𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟗

247 10 1
                                    

"HI KAI. THIS IS LYNN."

Kaba.

Excitement.

Pagkagulat.

Saya.

Yan ang mga naramdaman ni Kyden nang marinig ang pangalan nito.

"Lynn?" paninigurado pa niya.

Tumawa ito.

Tawang tila musika sa pandinig niya. Why does she have the voice of an angel?

"Yes Kai, its me, Lynn."

Bakit ang sarap pakinggan ng pangalan niya mula sa bibig nito?

"God, ang ganda ng boses mo."

Oh shit, bakit yun agad ang nasabi niya?

Tumawa uli ito.

This is dangerous. Baka sa isa pa nitong pagtawa, mahuhulog na siya.

Wait, lasing ba siya?

"Bolero ka pala Kai. Ang ganda rin ng boses mo, kumakanta ka?"

"Medyo, hilig ko rin mag gitara." sagot niya.

"Wow. I'm drawn to people na marunong kumanta at magplay ng guitar."

"So, are you drawn to me na?"

Tumawa uli ito.

Shit, bakit siya kinikilig.

"You can make me laugh Kai, thats something new for me. " anito pagkakuwan.

"I can make you fall in love with me if you want?"

Shit again, bakit di niya makontrol ang bibig niya.

"Oh Kai, you are funny." anito sabay tawa.

Ouch.

Di man lang nito seneryoso ang sinabi niya.

"Buti naisipan mong tawagan ako." aniya na lamang.

"I'm sorry kung hindi na kita nasagot sa last letter mo. I was busy sa work, and personal problems lang."

"Akala ko nagalit ka sa mga sinabi ko sa sulat."

Nahiga uli siya sa kama.

"Hindi naman. Did i disturb you? Its almost twelve midnight na kasi."

"No,its okay. Kararating ko lang din galing sa engagement party ng pinsan ko."

Hindi na niya sinabing nakatulog na siya.

"Wow. Galing naman. Congrats sa pinsan mo Kai."

"Salamat Lynn. Lesbian rin katulad ko ang pinsan ko." sagot niya.

"Really? Puede ba sila ikasal?"

"Oo naman, sa ibang bansa legal ang same sex marriage."

"Akala ko dito sa Pilipinas."

"How do you feel about lesbians like me?" tanong niya rito.

"I'm not against syempre. I support lgbtq community."

"Good to hear that. But what i mean is, may chance bang magkagusto ka sa isang tomboy?"

Ipinagdasal niyang oo ang isasagot nito.

"Maybe. Hindi naman napipili ang love eh."

Napa Yes siya sa isipan niya.

Hindi man Yes , but there's a chance.

"So kumusta naman ang lovelife mo ngayon? " tanong niya.

"I'm single na for three weeks."

Nagulat siya.

"Hiwalay na naman kayo?"

Tumawa ito.

"Oo, but it was me who ended our relationship. I.don't know, napagod lang ako."

"Pero mahal na mahal mo boyfriend mo." malungkot niyang pahayag.

"I do, yes. Hindi naman nawawala yung love eh. Sa dami nang mga pinagdaanan namin, hindi mabubura ng sakit yung pagmamahal ko sa kaniya."

"So bakit ka nakipaghiwalay?"

"Need ko lang huminga saglit. Kaya ko bang mawala siya ng tuluyan sa buhay ko? Yan ang gusto kong malaman. Kung yung mga katangahan ko, worth it ba mga pagtitiis ko? Can i unlove him ba?"

Natahimik si Kai.

"How can you unlove someone?" tanong nito pagkaraan.

"Seguro kapag puro nalang sakit ang nararamdaman mo? Sa pagmamahal may sakit talagang kaakibat. Pero kapag puro nalang sakit, thats when you start to unlove someone." sagot niya.

"How about you Kai? Nakapag moved on ka na ba?"

"Seguro, dahil hindi na ako nasasaktan. Baka sa hindi mo pagsagot sa letter ko, hindi pa ako nakamove on." hirit niya.

Tumawa uli ito.

Ang sarap talaga sa tenga ang mga tawa nito.

"Sorry talaga Kai. Heto bumawi na ako. Tumawag na ako sayo." anito.

"So close na tayo nito?" biro niya.

Tumawa na naman ito.

"Masayahin kang tao Lynn?" tanong niya rito.

"I lost my smile a long time ago Kai." biglang seryoso nito. "But talking to you right now, hindi ko alam bakit ang bilis ko tumawa."

Napangiti si Kyden.

"Napapasaya ko na ang mundo mo. So puede ka nang maging akin?"

Narinig na naman niya ang tawa nito na nagpapangiti na sa kaniyang puso.

"Oh Kai, napakakulit mo seguro." anito.

"Puede na ba kitang tawagan araw araw or itext maya't maya?" tanong niya.

Natahimik si Lynn.

Akala niya, nainis ito or hindi na sasagot. Pero pagkaraan ng ilang segundo, sumagot na ito.

"I think you can Kai. Yes, you can call and message me now anytime."

And that makes her heart start to beat a little bit faster than normal.


𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now