"Kelan po ninyo gustong mag dinner? Darating po kasi bukas yung isang bestfriend ko, at balak po naming mamasyal after that."

"Ok ka ba tonight?Kahit dito lang sa bahay. Pasundo kita kay Mark."

"Sige po, anong oras po para makapaghanda ako."

"Teka anak ha, tanungin ko si Mark kung anong oras ka niya pwedeng daanan , nasa office pa siya."

"Pwede naman po akong mag drive, kunin ko na lang po address nyo."

"Hindi iha, mas panatag ang loob ko na hatid sundo ka na lang ni Mark. Hindi ka pa sanay mag drive dito sa Manila. Kung pwede nga lang na ikaw na lang ipag drive ng driver ko."

"Naku, huwag na po ninyo po akong alalahanin. Kaya ko pong mag drive at pag andito naman po si Gerald , hatid sundo din nila ako."

"Sige anak, tawagan kita uli ha, kausapin ko lang si Mark."

Matapos makipag usap kay Charlene ay excited na nag text ito kay Gerald.

Hindi naman nasagot ni Gerald ang text dahil kasalukuyan itong nakasalang sa camera.

Humarap sa laptop si Ashley at nag email sa mommy niya, Ibinalita ang result ng doctor's appointment niya at ang pag imbita in Charlene ng dinner sa bahay nila. Sinabi niyang excited siya but at the same time ay kinakabahan. Nagkwento din siya about Colin and Gerald. Nasabi niya sa email ang pagbanggit ni Gerald tungkol sa kasal at kung ano ang nararamdaman niya tungkol duon. Alam niya maiintindihan siya ng mommy niya.

Narinig niyang nagri ring na naman ang phone niya,. Unknown caller naman this time. Sinagot na rin niya.

"Hi Ashley! It's Mark calling. Kumusta na?"

"Hey Kuya Mark, ok lang ,ikaw kumusta na?"

"Mas ok na ngayong narinig ko na uli ang boses mo." Biro ni Mark.

"Bolero ka din pala." Sagot naman ni Ashley

"Malapit lang din ang office namin diyan sa condo mo , daanan kita around 5 ?"

"Ok."

"Buzzer number mo please."

Sinabi ni Ashley ang buzzer number ng unit niya at nagpaalaman na sila.

Nangingiti si Ashley. Magaan ang loob niya kay Mark.Siguro dahil nga parang kapatid na rin niya ito.

On the dot ngang nag buzzer si Mark. Sinabi ni Ashley na baba na siya. Gusto sana ni Mark na makita ang place ni Ashley. Gusto niyang mas makilala pa ang dalaga pero inisip niya pag ihinatid niya ito later, tiyak na papanhik siya para ihatid ito hanggang sa loob ng unit nito.

Hindi na naman mapigilan ni Mark ang mapatiitg sa dalaga. She has this aura na parang gusto mo siyang palaging alalayan, protektahan, mahalin , halikan. Parang ang sarap sarap niyang halikan at yakapin. Napaka simple lang ng suot nito pero yung tipong pwede mo siyang ipagmalaki kahit na kanino. Napaka swerte naman ni Gerald.

Nakangiting bumeso sa kanya ang dalaga. "Good to see you uli kuya Mark."

"Pwede bang Mark na lang? Parang hindi ako sanay na may tumatawag ng na napakagandang babae sa akin ng kuya."

"Sige na kuya na lang kita, wala akong kuya eh kaya ngayon na nakilala na kita, may kuya na ako."Malambing na sabi ni Ashley.

"Hmmmm, kiss mo muna kuya then." Sabay turo sa pisngi.

Natatawa si Ashley at wala naman siyang makitang masama sa halik sa pisngi kaya, hinalikan niya sa pisngi ang binata.

" Hmmm isa pa, pwede sa kabila naman?"

"Sobra ka naman, abuso ka na. Pinagbigyan lang eh. Wala ka namang choice eh kung gusto kitang tawaging kuya."Kunyari ay nagmamaktol na sabi ni Ashley. "Sumbong kita kay Mama Charlene."

Natawa ng malakas si Mark. " i really, really like you!!"

"I like you too,kaya huwag kang makulit." Masayang sabi ni Ashley.

Inalalayan na ni Mark na sumakay si Ashley sa sasakyan.

Habang daan ay napagkuwentuhan nila ang nalalapit na birthday ni Charlene. May surprised party na ihinahanda para sa kanya. Alam niya next Sunday pa darting sina daddy at Sam pero the truth sa Friday night andito na sila for her birthday party. Iniisip ko baka pwedeng we do a surprise number for her. I know you love to sing. "

"How did you know that?" Nagtatakang tanong ni Ashley.

"You don't remember sa dami ng friends mo sa facebook, hindi mo na matandaan lahat. I am one of your friends. Once in a while we exchange messages too mostly about music."

"Really?" Wow, so even then you already know who I am?"

"Of course! We were like your stalker you know. You could say we were your stalker."

"It's kind a unbelievable but I am glad it's all in the open now. Maybe not in the public but just to be acknowledge is good enough for me. Dati solong anak lang ako ngayon bigla dalawa pa kapatid ko." Isang kuya at isang bunsong kapatid. How great is that?"

"OK , kuya Mark , you want me to be a part of the surprise party? I thought Mama Charlene and I already agreed , the public doesn't have to know that I am their biological daughter. "

"I think she wants to be in the open but that is not what we are going to decide right now. I am actually thinking of a you singing a song for her.

"That would be on Friday night? I have to practice then. Do I have time to do that?"

"I am sure you can."

"What is her favorite song?"

"Her favorite song is Let It Be by Paul McCartney."

"Wow , that's one of my favorite too."

"I can sing that sure but will there be lots of guests? I never sing in big crowd before."

"Don't worry, not very big but because she has lots of friends in the industry , we have to invite them. You know , you invite one, you should invite everyone who knew."

Bago sila nakarating sa bahay nila Mark ay naplano na nila kung ano ang kakantahin nila.Napagkasunduan din nilang kumanta ng isang duet.

Kung natutuwa si Ashley na maging bahagi ng surprise party  para sa Mama Charlene niya, doble naman ang tuwa ni Mark dahil magkakaroon siya ng time at reason na makakasama si Ashley. Nalaman din niyang nasa location shoot si Gerald hanggang Friday night. Malaki pa ang posibilidad na hindi makarating ang binata in time sa party . He crossed his fingers na sana ay hindi ito makarating although sinabi niya kay Ashley na imbitahin si Gerald . 

You and IWhere stories live. Discover now