Chapter 11

4K 67 19
                                    

Hindi na napigilan ni Ashley ang sarili ng dalawa na lang sila ni Colin na naiwan sa table nila. HIndi na ito makakain. Pinipigil na huwag maiyak. Masuyo naman siyang niyakap ni Colin para maitago ng dalaga ang pigil na pag iyak.

"Hush, ikaw naman kasi, bakit kasi kailangan mong pigilan ang nararamdaman mo. Pati ako naloloka saiyo." Bulong ni Colin kay Ashley.

"Kala ko kaya ko, iba pala pag nakikita na ng dalawang mata mo. Ang sakit pala, dagdag mo pa yung alam mong mahal ka din niya pero pareho kayong walang magawa.

"Tahan na, huwag mong ipahalatang umiiyak ka. Palapit na si Ken, smile ka na."

"Ano Ash ready ka ng sumayaw? Baka nakakalimutan mo ako ang ka date mo ha , hindi si Colin." Paalala ni Ken sa kay Ashley.

"Oo na, hindi ko nakakalimutan, balik na na naman ang sigla sa boses ni Ashley.

"Napapansin ko kasi kanina pa ang hilig mo sa dibdib ni Colin. Buti na lang hindi ako seloso , di gaya ng isa diyan na kung pwede lang pumatay ng tao sa titig, matagal ka ng patay Colin." Biro pa ni Ken.

"Ken ha, magtigil ka. Baka mamaya ikaw naman pag initan nun. Patay ka."

"Hayaan mo siya , siya lang sumisira ng gabi niya. Selos siya ng selos, wala naman siyang karapatan." Nasabi na lang ni Ken. The best thing he can do eh maging tutuo sa girlfriend niya. Hindi yung nahahalata siyang binabantayan ka pero once na may nakita kang kasamaban iba, hayun oh, tiger look ang drama. Halika na nga ,sayaw na muna tayo. Maiwan ka muna dito Bro, balik ko siya mamaya." Paalam ni Ken kay Colin.

"Ok lang Bro, will finish eating here. " Sagot naman ni Colin. "Go girl, have fun."

Nagsayaw nga ang dalawa. Hiniling ni Ashley kay Ken na huwag na silang lumapit kina Gerald. Naintindihan ni Ken. "Huwag mo silang intidihin , have fun Princess Ashley. "

"Pinipilit ko pero kahit saan ako pumunta , yung titig ng kuya mo nakikita ko. " Reklamo ni Ashley.

"Just dance, forget about him."

Hindi nga nagtagal at nag eenjoy na rin si Ashley sa pagsasayaw. Thanks to Ken. Gumaan ng konti ang pakiramdam niya. Nakita nilang nakatayo at nanonood sa kanila si Colin. KInawayan ni Ken si Colin. Pinalitan niya si Ken at tamang tama namang nagbago ang music. Naging slow dance na ang tugtog.

"Lagi naman akong good timing saiyo. Malapit na ako for sure mamuro nito. Ano sa palagay mo? " Natatawang tanong ni Colin kay Ashley para na naman silang super sweet na couple the way na magsayaw sila.

"Thank you ha, buti na lang nandito ka. Ang liit talaga ng mundo no?"

"Sinabi mo pa, sige lang subsob mo yang mukha mo sa dibdib ko, basta pag ako nasuntok dito , sisingilin kita ng super mahal. "

"Panay ka biro diyan."

Nagtatawanan na sila ng may kumalabit kay Colin.

"Bro , pwedeng ako naman?" Mahinang tanong ni Gerald.

Kitang kita ang panic sa mukha ni Ashley parang sinasabing huwag itong pumayag pero napaka rude naman kung tatanggihan nila ito.

Walang kibong umalis si Colin pero bago tumalikod ay hinaplos nito ang mukha ng dalaga.

Lalong nag init ang tenga ni Gerald sa nasaksihan. Pigil pigil nito ang sarili na huwag maitulak si Colin palayo kay Ashley.

Hiis eyes met hers. He held her. Put his arms around her waist. Her hands rested on hisshoulder. Hindi inaalis ni Gerald ang titig niya kay Ashley. They moved to the tuned of the music .Their eyes never wavering from each other's face. Gerald wanted to kiss her so bad but he knows its not a good idea knowing her girlfriend is just around the corner. She might be even watching them right now.

You and IWhere stories live. Discover now