𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟕

223 8 0
                                    

"𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐝𝐨 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤?" tanong ni Lynn sa katabi

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

"𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐝𝐨 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤?" tanong ni Lynn sa katabi.

Habang binabasa ni Kai ang sypnosis ng libro,tumango tango ito.

"I'm not into books, but this looks interesting."

Ngumiti ang dalaga.

"Good,then i'll take it."

Kinuha niya mula rito ang libro at pumunta sa counter para bayaran ang binili.

Hinintay siya ni Kai sa labas ng bookstore.

"Let's go." aniya rito nang lapitan na ito.

"Are you hungry?" tanong nito.

"Katatapos lang natin magkape." natatawa niyang sagot.

"Baka lang naman nagugutom ka na. San tayo?"

"Bibili ako ng new coffee cup for your Mama."

"Spoiled na masyado si Mama sayo. Baka masanay na yun ,sa bahay kana patirahin."

Natawa ang dalaga.

"Eh kasi naman masyado niya na akong bini-baby. Lagi niya akong dinadalhan ng foods sa boutique."

"Bini-baby din naman kita ah." anito.

Natawang napailing siya sa sinabi nito.

"Ginayuma ka na yata ni Mama." anito.

"Ginayuma mo rin yata ako." biro niya rito.

"Tumalab na ba?"

Natawa uli siya.

"Tara na nga." aniya sabay hila rito.

Naglalakad na sila nang hawakan nito ang kamay niya.

Natigilan ang dalaga.

At napatingin rito.

"Holding hands lang naman. Remember,tumatalab na gayuma ko sayo." ani Kai.

Ngumiti si Lynn. Saka hinayaang hawakan nito ang kamay niya habang sila ay naglalakad.

Tuwang tuwa naman si Kai sa pagpayag ng dalaga. Abot tenga ang ngiti niya habang proud na proud na hawak kamay niya ang dalaga.

Ngunit biglang natigilan si Lynn.

At biglang binitawan ang kamay ni Kai.

Nagtatakang napatingin rito si Kai.

"Pretend you don't know me." anang dalaga rito saka naglagay ng distansya sa kaniya.

"Mama?"

Saka napatingin si Kai sa tinawag ni Lynn.

Lumingon ang isang may edad nang babae na kakalabas lang mula sa loob ng isang shop at nagulat nang makita ang dalaga.

"Amour, what are you doing here?"

Dinig na dinig ni Kai ang usapan ng mga ito at tumalikod siya at nagkunwaring may tinitingnan sa phone. Pero hindi siya umaalis sa kinatatayuan.

"May binili akong book Mama. May kasama ka?" tanong ng dalaga at saka naman lumabas ang isang babaeng kaedad lang nang ina nito.

"Oh my goodness, look who's here." nakangiting bungad nito nang makita si Lynn.

"Tita Marites"

Yumakap ang dalaga rito.

"Hija, i miss you. Bakit hindi ka na dumadalaw sa bahay? Nag away ba kayo ni Michael?"

Nagulat si Kai sa narinig.

Michael.

Pangalan ng ex boyfriend ni Lynn.

Ibig sabihin, ina ni Michael ang kasama ng ina ni Lynn.

Parang pinipiga ang puso niya.

"Sorry Tita Tes, busy lang sa boutique." sagot ni Lynn.

Hindi nito sinagot ang tanong ng ginang.

"Hay naku, nagtatampo na ako. Mapapagalitan ko na si Michael niyan eh. Dalawin mo ako sa bahay ,promise me."

"I will po Tita Tes."

"Sumabay kana sa amin anak."

"Mama, babalik pa po ako sa boutique eh. Next time nalang po." sagot ng dalaga.

"Wala ka bang kasama?" tanong ng ina.

"Wala Mama."

"Okay then, i'll see you later sa bahay."

Humalik at yumakap si Lynn sa mga ito bago nagpaalam.

Agad nagtago ng mukha si Kai nang dumaan sa tabi niya ang dalawang ginang.

Nang mawala na ang mga ito sa paningin, lumapit sa kaniya si Lynn.

"Sorry for that Kai."

Pilit ngumiti ni Kai kahit na nasasaktan siya.

Ano bang karapatan niya para masaktan?

"Its okay Lynn. Ihahatid na kita sa boutique then uuwi na ako. Nakalimutan kong may aayusin pala ako sa bahay." aniya.

"I'm sorry again Kai."

"Wala ka namang dapat ihingi ng sorry."

"Amour?"

Pareho silang gulat na gulat.

Takot na takot na napatingin si Lynn sa nagsalita.

"Mama!"

Palipat lipat ang tingin nito sa kaniya at kay Kai.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan nito si Kai mula ulo hanggang paa.

"Sino siya?" seryosong tanong ng ginang na kay Kai parin nakatingin.

Tumingin ng diretso si Kai dito.

"Hi po maam." aniya nang binigyan ng diin ang salita niya para magkunwaring probinsyano siya." Bag-o pa ako dito sa Manila. Nag ask man ako sa kaniya saan may mabilhan ng murang pagkain dito?"

"Yes Mama, nagtanong lang siya."

"Ganun ba. Bakit hindi ka magtanong sa guard."

"Opo maam. Salamat kaayo maam."

Nagyuko pa ng ulo si Kai rito bago nagmamadaling umalis.

Iniwan na niya ang dalaga kasama ang iba nito.

Nasasaktan siya.

Sobrang nasasaktan.

Kung wala siya sa public place, baka tumulo na ang luha niya.


𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz