Chapter 17

4.2K 69 40
                                    

Nanginginig sa galit si Ms Charlene Santos- Concepcion. Kitang kita sa expression ng mukha nito ang galit na pinipigil.Tuloy tuloy sa binakanteng upuan ng isa sa mga top executives.

"What just happened? What did I just missed? Diretsong tanong nito.

Isa isang unti unting nag si upuan mga nanduon sa meeting. Hindi pa rin makapaniwala na nanduon ang presidente ng tv network.

"Nhila, what just happened? The last scene I saw was Chrissy telling all the dramatic lies Ashley did at the party. I have a feeling something happened else happened on my way here that I missed." Nakatingin sa handler ni Gerald habang hinihintay ang kasagutan sa mga tanong niya.

"Sinabi po ni Gerald na ang mga kinukuwento ni Chrissy ay all bull shits, tumayo po so Mommy Chona at sinampal si Gerald. Huwag na huwag daw pong sasabihan ng bull shits ni Gerald si Chrissy."

"Talagang wala siyang karapatang sabihan ang anak ko ng bull shits. Siya ang bull shit, niloloko niya ang anak. Pinapatulan niya ang malanding Ashley na yun." Pasigaw na sabat ni Chona.

Pagkarinig ni Charlene ng sinabi ni Chona tungkol kay Ashley ay nag panting ang tenga nito. Nilapitan si Chona, tinitigan. "Mag iingat ka sa pagsasalita laban kay Ashley kung ayaw mong ikaw naman ang masampal."

Parang may bombang sumabog sa meeting room. Lahat ay napa "Oohh" at nanlaki ang mga mata sa narinig mula kay Ms Charlene.

"Ikaw din Chrissy, umisip ka na ng paraan kung paano mo mababawi mga kasinungalingang pinagsasabi mo sa TV Patrol. I won't tolerate any lies and inuendos against Ashley, do you all understand? She is the daughter of a very good friend of mine. I know her very well , hindi man niya ako kilala ng personal."

Hindi mga nakakibo ang mga nasa meeting room. Nagulat sila sa information na yun.

"Usually wala akong pakialam sa mga personal life ninyo pero kung idadamay ninyo ang pangalan ng mga taong personal na malapit sa akin at sa pamilya ko, ibang usapan na yan lalong lalo na kung ang mga pinagsasabi ninyo ay walang katotohanan. Keep this in your mind, huwag na huwag ninyong gagamitin si Ashley sa mga gimik ninyo, maliwanag ba?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mag ina."Narinig at napanood ko lahat ng kaganapan umpisa pa lang ng ng meeting. May video link at napanood ko sa office ko. Alam ninyong lahat na hindi tutuo ang pinagsasabi ni Chrissy. Sino ang may idea ng interview niya sa TV Patrol? Ayusin nyo yan at ayaw ko ng mauulit pa.

"Gerald at Chrissy, ayusin ninyo relasyon nyo. Magpaka tutuo kayo sa mga nararamdaman ninyo. Pinasundan kita kagabi dahil sa mga pinagsasabi mo tungkol kay Ashley. Here are the proof kung sino ang nanloloko. Ibinagsak ni Ms Charlene ang makapal na envelope na dala dala niya ng pumasok sa lamesa.

Binuksan ng isa sa mga top executive at napahawak ito sa dibdib, napatanga , then napatingin kay Chrissy.

Isa isa ng nagkuhanan ng letrato ang mga nanduon.Mga pictures nina Chrissy at Jason na mainit na nagyayakapan at naghahalikan sa isang parking lot at sa loob ng sasakyan.

Tumayo na naman si Chona at ang anak naman ang pinagsasampal ,may kasama pang sabunot. "Ikaw naman pala ang malandi!!" Nagsisigaw na sinasaktan ang anak.

Hindi nakatiis si Gerald. Tumayo at inilayo si Chrissy sa ina. "That's enough Tita." Bawal nito sa ina ni Chrissy.

Nag iingay pa rin si Chona, tiningnan siya ng masakit ni Charlene. “Kung hindi ka titigil diyan , mas maganda siguro lumabas ka muna.” Malamig na sabi nito.

Dahil sa sunod sunod na hindi inaasahang mga bagong information, hindi na alam ng mga nasa meeting na yun kung ano ba dapat nilang pag usapan. Pag uusapan sana nila kung paano maaayos ang relasyon at loveteam nila Gerald at Chrissy. Gusto sana ng management mapag ayos ang dalawa at ipaalam sa mga fans na talagang ayos lang sila at walang problema. Susundan na lang sana nila ang mga pinagsasabi ni Chrissy sa TV Patrol.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon