𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟒

273 14 3
                                    

THAT feeling when she finally hold Lynn's hand.

Sobrang saya ni Kyden.

Hindi niya alam bakit, basta masaya siya.

Yung feeling na parang ayaw na niya bitawan ang kamay nito. Kung puede lang sana.

"Can i hug you?" bigla niyang tanong rito.

Tumawa ito.

"Of course." anito.

Niyakap niya ito. And Lynn hug her back.

"It's nice to finally meet you Lynn." seryosong saad ni Kai.

"Same here Kai. Ang liit ko ano?"

Natawa si Kyden nang kumalas sa pagkakayakap rito.

Three inches lang naman yata ang height difference nila.

"Ang cute mo Lynn, sarap mo nga yakapin. Payakap nga uli."

Natawa ito nang bigla niya itong yakapin uli.

"Ang kulit." anito na lamang.

Tiningnan ni Kai ang dalaga nang kumalas siyang muli sa pagkakayakap rito.

"Nakakahawa ang ngiti mo." aniyang napapangiti rin. "Hindi ko alam bakit nagawa kang saktan ng iba." di niya mapigilang hindi sabihin rito ang totoo.

Ngumiti lang ito.

"Nagmahal lang ako." ang tanging sagot nito.

God,kung puede lang na itakas na niya ito.

Naalala niya ang bouquet of flowers na ibibigay niya dapat dito.

"Wait." aniya at kinuha mula sa likuran ang bouquet at iniabot rito ang hawak.

"For you Lynn. I hope magustuhan mo." aniya.

Napatingin rito ang dalaga saka tumawa.

Napakunot noo tuloy si Kyden.

Nawala na naman ang mga mata nito habang tumatawa.

"Lynn?" tanong niyang nagtataka.

Tumigil ito sa kakatawa at kinuha mula sa kaniya ang hawak.

"What a small world." anito.

"Why?" tanong niya.

"Because i'm the one who did this." anito na ang tinutukoy ay ang hawak.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata.

"You did? You mean , sa flower boutique?"

Tumango ito.

"Yes. L.A. stands for my name,Lynn Amour."

Natawa rin si Kai.

"Ikaw ang may-ari?"

Tumango ang dalaga.

"Thank you for this Kai." anito.

"Okay lang ba na ikaw rin pala may gawa niyan?" nag aalangan niyang tanong.

"Oo naman. Puede ko ibenta uli 'to." sagot nito sabay tawa.

Napakamot tuloy sa batok si Kyden.

"Joke lang Kai. Thank you, seryoso na. Thank you for this."

"You're welcome Lynn

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.


"You're welcome Lynn. Wait,ipakilala kita sa lahat."

Napakunot noo ito.

"Guys." sigaw ni Kai sa likuran.

Unang lumabas si Alex.

"Hi." bati nito.

Lumabas ito mula sa labas ng counter at lumapit sa kanila.

Nakipagkamay agad ito sa dalaga.

"Alex. Nice to meet you Lynn."

Ngumiti ang dalaga.

"Thank you Alex. Naikwento ka narin ni Kai sa akin." anang dalaga.

Saka naman nagsilabasan ang lahat mula sa isang silid.

Unang lumapit si Gray at agad ring nakipagkamay kay Lynn.

"Gray,pinakapoging pinsan ni Kai."

"Lynn,pinakamagandang friend ni Kai."

Tumawa si Gray.

"I like you already." anito sa dalaga. "This is Trish,my fiancée."

Niyakap ni Trish ang dalaga.

"Nice to finally meet you Lynn. You have no idea how badly we wanted to meet you." ani Trish.

Ngumiti si Lynn.

"Nakakataba po ng puso." anito.

Next na nagpakilala sina Sky at Nicole.

"We are the SkyNik couple." ani Nicole.

Natawa si Lynn.

"Ang cute nio po tingnan." aniya.

Tahimik lang at nakangiting nagmamasid si Kai. Her smile is melting her heart even more.

"And i'm Toni." ani Antoinette.

"Lynn po."

"Nice to meet you Lynn. Sana nagustuhan mo ang pinaghirapan naming simpleng surpresa."

"I'm very flattered po. Sobrang saya ko po and thank you so much." anang dalaga.

"Pinaghirapan lahat 'to ni Kai." ani Gray.

Nahihiyang ngumiti si Kai sa dalaga.

Wait, bakit siya biglang naging mahiyain ngayon?

"Thank you Kai. You don't have to do this, but thank you so much. Lalo na sa song number. Sobrang saya ko sa lahat ng efforts na ginawa mo."

"I'm glad you like it." sagot ni Kai.

Anong nangyayari sa kaniya?

"We meet again." ani Patricia nang huling lumapit sa dalaga. Katabi nito si Eliza.

Nakipag shake hands rito si Lynn.

"What a coincidence right?" anito.

"Sobra."tawa ni Lynn.

"And this is Eliza."

Ngumiti si Lynn sa babae at niyakap siya nito.

"Welcome to our family Lynn. Charr." anito.

Natawa na naman si Lynn.

"Thank you." aniya.

"Lahat nagpakilala na. Puede na ba tayong kumain?" tanong ni Gray.

Natawa ang lahat.

Lahat sila ay naupo sa mahabang dining table na nakaset para sa kanilang lahat.

Habang kumakain, panay kwentuhan ng lahat. At sa simpleng biro,natatawa na si Lynn.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Kai ang dalaga habang masaya itong nakikipagkwentuhan sa lahat.

Parang ang tagal na nitong kakilala ang mga kausap.

Bagay na mas lalong nagpa attract kay Kai.

Habang nakatingin rito na masayang sumasagot sa bawat katanungan ng lahat, mas lalo niyang narealize na gusto niyang makita itong ganito lang kasaya.

Gusto niya na lagi lang itong nakangiti.

At alam niyang siya lang ang kayang makapagbigay non sa kaniya.

Pero ang tanong, handa kaya siyang tanggapin nito?

Kaya ba siya nitong bigyan ng pagkakataon na patunayang kaya niyang ibigay rito ang pagmamahal na hindi nito natanggap ng buo sa ex nito?

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt