ibaba ang bintana ng sasakyan.

Sasagot sana si Gerald ng alisin ni Mark ang sunglasses nito at sa nabiglang boses ay sinabing. "Gerald Anderson? What you doing infront of our house? It's you , isn't it?" Pinatay nito ang engine at bumaba ng sasakyan.

Inabot and kamay kay Gerald. "Mark Santos Concepcion. We met once in a basketball tournament. I am the son of Charlene Santos Concepcion." Hindi makapaniwalang pakilala ni Mark sa kanila.

Kinuha ni Gerald ang inaabot na kamay ni Mark. "How are you , yes I remember. Sweetheart, si Mark, sila na pala bagong may ari ng bahay. Mark , this is Ashley Geronimo. Mark isthe son of our big boss at ABS CBN, Ms Charlene Santos Concepcion , pakilala ni Gerald sa dalawa. Nagkamay sina Ashley at Mark. Naramdaman ni Mark ang panlalamig ng kamay ni Ashley pero kunwari ay hindi niya ito napansin.

"Ohh so you used to live in this house? Reminiscing the younger days?" Nakangiting tanong ni Mark.

"Kind of," sagot naman ni Ashley na hindi maiwasang mapatitig sa binata. Familiar ang mukha niya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

Binuksan ni Mark ang gate at inimbitahan ang dalawang pumasok Nag aalangan man ang dalawa ay hindi na pinalampas ang pagkakataon. Sinabi nilang may mga kasama sila na naiwan sa sasakyan. Sinabi ni Mark, tawagan na rin daw nila para makapag meryenda kahit ano lang sa loob.

You and IWhere stories live. Discover now