Chapter 35

3.6K 67 26
                                    

Nasa kalagitnaan na sila ng dinner nila ng may nag door bell.

"Tiningnan ni Charlene si Mark. "Are you expecting someone anak?" Tanong nito sa panganay.

"No." Mabilis na sagot ng binata.

Nagtataka man ay tinuloy lang nila ang pagkain. "Kain ka lang iha. We are not expecting anyone so kung sino man yun, makapaghihintay naman. Alam na nila ang gagawing pag istima habang kumakain tayo.

Maya maya pa ay may narinig silang palapit sa dining room.

"Hi Tita!" Masayang bati ng bagong dating. Bumeso agad ito kay Charlene then lumapit kay Mark na napatayo sa pagkagulat. Lumapit ang napaka seksing dalaga kay Mark at humalik sa labi nito sabay palupot ng mga kamay sa leeg ng binata.

"Hi sweetheart , did you miss me?" Malambing na tanong nito. Hindi pa rin nito napapansin si Ashley na nangingiti sa nakitang pagiging uncomfortable ni Mark.

Nawala ang ngiti ng bagong dating ng mapansin si Ashley. Tumaas ang kilay nito na napansin ni Ashley . Right there and then , alam ni Ashley , mabigat na agad ang dugo nila sa isat isa.

"And who is she?" Mataray na tanong nito.

Tumaas din ang kilay ni Charlene sa tono ng nagtanong.

"Don't use that kind of tone at my table,specially to her." Prangkang sabi ni Charlene.

Nagulat si Iya sa malamig na tono ng boses ni Charlene. Napatingin ito kay Ashley then kay Mark.

"Ashley this is Iya Lopez, Iya, this is Ashley Geronimo."

"Hello, nice to meet you. Nakipagkamay si Ashley. Alanganing kinuha ni Iya ang Iniabot na kamay ni Ashkey.

"Same here." Walang ganang sagot naman ni Iya.

"Do you want to join us for dinner?" Tanong ni Charlene.

"No, thank you anyway."

"Actually the reason why I am here is to invite you sweetheart to accompany me to this birthday party I wasn't able to cancel on time."

"What party?" May halong inis ang boses ni Mark.

"Robert Gochengco's birthday party. Are you not invited?"

"I am but not planning to go." Tumingin ito kay Ashley na patuloy pa ring kumakain na parang walang pakialam sa kanila ni Iya.

"Why not?"

"I don't feel like going, that's why, and besides why are you here? Did you not say you don't want to see me ever again?"

" Awww sweetheart, I was just joking. You know how much i love you."

"No , you were not. I am telling you, we are done. I can not tolerate your tantrums anymore."

"Excuse me, do you mind? We are still eating." Halata ang inis sa boses ni Charlene.

"Sorry mom, Ashley if you could excuse us." Lumabas ng dining room si Mark na halatang halatang galit na rin kasunod si Iya.

Nagkatinginan na lang uli ang dalawa. Nagpawala ng malalim na buntong hininga si Charlene.

"Ganyan yang dalawang yan, away bati. Pinakamatagal nilang away itong latest. Sabi ni Mark, ayaw na niya. That's it for him. Tingnan nga natin kung tutuong kaya na niyang hindi makipagbalikan."

"Matagal na po ba sila?"

"Matagal na rin, hinihiintay na nga lang naming sabihin nilang pakakasal na sila pero yun nga nagkatampuhan."

You and IWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu