𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟏

233 12 0
                                    

EXCITED agad na sinagot ni Kyden ang tawag sa phone niya.

Hindi pa siya tapos sa paghuhugas ng mga pinggan kaya sinundan siya ng tingin ng ina.

"Kai?" tawag nito.

"Saglit lang Ma." aniya nang patakbong lumabas ng kusina papunta sa sala saka sinagot ang tawag.

"Hello." aniya.

"Hi Kai."

Napangiti agad siya nang marinig ang boses nito.

"Hi Lynn. Kumain ka na?"

"Katatapos lang. Ikaw?"

"Me too. Kumusta araw mo?"

Naupo siya sa sofa.

Nagbabasa ng libro ang ama sa paborito nitong upuan sa isang sulok.

"Okay naman. Hindi masyadong busy today. How about you? Kumusta ang laro niyo kanina?"

"Panalo." aniyang mas lumapad pa ang ngiti.

"Wow naman. Congrats. Sana mapanood kita minsan."

"Naku, mas lalo akong gaganahan. Bawat shoot ko ng bola sa ring, lahat para sayo."

Ang lakas ng tawa nito.

Tawang laging nagpapatibok ng mabilis sa kaniyang puso.

"Sino yan?"

Muntik na niya matapon ang hawak na phone sa biglang pagsalita ng ina sa tenga niya.

"Ma?"

"Sino yan?" bulong nito.

"Si Lynn." sagot niya pero sinadya niyang lakasan para marinig ng kausap.

"Is that your Mama?" tanong nito.

"Oo, gusto mong makausap?"

Hindi pa ito nakasagot inagaw na nang ina mula sa kaniya ang phone.

"Hi Lynn.Mama to ni Kai."

"Ma?!"

Hindi siya nito pinansin.

"Kumusta hija? Wait ha, pabalikin ko muna si Kai sa kusina. Iniwan niya yung mga pinaghugasan niya."

Napailing na lamang si Kai.

"Tapusin mo muna yung trabaho mo Kai." anito sa kaniya bago muling kinausap ang dalaga.

"Nangingialam na naman si Mama Pa." sumbong niya sa ama.

Tumingin ito sa kaniya.

"Kausapin ko nga rin yan." ang tanging sagot nito.

Tumayo siya at iniwan na lamang ang mga ito habang napapakamot sa ulo.

Narinig pa niya ang tawa ng ina.

Saka siya napangiti.

Mukhang kasundo na agad nito si Lynn.

.

.

.

.

.

.

.

.


.

.

.

.

.

NAKAHIGA na si Kyden habang kausap si Lynn nang tanungin niya ito sa mga pinag usapan nito at ng kaniyang ina.

"Tinanong lang ako ng Mama mo kung ka anu ano mo raw ako. Sabi ko friends tayo."

"Dapat sinabi mo na ako ang future mo."

Tumawa ito.

"Puro ka kalokohan Kai. Pero mabait ang Mama mo. Makulit rin katulad mo."

"Nagmana sa akin yun eh." aniya sabay tawa. "But i'm happy nakasundo mo siya. I can't wait na ipakilala kita sa kanila sa personal." seryoso niyang turan.

"Baka madismaya ka kapag nakita mo na ako in person. I'm not that pretty. "

"Importante ba yun? Ang mahalaga,ugali. At kahit hindi pa kita nakikita, alam ko maganda ka. Sa kabutihan palang ng puso mo, wala nang makakahigit sa ganda mo."

"Awww,thank you Kai. Excited na tuloy ako makilala ka in person. Gusto kong malaman bakit ang daming babaeng naghahabol sayo."

Natawa siya.

"Syempre, guapo ako." aniya sabay tawa ng malakas.

"Lakas ng loob Kai, meron ka rin." sagot rin nito.

"Pero gusto ko talaga , ikaw yung hahabulin ko Lynn." aniya pagkakuwan.

Natahimik ito.

"Handa ka na bang magmahal uli?" tanong niya rito.

"Seryoso na ba to?" anito.

"Yes. Kung okay lang sayo?"

Matagal bago ito sumagot.

"Hindi pa ako handang magmahal uli Kai." sa wakas ay sagot nito.

"Mahal mo pa ba ex mo?" tanong niya.

Alam naman niya ang sagot kahit ayaw nitong sabihin.

"Mawawala ba agad ang pagmamahal? Hindi naman diba? Kahit malayo tayo sa kanila, love will always be there. Ang bagay lang na dapat nating isipin, acceptance. Na even though mahal pa natin sila, hindi na tayo magiging masaya. We need to accept na mahal lang natin sila, pero hindi na nila tayo napapasaya. Dahil yung dapat na saya, naging sakit nalang palagi."

"Ang lalim naman. Pero kapag bumalik ba siya, tatanggapin mo uli?"

"Hindi ko alam Kai. Sa totoo lang, ayaw ko munang isipin. Ang importante para sa akin, right now, nakakatawa na ako. I can smile na, na its all because you are there. Salamat nandiyan ka lagi to listen sa mga kadramahan ko sa buhay. Thank you for being a true friend."

Ouch.

Friend?

Ganun nalang ba talaga siya para rito?

"I will always be here for you Lynn. One call away lang." aniya.

"And Kai, I can't see myself being in a relationship with someone else."

Ouch again.

"You mean, ex mo lang talaga?" tanong niya.

"No, what i mean is. I can't picture myself being with someone new, being in love again. Love is toxic, tama bang sabihin yan?"

"Love is toxic for you?" bat mas lalo siyang nasasaktan.

"Yes. Right now, gusto ko lang muna i-enjoy ang freedom ko. I want to be myself again, a happy me. Yung walang iisiping stress sa pag-ibig."

"But what if may taong dumating sa buhay mo na magpapabago ng isip mo? Someone na willing kang pasayahin, at iparamdam sayo na wala namang masama magmahal ng iba?"

"Hmmm. Kung makapag antay siya, bakit hindi? Hindi naman sarado ang puso ko eh. If he can make me love again, he will be the lucky one."

'Sana ako na yin." ang nasa isip niya habang pinagdasal na sana nga magkatotoo.

Sana siya ang taong susunod nitong mamahalin.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now