𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟎

251 9 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"WHAT THE..."

Nanlaki ang mga mata ni Kai habang nakatitig sa babaeng nakatayo sa harap niya.

Ngumiti ito.

"Do you like it?" nahihiyang tanong nito.

"I love it! You look ten years younger with that look." aniya.

Natawa ito.

"Child abuse na ako sayo kung ganun."

Siya naman ang natawa.

"Willing akong magpakulong basta kasama ka."

Saka niya ito biglang hinalikan sa labi.

Natawa uli siya nang makita ang reaksyon nito.

"Kai, makita tayo ng Mama mo." nanlalaki ang mga matang turan nito.

"So what? Kakampi naman natin si Mama eh."

"Kahit na."

Ngumiti siya.

"Okay okay, behave na ako. Sa kwarto nalang tayo magtatago para may privacy." aniya sabay kindat.

Namumula ang mga pisnging hinila niya ito papasok sa loob ng bahay.

"Ma, magmomovie marathon lang kami sa kwarto." sigaw nito sa inang nasa kusina.

"Need niyo ba ng meryenda?" sagot ng ina.

"No need Ma, nakapagprepare na ako ng snacks."

"Okay, enjoy kayo."

Dali dali silang umakyat sa hagdan na parang mga batang hinahabol.

Nang nasa loob na sila ng kwarto, matapos ilock ang pinto, siniil agad ni Kai nang halil sa mga labi ang dalaga.

"I miss you." aniya nang simulang ibaba ang mga halik sa leeg nito.

Alam niyang apektado agad si Lynn.

Hindi na yun itinatago ng dalaga sa kaniya.

"I miss you too Kai. Akala ko magmo-movie tayo."

"After this."

After one hour, naabutan sila ng ina na parehong nakadapa sa kama at nanonood ng movie sa laptop.

Ang hindi nito alam, kaka start palang ng dalawa na manood.

.

.

.

.

.

.

.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






NGUMITI  si Lynn nang abutan ni Kai nang flower bouquet.

"Para saan?" tanong niya rito.

"For you syempre. To let you know i think of you all the time."

"I know that Kai."

"Ready to go?" tanong ni Kai.

Tumango ang dalaga.

Two hours later, nasa tapat na sila nang gate ng Martinez family.

Si Patricia ang sumalubong sa kanila.

"Oh my God Lynn,is that you?" nanlalaki ang mga matang tanong nito nang makita ang dalaga.

Ngumiti si Lynn.

"Hi Patty." bati niya rito.

Yumakap ito sa kaniya at sumunod kay Kai.

"Lyn, you look so damn gorgeous with that new hairstyle. I love it." ani Patricia.

"Thank you Pat."

"Nasa loob na ba silang lahat?" tanong ni Kai rito.

"Oh yes. Kayo nalang inaantay."

Sumunod sila rito at napa wow si Lynn nang makita gaano kalawak ang lugar at gaano kagarbo main entrance palang ng napakalaking bahay.

"Wow!" aniya.

"I know, Eliza's family is super duper rich. Nasa likod sila,lets go."

Sumunod sila rito papunta sa likuran ng mansion kung saan nakaset ang party ni Eliza.

Swimming pool na napapaligiran ng vineyard.

"Wow!" aniya uli.

Mayaman rin ang pamilya niya, but Eliza's family is not just rich.

"You will love this place kung mahilig ka sa grapes." ani Kai sa kaniya.

"I didn't know may place na ganito. Parang nasa Italian farm lang tayo." aniya.

"Kai! Lynn! "

Pareho silang napatingin sa papalapit na dalaga.

Her bubbly character doesn't really fit for a billionaire heiress.

"I'm glad you could come."

Yumakap ito sa dalaga.

"Happy Birthday El." bati ni Lynn rito.

"Thank you Lyn."

Si Kai ang sumunod na yumakap at bumati rito.

Iniabot ni Lyn ang birthday gift rito na pareho nilang binili ni Kai para rito.

"Ahhh, you shouldn't have Lynn."

"Nakakahiya naman kasi na wala kaming gift for you. I hope magustuhan mo."

"Syempre magugustuhan ko anuman ito. Lets go na, kanina pa sila atat mag swimming."

Naki join sila sa mga bisita.

Na walang iba kundi sila Alex, Toni, Sky ,Nicole, ang pinsan ni Kai na si Gray at asawa nitong si Trisha. They just got married last week sa Los Angeles.

Hindi man siya nakadalo,but Kai was there.

"OMG, Lynn nagpagupit ka?" tili ni Nikki nang makita siya.

Natawa na lamang ang dalaga sa mga reaksyon ng mga ito.

Nakipag beso siya sa mga ito saka tumabi kay Kai.

"Now i want to know kung kayo na ba ni Kai." direct to the point na saad ni Trish na ikinagulat ni Lynn.

"Ate Trish, not now please." pakiusap ni Kai nang makita na hindi siya komportable.

"Mutual understanding?" tanong ni Sky.

Nagkatinginan sila ni Sky.

At siya na ang sumagot.

"Parang ganun na nga." aniya.

"Mahirap talaga kapag against ang parents sa LGBTQ." ani Toni.

"Yeah Lynn, sobrang hirap. Na experience ko na pano itakwil." si Sky.

"Huwag nga kayo maging seryoso. Lets enjoy the day. Birthday ko, so please wala munang drama." awat ni Eliza  para hindi na mapunta sa iyakan kung meron man ang araw nila.

And they all agree that Eliza was right.

"Lynn, i want you to drink with us." ani El sa kania.

"I____."

"Try mo lang. Pagbigyan mo na ako since birthday ko."

Napailing ang dalaga.

Ngumiti si Kai sa kaniya.

"Don't worry, i will take care of you."

Ngumiti ang dalaga at tumango.

She's glad Kai is always ready to support her.

𝐒𝐀𝐍𝐀 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐀- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now