𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐

464 17 1
                                    

DALAWANG araw na ang nakalipas simula nang mabasa ni Kyden ang sulat from someone na hindi niya kilala.

Nagdadalawang isip siya kung sasagot ba siya sa sulat nito.

Pero nahihiwagaan siya sa sender.

Hindi maalis alis sa isipan niya ang katagang nakasulat.

"To someone who can be my friend(badly needed one right now)."

Hindi niya alam bakit sa halip na isipin ang paghihiwalay nila ni Angel, ang unknown sender ang laging pumapasok sa isipan niya.

"Lynn." bigkas niya sa pangalan nito.

There is something special about her name.

Her name?

Babae ba ito?

Transwoman?

Hindi siya segurado.

Basta nakita na lamang niya ang sariling bumibili ng stationery letter paper sa isang shop.

At mayamaya lang, sa loob ng coffee shop nagsusulat na siya ng kaniyang sagot sa liham ni Lynn.

February 7

Dear Lynn,
Ako nga pala ang nakatanggap ng sulat mo. Sobra akong nagulat kung kanino galing but i'm curious too. Hindi ko alam kung sino ka, or scam ba to hahaha. But i can be your friend. I can be your unknown friend but syempre i have a name.
You can call me Kai.

Ilang beses pa niya binasa ang sulat bago final na inilagay sa sobre ang nakafold na sulat.

Tama kayang sumagot siya rito?

Bahala na.

Wala namang mawawala sa kaniya kung ipapadala niya ang sulat sa address na ibinigay nito.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

NANIWALA NA SIYANG na scam siya dahil isang linggo na ang nakalipas wala parin siyang natatanggap na sulat.

Hindi niya akalaing maghihintay rin siya araw araw sa sagot nito.

Kaya nang dumating galing Germany ang pinsang si Gray, sinamahan niya ito sa mga lakad nito.

Kahit papaano, nalibang rin siya at pansamantalang nakalimutan na iniwan na siya ni Angel at na scam pa siya.

"May balita ka ba kay Gel?" tanong ni Gray nang nasa condo sila at inaayos ang mga music equipments para sa studio nito.

"Wala. Nakablock ako sa facebook account niya." sagot niya.

"At kumusta naman ang puso mo?"

"Durog." malungkot niyang sagot.

"Sinabi ko naman sayo noon pa na mahirap na ayusin kapag tiwala ang nawala."

"Alam ko naman yan eh. Second chances never work for me. Pero dahil mahal ko siya, i broke my own rules for her. At bandang huli, ako parin ang naiwang talunan."

"It means, she don't deserve you Kai. Marami ka pang makikitang mas higit pa sa kaniya."

Hindi niya sinabi rito ang tungkol sa sulat na natanggap niya. Baka pagtawanan lamang siya nito.

"Pupunta ka ba ng Davao?" pag iiba niya sa usapan.

"Yes. Samahan mo ako. At sasama raw si Sarah."

Tumango siya.

"Kelan?"

"Bukas ng umaga. Hindi ko alam bakit hindi ko makontak si Sky. Parang may iba yatang pinagkakaabalahan."

"Nag text sa akin kahapon. Nagkita raw sila uli nong ex girlfriend niya."

Nagulat si Gray.

"Si Nikki?" tanong nito.

"Si Nikki lang naman naging gf ni Kuya Sky." aniya sabay tawa.

"Wow. Kaya pala hindi na nagparamdam."

"Baka may comeback na magaganap." aniya.

"Malamang. Hindi pa naka move on yun eh."

"Paano si Ate Sarah?" tanong niya.

"Hindi naman sila mag jowa. Magkaibigan lang naman sila."

Napatango tango siya.

Sa ilang taon na pagkakilala niya kay Sarah, alam niyang malaki ang gusto nito kay Sky.

Mas okay rin na isasama siya ni Gray sa Davao para mawala sa isip niya ang unknown sender ng letter.

Makalimutan niyang nabiktima siya ng scam.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now