Ang Dala ng Hangin

39 4 0
                                    

Slice of Life – (Filipino) [ October 21, 2020 ]

"Nalalapit na ang katapusan ng Setyembre nang maaliw si Alicia sa mahinhing tunog na dala ng hangin. Ang kaniyang paghigop ng mainit-init na tsaa ay sabay sa lamig na dala ng hangin ng liwanag ng hapon.

Taong 1983. Mapayapa ang paligid dahil sa hindi gumagana ang radyo, idagdag pa ang teleponong kay tahimik. Hindi man lang siya makatawag sa sinuman sanhi ng mahinang koneksyon sa linya dahil sa panahon, na sa tingin ng karamihan ay masama, gayon pa man ay nakatagpo ng katahimikan dito.

Nakatitig sa nakasandal na gitara, nanatili si Alicia sa kaniyang komportableng pagkakapuwesto sa kaniyang tumba-tumba habang tumitig pabalik ang gitara, na ni hindi rin niya nasulyapang gumalaw. Hindi siya dinadalaw ng ganang tugtugin ito, baka dahil na rin sa panahon.

Sa edad na tatlompu't anim, nakita niya ang pagibig sa unang sulyap. Bilang isang babaeng hindi nakasumpong ng pagibig, akala niya'y ito na. Oo, nakilala niya ang kaniyang matalik kaibigan, ngunit kamakailan ay namayapa na rin. Ang tanging naiwan na lang nito ay ang gitarang ibinigay niya sa kaniya.

Malungkot na buhay mayroon siya, tahimik na humihigop ng tsaa mula sa kaniyang balkonahe habang pinapanood ang araw na lumubog. Kakagising niya lang matapos ang maghapong pagtulog. Iyon na ang kaniyang nakaugaliang gawin; matulog habang may araw at gumising habang sinasalubong ang takipsilim.

Tinaggap na niya ang katotohanang tinanggap na ng kaniyang katawan ang kakaiba niyang oras ng pagtulog. Ang dahilan nito ay hindi lamang ang padalos-dalos na kaingayan ng bayan na kinaiinisan niya, kundi mayroon ding mahinang tunog na dumapo sa kaniyang tainga, at ngayo'y kaniya nang hinahanap-hanap.

Isang pagkakataon ay narinig ni Alicia ang mahinang tunog mula sa paligid ng kahangga, at matapos marinig, ay nasumpungan ang kaniyang tainga at imahinasyon na naglalarong kasama ng tunog.

Mula sa kaniyang minsa'y di kapani-paniwalang isipan, hindi niya alam kung pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang tainga. Kaya't siya'y naghintay upang marinig muli ang tunog. Alas dos disinueve ng umaga nang una niya itong marinig.

Nagpatuloy siya sa kaniyang pamumuhay hanggang sa kaniyang nakita ang kasalukuyang Taglagas ng 1983,

at dumating ang tunog.

*huuuuuuuuuuuuuuung*

'Eto nang muli, ang dala ng hangin,' sabi niya.

*huuuuuuuuuuuuuuung, huuuuuuuuuuuuuuung*

Sa sandaling marinig ang tunog, nagsimulang gumalaw muli ng kaniyang imaginasiyon, at maging ang kaniyang mga paa.

Hindi isang kwento ng pagibig, kundi isang lukso mula sa napakalalim na hukay na maaari niyang mahulugan anumang oras. Akala niya nakakauha lamang siya para mawalan, pero alam din niyang nagkakamali siya."

"Lola, pagibig? Love story ba yon? Lagyan mo kaya ng hiwaga!"

"Oo nga, gusto namin ng romance! Hahaha!"

"Sige.

Nagsimula ito nang alisin niya ang kaniyang matagal na pagkatitig sa kaniyang gitara. Kinuha ito ni Alicia at pinatunog nang saglit, bago ibinalik sa bahay nito.

Malamig na ang tsaa, at maging na ang langit, na nakatitig nang kay-lamig sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang mga gamit, pati ang kaniyang minamahal na gitara, at iniwan ang kaniyang bahay.

Pumunta si Alicia sa isang lumang istasyon ng tren, di-kalayuan sa kaniyang tahanan, at sumampa papasok sa bagon.

Ngayon ay kaniya nang narinig nang malapitan ang tinig.

*HUUUUUUUUUUUUUUUNG*

Nagsimulang umandar ng tren at dinala si Alicia sa kaniyang tunguhin.

*HUUUUUUUUUUUUUUUNG*

Ngunit, naisip niya, nakakita pa rin siya ng pagibig sa unang tunog ng tren.

At ganoon ang nangyari kung paano ako napunta rito sa Baton Rouge."

Tumingin siya sa mga bata na may aliw na aliw na mga ekspresyon sa kanilang mukha habang nagsusulat.

Napinta ng kaniyang mukha ang isang mahinahon ngunit gulat na ekspresyon, "Ay, nadulas ako."

"Ano raw? Diba tungkol sa ibang tao 'yung kwento? Bakit ninyo biglang sinabing-"

"Ah, ganoon niyo pala nakilala si Lolo! Hihi, ang cute! Love story nga, ano?"

Unti-unting nawala ang gulat sa kaniyang mukha at napalitan ng isang malumanay na ngiti sa bata.

•••


*krrrrriiingg, krrrrriiingg*

"Hello po? Sino po sila?"

"Hello, 'gandang hapon po. Ito ba 'yung bahay na xx?"

"Opo."

"Naririnig mo ba yung mahinang tunog ng tren sa si di-kalayuan?"

"Ay, opo, ngayong nasabi niyo po, naririnig ko nga po iyon."

"Sige, maraming salamat."

*toot... toot... toot*


______________________

Ang susunod na istorya ay tungkol sa isang guro at ang halaman sa tapat ng kaniyang klasrum.

The next tale will be about a teacher and the plant in front of her classroom.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 20, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

tales inside my headWo Geschichten leben. Entdecke jetzt