𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟕

263 11 6
                                    

March 05

Dear Lynn,

Happy birthday, kahit late na.

Sana naging masaya ka sa araw ng kaarawan mo. Lagi na yata akong maiiyak sa mga letters mo. Marupok ka nga Lynn, hahaha joke lang.

Pero sobrang bilib ako sa courage mo. Nagawa mong harapin lahat ng pagsubok na yun sa buhay mo. Lahat naman tayo nagiging marupok pero nasobrahan ka sa karupokan Lynn hahaha.

But someone like you deserve someone better Lynn. Yan lang masasabi ko. Hindi ko pa alam ang side ng boyfriend mo, but all i can say is he don't deserve you.

Kung puede nga lang tayo pumili ng taong mamahalin noh? Ginawa na seguro natin araw araw. Pero mga puso natin ang ayaw.

Kakastalk ko nga lang sa ex ko. Masaya na siya with someone na naging dahilan kung bakit hindi na siya masaya sa akin. Masakit sa part ko. Umiiyak parin ako. Hindi maiwasan eh.

Salamat dumating ka sa buhay ko. Naging kaibigan kita kahit sa sulat lang. Kahit papaano, may taong nakakaintindi sa nararamdaman kong sakit kasi naranasan mo rin ang masaktan.

Hindi kaya tayong dalawa ang itinadhana? Hahaha joke lang Lynn.

Excited na akong iyakan uli ang next letter mo, este mabasa pala ang story mo hahaha. Sana napangiti kita sa simpleng hirit ko sayo.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now