CHAPTER 1

228 23 35
                                    

TOBER

Unang araw ko ngayon sa nilipatan kong eskwelahan. Eto ang buhay ni mama, magpalipat-lipat sa ibang lugar dahil sa trabaho niya.

Wala naman akong magagawa dahil wala din kaming sariling bahay.

Bata pa lang kasi ako ng iwan kami ni Papa, sumama sa ibang babae. Kaya simula no'n laging maraming ginagawa si mama.

Ang sabi niya ay hayaan ko na lang siya dahil doon niya tinutuon ang atensiyon para makalimutan ang ginawa sa'min ni papa.

Pagpasok ko sa classroom. Lahat sila ay titig na titig sa akin, na parang may ginawa akong hindi maganda sa kanila. Hindi ko na lang sila pinansin. Diretso akong naglakad sa harap, sa tabi ng guro.

"Introduce yourself," pati boses ng guro ay walang sigla. Ni hindi man lang ngumiti ng nginitian ko siya. Muli, hindi ko na lang iyon pinansin. Ayoko din namang gumaan ang loob ko sa kanila dahil alam kong iiwan ko din sila sa huli.

"I'm Tober. Please take care of me."

Walang sumagot o ngumiti man lang sa akin. Kahit nagtataka ako sa inaasta nila ngayon, isinawalang bahala ko na lang ulit. Dito lang sa eskwelahang 'to ako parang hindi welcome sa kanila. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero 'yun ang napapansin ko.

"Please take your seat Tober." Nilibot ng guro ang kaniyang paningin, "Seat beside Two."

Nag-umpisang magbulungan ang klase. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila kaya hindi ko na lang inintindi.

Hindi ko kilala kung sinu si Two kaya naglakad ako kung saan ang may nag-iisang bakanteng upuan. Nakayukyuk sa mesa ang lalaking makakatabi ko. Unan ang mga braso, nakabaling sa direksyon ko ang kaniyang ulo. Nakapikit ang kaniyang mga mata, pero kitang kita ang ganda ng mukha niya. Napatitig ako sa kaniya na tumagal ng ilang minuto. Kahit yata buong araw na siya ang makikita ko hindi ako magsasawa.

Pero ...

Bakit nga pala ako nabibighani sa gwapong mukha niya? May salamin naman kami sa bahay para makita ko din ang sarili kong mukha. Gwapo din naman ako pero maputi lang talaga siya sa akin, nalamangan lang ako ng ilang paligo.

"It's rude to stare."

Nagugulat ako nang makita kong dilat na ang mga mata niya. Hindi ako magtataka kung napansin niya ang matagal kong pagtitig sa mukha niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko at binaling ko sa guro naming nagsusulat sa blackboard. Hindi yata uso sa guro namin ang magdiscuss sa klase. Puro lang siya sulat habang ang mga classmate ko ay may kaniya kaniyang mundo.

Natapos ang isang oras na klase ni ma'am, hindi pala niya pinakilala ang sarili niya sa akin. Napailing na lang ako. Tatanungin ko na lang siguro siya mamaya o magtatanong na lang ako sa mga classmate ko. Sana sagutin o kausapin na nila ako ngayon.

Dumating ang pangalawang guro namin. Gano'n din ang ginawa niya buong klase. Nakakaantok. Nakakaboring. Sana may matutunan ako buong Third Year sa eskwelahang 'to. Lagi na lang lecture, ano 'to self study?

Nagdismiss na for lunch ang huling guro namin. Nag-aayus na ako ng mga gamit nang mapansin kong tulog pa din ang lalaking katabi ko. Tinapos ko na ang pag-aayus nang inilabas kong gamit na hindi naman nagamit. Dahil mabait akong nilalang kinalabit ko siya para makakain ng tanghalian.

"Hey,"

"What?" Pupungas-pungas siyang tumuwid ng upo at tumingin sa akin. Hindi ko alam na may ganito kagwapong nilalang sa mundo. Lalaki ako pero nabibighani ako sa mga bilog niyang mga mata, matangos niyang ilong, ang nag-iigtingan niyang panga at mapupula niyang labi. Parang sinalo niya lahat ang sinabog ng Diyos na magagandang katangian ng isang lalaki.

"Hindi ka pa ba tapos sa pagtitig sa'kin?"

I blink twice ... thrice, basta madami. Napahiya ako sa sinabi niya. Kaya dali-dali akong tumayo at lumabas ng classroom. Nilibot ko na kanina ang buong school kaya alam ko na kung saan banda ang canteen dito. Maliit lang naman ang school na 'to kaya ilang minuto lang akong naglibot ay natapos ko kaagad.

