𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟎

260 12 0
                                    

"KUMAIN KA NA?"

"Hindi pa. Magpapakain ka ba?😁"

"Baliw ka talaga Kai. Hahaha."

Natawa rin si Kyden.

"Sino yang kachat mo?" biglang tanong ng kaharap na pinsan.

"Si Lynn." sagot naman niya.

"Nililigawan mo ba?" tanong ni Trish na katabi nito.

"Hindi pa."

"Ano pa hinihintay mo? Sa mga ngiti mong yan halata namang nahulog ka na." saad naman ni Sky na katabi niya.

"Hindi pa siya ready. Dalawang buwan pa since naghiwalay sila nong ex niya."

"Feel mo bang may gusto siya sayo?" tanong naman ni Nicole.

"Hindi ko alam eh. Sa tuwing bumabanat ako, laging tawa ang sagot. Hindi niya sineseryoso mga sinasabi ko." aniya.

"Eh kasi lagi mong idinadaan sa biro." saad ni Toni.

"At sa mga kakulitan mo, hindi talaga iisipin non na seryoso ka." ani Alex.

"Alam mo na ba social media accounts niya?" tanong ni Trisha.

"Ayaw pa niyang ibigay. Hindi pa raw siya handa na makita ko siya."sagot niya.

"Baka nahihiya? Baka di ganun kagandahan." si Nicole.

"Hindi naman ako tumitingin sa panlabas na anyo eh. Ugali dapat and she's perfect. Sa personality palang niya , super nakakaganda na kahit hindi ko pa siya nakikita. She is smart, masipag , matured na mag isip. She is perfect, wala nang hahanapin pa, nasa kaniya na lahat." mahaba niyang paliwanag.

Paliwanag or pagdescribe sa dalaga?

"Ayyieeeh." tukso ni Toni. "In love na nga siya."

Natawa siya.

"Hindi, humahanga lang ako sa kaniya." aniya.

"Anong paghanga lang?" sabad ni Gray. " Eh halos kulang nalang sabihin mong ikaw nalang ang kulang sa buhay niya."

Sumang ayon naman ang lahat na itinawa lamang niya.

"Are you thankful na dumating siya sa buhay mo?" tanong ni Toni.

Nag isip siya bago sumagot.

"Yes. May mga bagay pala talaga na hindi mo aasahang darating sa buhay mo. Thats Lynn. Siya yung taong biglang dumating sa buhay ko na hindi ko inaasahan. I was consumed by darkness because of my ex gf. And Lynn was my light. And i'm thankful nakilala ko siya." and she really meant it.

Galing sa puso niya bawat katagang binitawan.

"Kai, you are starting to fall." ani Nicole.

"Am i?" tanong niya.

"Yes, totoo nga." sang ayon ni Gray. "But you need to know her more insan. Kilalanin mo muna ng husto."

Tumango siya.

"And make sure na naka move on na siya sa ex niya. If hindi, ikaw yung masasaktan bandang huli kapag bumalik na naman ex niya sa buhay niya." ani Trish.

At yun nga ang kinatatakutan niya.

Paano pag bumalik uli ang ex nito?

Mahal nito ang lalaki.

Hindi malabong magkakabalikan sila.

Paano siya kapag nangyari yun?

Paano kung sa sandaling mangyari man ang kinatatakutan, nahulog na nang tuluyan ang loob niya rito.

"Natahimik si Kai." biglang sabi ni Sky.

"Nag iisip na yan kung kaya niya bang masaktan uli." sagot ni Alex.

"Kai, if mahal niya pa ex niya, ikaw yung dapat mag isip muna. Huwag mo muna isugal ang puso mo. Isipin mo, kakahilom lang rin niyan." ani Toni.

"Dapat ask mo siya if puede na kayo magkita in person." mungkahi ni Trish.

"Oo nga. Message mo siya now na." utos agad ni Toni.

"Baka magalit." sagot niya.

Hindi pa siya nag tanong kay Lynn kung puede ba sila magkita sa personal. Dahil nga ayaw nito sabihin ang social media accounts nito.

"Try mo lang insan." ani Gray.

Binuksan niya ang phone.

Ilang sandali, nag ta type na siya ng message para sa dalaga.

"Lynn, do you think its time na magkita na tayo sa personal?"

Kinabahan siya nang i-press ang send.

Ang mga kasama sa living room ay naghihintay rin tumunog ang phone niya.

Ilang minuto ang nakalipas, walang sagot.

Tumunog ang phone niya.

Bigla pa siyang napatayo sa excitement ngunit agad rin napaupo nang makitang galing sa Ate niya ang message.

Ilang minuto pa ang hinintay niya at nila.

"Naku, ayaw yata talaga." aniya.

"Huwag negative agad." kastigo ni Toni sa kaniya.

Ang hirap maghintay. Baka madismaya lang siya.

"Kapag ayaw niya Kai, itigil mo na." ani Sky.

Kaya niya ba yun?

Nasanay na siyang si Lynn ang kausap sa gabi bago matulog at pagkagising sa umaga.

Hinaharanahan niya pa ito kapag nalulungkot ito.

So paano siya titigil sa pakikipaglapit rito?

Tumunog bigla ang phone niya.

Kinabahan na siya.

Binuksan niya ang message.

Natahimik siya bigla.

"Anong sabi?" halos sabay pa ng mga ito.

Malungkot ang mukhang tumingin siya sa mga ito.

"Ay wala na,finish na." saad ni Nicole.

"Anong sabi?" tanong ni Trish.

Saka siya dahan dahang ngumiti saka tumayo at nagtatalon sa ere sa sobrang tuwa.

"She said 'she agree'." aniyang walang mapagsidlan ang kasiyahan.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now