Ps. Your princess is on the way too so bilisan mo na kung anong magic pa gagawin mo haha and also don't worry you're both excuse in our class.

-Raven

Shit! Si master talaga!
Feeling ko maiiyak nako pero tama si master ito na yung pagkakataon ko para isurprise ang prinsesa ko, tinulungan na niya ako kaya dapat ko lang talagang gawing memorable ito para sa prinsesa ko.

Shoot sana hindi ako kapusin ng oras!

On the other hand...

Abby's POV

"Hello Rave? Nanjan ka pa ba? Uyy bakit hindi ka na sumasagot???" Shocks  kinakabahan na talaga ako sa babaeng to.

Pinasundo niya ako sa bahay tapos tumawag siya at sinabing may nangyare daw kaya sobrang kinakabahan na ako dahil  wala na akong marinig na kung ano sa kabilang linya. Hindi niya rin naman pinapatay ang tawag kaya sana okay lang siya.

"Raven? Ay naman tinatakot mo na ako- Kuya malayo pa ba tayo? Baka kung napano na tong kaibigan ko" gosh alalang alala na talaga ako. Ni hindi ko na natawagan si Grey. Siguro mamaya na lang pagdating namin.

"Malapit lapit na po tayo maam" sagot lang nung driver.

Hayy huwag naman po sana.
Birthday na birthday ko ay papalungkutin mo na naman po ako. Hindi ko kakayanin pagmay mangyayareng masama sa isa sa mga kaibigan ko.

"No! Na-"hiyaw ko ng namatay bigla yung tawag.

"Ma'am bakit po?" Nag-aalalang tanong din sakin ni Kuya Driver.

"Pakibilisan na lang po kuya please baka napapano na yung isa dun, please po" pakiusap ko na lang.

Tinawagan ko na lang muna si Grey para kahit papano ay malaman niya rin kung anong nangyayare.

Pero nakakailang dial na ako ay hindi rin sumasagot kaya tinawagan ko na lang uli si Raven.

Sumagot din naman agad kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Hello Rave? Uy okay ka lang ba? tinatakot mo na talaga ako" mangiyak ngiyak kong bungad sa kanya.

"Shit. Hey don't cry. I'm fine don't worry. I'm sorry Gail" sagot niya naman kaya parang nabunutan na ako ng tinik at agad na pinahid ang luha ko.

"Mabuti naman kung ganun dahil ito na talaga ang pinakaworst birthday ko ever" natatawa kong pabiro sa kanya.
Narinig ko naman siyang napamura uli.

"Sorry talaga Gail. I didn't mean to scare you. By the way Happy Birthday Sis, I hope you enjoy your special day" sus may pagkasweet din talaga tong bruha na ito, tinatago niya lang palagi haha.

"Hay nako parang hindi naman tayo magkikita, hindi ba't papunta na rin ako jan haha pero salamat Rave. Thankful na ako at nakilala ko ang isang kaibigang kagaya mo kaya huwag kang mag alala jan. Sige na haha kitakits pagdating jan haha"

"Hmm kay' take care" tipid niyang sagot, pagkatapos nun ay pinatay ko na ang tawag at nakangiting napasilip na lang sa bintana ng sasakyan.

Wala talaga akong ka ide-ideya kung saan kami papunta.

Teka bakit kaya hindi sumasagot sa tawag ko yung biscuit na yun.

To MyCracker❣:

Pst nsa school kna ba? Bat d mo cnasagot tawag ko☹?

Hay nako malalagot ka talaga sa akin mamaya.

Nakakalungkot naman at mukhang si Raven lang nakaalala sa birthday ko pero hehe ang babaw ko naman.

"Ma'am gising na po, nandito na po tayo" narinig kong sabi sa akin kaya napadilat ako agad.

Nakaidlip pala ako ng hindi ko namamalayan.

"Ay sorry po kuya. Dito na po ba yun?" Sabay ayos ko sa sarili ko.

"Opo Ma'am, pumasok ka lang sa may gate na yan" pinagbuksan muna ako ni kuya ng pinto pagkatapos ay itinuro sa akin ang gate sa tapat.

"Sige po salamat po" pasalamat ko sa kanya.

Teka sigurado ba si kuya na dito nga?

Agad ko namang tinawagan uli si Rave para makasiguro.

"Rave nandito na ako pero tama ba itong pinagdalhan sa akin ni kuya? Nasa tapat ako ng gate ng isang orphanage" pagkatapos ay nagpalinglinga ako sa paligid.

Wala naman akong makitang ibang establishment na malapit dito.

"You're in the right place Gail" sagot niya naman mayamaya pa ay may nagbukas ng gate para sa akin, pinatay din ni Rave ang tawag kaya akala ko siya ang bubungad sa akin pero matandang babae ang sumalubong sa akin.

"Maligayang pagdating sa Holy Angel Orphanage iha. Sumunod ka sa akin" nakangiting paanyaya niya sa akin. Nagtatakang napasunod na lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kung anong meron. Teka nandito rin ba si Raven? Ano naman kayang ginagawa niya rito?

Pero laking gulat ko ng bumungad sa akin ang nagkukumpulang mga bata na may dalang iba't ibang kulay ng mga lobo, pagkatapos ay bigla silang nagsi gilid na para bang may binibigyang daan sa gitna at dun naman lumabas ang isang teddy bear mascot.

May dala dala itong cake habang papalapit sa akin. Nag-umpisa na ring kumanta ng Happy Birthday ang mga bata kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin, para na akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Only him can make me feel like this. Alam kong siya ang taong nakasuot ng mascot na yan.

"HAPPY BIRTHDAY ATE PRINCESS!" sabay sabay na sigaw ng mga bata pagkatapos nilang kumanta kaya maluha luhang natawa ako dahil sa itinawag nila sa akin.

Ngayon ay nasa harap ko na mismo ang teddy bear ng buhay ko hawak hawak ang cake na may greetings pang "HAPPY BIRTHDAY MY PRINCESS" kaya pala ate princess ang itinawag sa akin ng mga bata. Gustong gusto ko na makita ang mukha niya kaya lang ayokong masira ang hinanda niya kaya nagwish muna ako bago hinipan ang kandila ng cake pagkatapos nun ay nagsihiyawan na ang mga bata maging ang mga staff ng orphanage na nagsilabasan na rin sa paligid namin.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. How did he came up with this plan? At paano na rin nalamang mahilig ako sa mga bata?.

God I don't know how to thank you for sending me a wonderful gift like him.

Lalo pakong nasiyahan ng tanggalin niya na ang ulo ng mascot dahil kitang kita ko na ang napakatamis niyang ngiti at puno ng pagmamahal niyang titig kaya wala na akong sinayang na oras pa at agad siyang niyakap kahit pa hindi ko siya masyadong maabot.

Hindi ko na rin napigilang hindi maiyak.

"Maraming maraming salamat Grey. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. This is gonna be the best birthday I ever had not just because you surprise me with this but also because its my first birthday that I'm going to spend it with you!" Masayang saad ko sa kanya.

Mahigpit na niyakap niya rin ako pabalik.

"Oh please don't cry my princess. Gusto ko nakangiti ka lang habang sinecelebrate natin ang birthday mo and also you don't have to thank me baby because you deserve all of this and I will be always grateful to make you happy. So today princess let's make your special day much memorable and let us forget other things even just for today, are you in?" Then he genuinely smiled at me.

Shocks!

"Hell yeah!" Nakangiting sagot ko rin sa kanya.

How I wish this day won't end.




THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now