"Alam kong nagtataka ka, Rosane," si Ariess. "Nakagawian na namin 'to. We always eat our breakfast and lunch here... Would you mind to join?” 

I just nodded a bit. Usually, hindi ko sila ka-close kahit pa madalas nila akong kausapin. Nagkakaroon lang naman kami ng interaction dahil kay Gabrielle. Gaya ko, malapit din sila kay Gabrielle dahil nga madalas silang magkakasama sa mga organization and campaign ng school. Madalas na representative. 

“Eat with us, Rosane. If you don't mind…” nakangiting saad ni Ariess. “Marami kaming baon na pagkain.”

“Uy, Rosane! Masarap 'tong baon ko! Kaya tara na!” Bigla naman akong hinatak ni Persus at maingat na pinaupo sa makapal na kumot na nakalatag. “Don't be shy! Alam kong malakas kang kumain!”

Putangina?!

Persus laughed a bit and gestured a peace sign. I rolled my eyes on him. Kung wala lang sa harap ng hapag, baka natadyakan ko siya.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng mga pagkaing nasa hapag. Amoy pa lang nito ay alam ng masarap. Batay sa itsura nito, hindi ito Filipino dishes.

“You can have this,” usal ni Menases sabay abot ng chocolate drink. 

“Hindi na. May baon ak—”

“Just take it or throw it,” putol niya sa akin. 

“Kunin mo na, Rosane! Baka magtampo pa 'yan! Madalang 'yang magbigay. Swerto mo!” Sinundan pa iyon ng malakas na pagtawa ni Persus. “Oh, ito!”

Sabay abot ng tupperware sa akin. Kahit nahihiya ay tinanggap ko. May binigay pa siyang chopsticks. 

Tahimik lang akong kumakain habang  silang tatlo ay panay ang daldal. Hindi ko nga alam kung ano ang pinag-usapan nila. Nakatingin lang ako sa kanila ngunit wala sa kanila ang aking atensyon. Masyadong lutang ang utak ko para makinig sa kanila. 

“Hoy!”

Muntik na akong mapatalon sa gulat. Sigawan ba naman ako sa tainga! 

I glared at him. “Ano?!”

“Kanina pa kita tinatanong kung tapos mo na ba ang assignment mo sa math?” Nanlalaki pa ang butas ng ilong niya. “Tapos mo na ba, huh?”

"Oo," sagot ko kahit hindi naman talaga ako gumawa. 

"Ayos! Patingin nga!" 

Umiling ako. 

"It's cheating," palusot ko. 

"Oy, hindi ah! Ang damot mo!" 

"Don't fool me, Persus." 

Isa siya sa mga matatalino sa klase. Madaldal pero may ibubuga. Madalas itong magstand out sa math lalo na sa science. 

"Titingnan ko lang naman ang solution mo!" 

"Ayoko pa rin."

Ang totoo n'yan, mahina ako sa math. Kahit anong intindi ko sa paliwanag na sinasabi ng math teacher namin at ni Gabrielle, hindi ko pa rin ma-gets. 

“Let's go!” Tumayo si Ariess. “Malapit nang magsimula ang first subject natin.”

Nauna siyang lumakad at kaagad kaming sumunod sa kaniya. Bwisit! Hindi ako makakapag-cut. 

Nang makarating sa classroom agaran akong umupo sa upuan ko at siya ring pagdating ni Mrs. Manero. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na magtanong si Jorja at Jahm sa akin. Alam kong tatanungin nila ako kung saan ako galing at bakit maaga akong umalis kanina.

“Miss Beindz, why are you wearing jacket? Are you sick?”

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sumagot nang dumapo na ang kamay nito sa aking noo. 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now