𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟐

235 11 1
                                    

D' DAY 🌹

Hindi mapakali si Kyden

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi mapakali si Kyden.

"Relax ka nga." natatawang saad ni Trisha sa kaniya.

"Magugustuhan kaya niya itong venue?" tanong niya.

"Hindi pa nga tayo nakapag umpisa mag decorate." sagot ni Nicole.

"Kinakabahan ako." aniya.

"Relax ka muna. Kami na bahala magpaganda nang buong place."

Isang coffee shop ang nirentahan nila para sa gagawin niyang surprise kay Lynn.

Supportive naman ang lahat sa kaniyang plano at heto ang lahat para tulungan siya.

Gumagawa nang maliit na stage sina Sky at Gray kung saan siya kakanta mamaya para sa pagkikita nila.

Kinakabahan siya.

Iniisip niya kung magugustuhan ba ni Lynn ang gagawin niyang surpresa para dito.

This will be the first time na magmeet sila at gusto niyang gawing unforgettable ang first meet nila.

"Nagtext na ako kay Patricia." ani Nicole.

"About sa flowers?" tanong niya.

"Oo, samahan ka raw niya to pick up the flowers. Papunta na sila ni Eliza dito."

Tumango siya.

"How about the dessert?" tanong ni Toni hawak ang mga balloons.

"I asked the owner na. Naka set na raw." sagot ni Nicole.

"Thank you so much." pasalamat ni Kyden.

"Ano ka ba, bunso ka namin. Dapat lang na tulungan ka namin." sagot ni Trisha.

Lumapit sa kanila si Alex.

"Ready na ang camera." anito.

"Thank you Kuya Alex. Kinakabahan ako lalo."

Natawa ito.

"Normal lang yan kung gustong gusto mo ang babae. Napaka special niya para gawin mo to lahat para sa kaniya." anito.

"I'm sure she will love your surprise Kai." ani Toni." Walang babaeng hindi kikiligin with this kind of surprises."

Sana nga tama ang mga ito.

Maya maya lang, dumating na sina Patricia at Eliza.

Isinama na niya si Patricia papunta sa flower shop na bibilhan nila ng mga bulaklak.

Nagpaiwan naman si Eliza para tumulong sa pagdecorate ng place.
.

.

.

.



.

.

.

.

.

.

.

.


        L

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

L.A
Floral Boutique

Yan ang name ng place na nakita ni Kyden pagkababa niya ng sasakyan.

"This is the place Kai." ani Patricia bago maunang pumasok sa loob.

Sumunod siya rito at binati sila ng isang maliit na babae.

"Welcome to L.A." nakangiting welcome nito sa kanila.

"We are here to pick up our order?" ani Patricia rito.

Tumingin sa paligid si Kyden.

Napakagara at napaka elegante nang loob ng boutique na yun.

Maliban sa puro bulaklak ang nasa loob, it feels familiar. Hindi niya alam kung bakit.

First time niyang makapunta rito pero tila may something sa place na ito.

"Name po Maam?"

"Patricia Silvestre."

"Wait lang po Maam ha? Tatawagin ko muna boss ko."

Siya namang pagtunog ng phone ni Kai.

Nag excuse siya kay Patricia na lumabas muna.

Nagtungo siya sa nakapark na sasakyan at sinagot ang tawag ni Gray.

"Kuya Gray." aniya.

Nakatalikod siya mula sa shop kaya hindi niya nakita ang paglabas ng petite na babae mula sa isang pintuan at kinausap si Patricia.

"Kai, nakalimutan ko ang mic sa condo. Daanan mo nalang pagkatapos niyo diyan?"

"Okay po kuya. "

"Tapos pakidaanan rin ang jacket ko na itim sa kwarto."

Napakamot siya sa ulo.

"Kuya naman,pati jacket?"

"Nadumihan suot ko ngayon eh. " tawa nito.

"Okay, okay." aniya na lamang.

"Kausapin ka raw ni Sky."

Humarap siya sa shop.

At napatingin sa likod ng babaeng pumasok sa loob ng isang pinto.

Bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya?

Inignore niya ang naramdaman.

Bakit naman siya makaramdam ng ganito?

"Kai. Papabili ako ng snacks at ilang softdrinks." ani Sky sa kabilang linya.

"Okay po Kuya."

Nakita niyang lumabas ng shop si Patricia bitbit ang isang bouquet ng red roses. Lynn's favourite flowers.

"Paalis na kami Kuya. See you."

"See you."

Pinatay na niya ang tawag.

"Thank you Ate Patty." nakangiti niyang sabi sa babae.

"You're welcome Kai. Okay ba?"

Iniabot nito ang bouquet.

"Sobrang ganda." aniyang nakangiti.

Sana rin ay mapangiti niya ang bibigyan niya ng mga bulaklak na hawak.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now