Maliit din ang canteen dito. Pumunta ako sa isang bakanteng mesa. Pinakalma ko muna ang sarili ko.

"Your so stupid Tober," Sermon ko sa sarili. Bakit ba kasi hindi ko na maalis ang paningin ko sa kaniya kapag titingnan ko siya? Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lang akong napapatitig sa kaniya. Lalaki din naman ako, magandang lalaki din naman ako. Hindi naman kami nagkakalayo.

Nilingon ko ang may ari ng pagkaing inilapag sa mesa kung saan ako nakaupo. Si Two. Bakit ba lumalapit pa 'to sa'kin pagkatapos niya akong pahiyain kanina?

"Lumipat ka na ng ibang school habang maaga pa," Walang emosyong sabi niya sa akin. Parang nagbabanta ang tono ng pananalita niya.

"Bakit? Dahil ba naiistorbo kita? Hindi na mauulit 'yun."

'Yun lang naman ang dahilan na alam ko kung bakit pinapalipat niya ako. Siguro ay ayaw niya sa'kin o hindi siya kumportableng nasa paligid lang ako.

"Bagong salta ka din sa lugar na 'to. Umalis ka na dito."

Hindi ko na siya maintindihan. Naguguluhan na ako. Kung sa school na 'to niya ako pinapaalis ay maiintindihan ko, pero ibang usapan na kapag pinapaalis niya kami sa lugar na 'to.

"I'm not leaving if your not comfortable seeing me here. Hindi ko isasaalang alang ang trabaho ni Mama para matuwa ka ... Two."

Tumayo na ako. Ni hindi ko na nagawang kumain pa. Nawalan na ako ng gana. Baliw siya. Kung ako lang ayus lang sa aking paalisin ako. Naiintindihan ko. Pero 'yung kami ni Mama ang aalis? Ibang usapan na 'yun. Bigyan muna niya ako ng sapat na dahilan. 'Yung katanggap-tanggap para sundin ko ang sinabi niya.

Dumiretso ako sa ilalim nang puno malapit lang sa canteen, hindi ko na din siya nilingon pa. Sakto namang may bangko do'n. Pinagpagan ko muna bago naupo. Naiinis pa din ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan mamaya kapag may klase na.

Ngayon lang kami nagkita pero paaalisin niya ako? Parang matagal na kaming magkakilala. Wala siyang karapatan. Mabait pa nga ako sa kaniya pero sa pinakita niyang ugali niya sa akin hindi ko na alam kung kakausapin ko pa ba siya. Hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan. Alam kong masyado na akong over acting dahil sa sinabi niya pero nayabangan ako sa datingan niya.

"Ano 'yun?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang mapansin kong nagmamadali ang mga estudyante papuntang exit ng eskwelahan. Marami nang nagkukumpulan nang makarating ako sa direksyon nila kaya hindi ko makita ang nangyayari sa labas. Naatrasan pa ako ng isang estudyante. Natapakan ang sapatos ko at medyo lumuwang ang sintas no'n, yumuko ako para ayusin.

Ang kaninang maingay ay biglang tumahimik. Ang kaninang mga paang nagkukumpulan sa harap ko ay biglang nawala. Agad kong inangat ang paningin ko. Nasa harap ko si Two. Ang sama ng tingin niya sa'kin. Naiinis na naman ako. Tumayo ako ng tuwid at sinamaan ko din siya ng tingin.

Bumuntong hininga siya. Hindi ko alam kung nauubusan na siya ng pasensiya sa'kin. Wala naman akong ginagawang hindi maganda.

"Fine, kung ayaw mong umalis sa lugar na 'to please, huwag mong isasali ang sarili mo sa anumang gulo."

Nangunot ang noo ko. Wala akong matandaang sinali ko ang sarili ko sa gulo ng ibang tao. Nananahimik ako dito, siya 'tong kung ano-anong sinasabi.

"Magbubulungan na lang ba kayo diyan?"

Sa gulat ko ay hindi ako agad nakagalaw. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa likod ni Two. Mabilis niya akong nahila sa kaniyang likuran habang hawak ang kamay ko.

Hindi ko alam kung nasa tamang oras ba ako para makaramdam ng kakaibang pakiramdam. Nakakangilong pagbilis ng tibok ng puso ko, ang paggalaw ng kung ano sa tiyan ko, ang pag-iinit ng pisngi ko. Pero ang alam ko lang parang nawala ang ibang tao sa paligid ko at siya lang ang nakikita ng mga mata ko.




To be continue ...

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBDove le storie prendono vita. Scoprilo ora