PROLOGUE

25 1 1
                                    

"Congrats bakla!"

Napangiti ako sa sabay sabay na pag bati nila Eka, at talagang late sila pumunta sa grand opening ng Flazéda Moulin Rogue Boutique. Bakit 'yon ang pinangalan ko sa boutique ko? Wala lang, tunog maarte lang.


"Ang ganda ng design ah! Sino interior designer mo?" Tanong ni Aika.


"Ka offend girl ah! Ako lang nag design niyan!"



"You really have eyes for fashion and designs, teach us your ways naman madame." Pang aasar pa ni Eka.



"Wala kang future sa ganito sis, tanggapin mo nalang." Pambabara ni Sab sakaniya. Naiiling ko silang iniwan doon dahil kailangan ko pa intindihin ang ibang bisita.



Fresh grad palang kami nag paplano na 'ko sa pag papatayo nitong boutique, matagal ko na rin kasing pangarap 'to kaya talagang pinag ipunan namin ni Mommy. I was featured in magazines for being one of the most successful soft opening in the country, I've never been this proud of myself. Akalain mo nga naman, soft opening lang 'yung una pero dinagsa kami kaagad.


"Anak!" Napalingon ako kay Mommy na may kausap na bisita ngayon, nag excuse muna siya at lumapit sa 'kin. "I'm so proud of you my baby!" She hugged me tightly.


"Mommy ang h-higpit." Agad rin niya akong binitawan and smiled apologetically.



"Sorry sweetheart I'm just so happy for you, finally natupad mo na ang matagal mo nang pangarap." I can tears welling up in her eyes.


"Mommy naman, naiiyak din ako." I wiped the corner of her eyes. "Masisira rin make up mo sige ka." I teased her making her giggle.


"Sige na, entertain your guests!" Pinag tulakan na 'ko ni Mommy para makapag entertain ng mga bisita namin ngayon. Nakita ko 'yung tatlo na nag hahanap ng mga damit, mukhang pinag ti-trip-an pa nung dalawa si Eka dahil nakasimangot na.


Hindi ko na muna sila nilapitan dahil alam kong hindi na 'ko aalis sa tabi ng mga 'yun kapag nag dikit dikit nanaman kami. Oras na lang ang hinihintay ko para matapos na ang party rito. Isa isa na rin naman silang nag aalisan, lahat ng lalabas ay lumalapit muna sa 'kin para i-congratulate ako ulit at para pormal na mag paalam.


"Mauna na ako umuwi ha, alam kong mag ce-celebrate pa kayo nila Aika." Humalik si Mommy sa pisngi ko bago umalis.



"Girl! Nasaan ang certificate mo sa tesda?" Tanong ni Eka, 2 years akong nag tesda for fashion and after a few months, hello Flazéda Moulin Rogue Boutique.



"Nasa office ko, gusto kong nakikita 'yun alongside our diploma." Pag papaliwanag ko.



"We're so proud of you!" Niyakap nila akong sabay sabay na ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap.


"Inuman na!" Sigaw ni Eka, pati kami ay humiyaw na rin. Kaya naman nag inuman lang kami hanggang sa isa isa na silang umalis.


"Miss Hailee mauna na po ako," napalingon ako sa pinto ng opisina ko nang sumilip si Diane, ang secretary ko.



"Sige, mag ingat ka." Bilin ko, tumango ito at umalis na. Halos isang oras na rin mula nung umalis 'yung tatlo.


Habang nasa byahe ako pauwi hindi ko maiwasan punahin ang sarili ko, hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Maybe because I'm so happy and excited about my new business. Tulog na si Mommy nang makauwi ako, naligo nalang ako bago ako mahiga sa kama.



Napaka raming nag congratulate at good luck sa 'kin, I just made a single post to show them my gratitude and to say thank you for their kind words towards me. Humiga na ako para matulog na nang maalala kong hindi pa ako nag si-skin care.


"Ay tanga!" Napahawak ako sa puwet ko, hinimas ko pa dahil sa sakit na naramdaman ko. Sa kakamadali kong bumaba sa kama, nasabit ang paa ko sa kumot ko kaya nahulog ako, una puwet.



Iika ika akong pumasok sa banyo para makapag skin care na, matapos kong gawin lahat 'yon ay bumalik na ako sa pagkakahiga. Napansin kong umiilaw pa ang cellphone ko, pag tingin ko rito ay kumunot ang noo ko.


"4 missed calls?" Unknown number lang 'yun kaya hindi ko nalang inintindi. Nahiga na ako, inayos ko na ang pagkakahiga ko nang tumunog nanaman ang cellphone ko. 'Yung number kanina, tumatawag nanaman kaya sinagot ko na.


"Hello? Who's this?" Narinig ko ang pag hingang malalim ng nasa kabilang linya. "Hi, ahm, you can call me later morning if this is important. It's already 1:36 am and—"


"Congratulations Hon, I'm proud of you."


Para akong binuhusan ng malamig na tubig, nagising lahat ng dugo ko sa katawan. Napabangon pa ako dahil sakaniya, hindi ko alam ilang segundo akong nanahimik, bumalik lang ako sa huwisyo nang nag end call siya. Nakatulala lang ako sa cellphone ko nang mag text naman siya.


"Are you free tomorrow? I'm asking you out on a date btw."

Oh shoot. What to do!?

——————————————————————————-                              ☀️

Freedom Within (Seasons of Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon