“Good morning, Mrs. Alegre,” bati ni Ohne sa punong guro.

Umismid ako. Naupo na ako sa upuan kahit pa hindi pa sinasabi nitong maupo ako.

“Miss Beindz,” ani Mrs. Alegre. “Mabuti naman at napaunlakan mo ang—”

“Bakit n'yo po ako pinatawag?” walang alinlangan kong tanong. “May lead na po ba?”

Halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Hindi niya siguro inaasahang puputulin ko ang sinasabi niya.

“Miss Beindz, I'm really sorry for what has happened. Let's accept the reality...”

I titled my head. Hindi ko nagugustuhan ang paraan ng kaniyang pananalita. Wala akong maramdamang sinsiridad doon. Mukhang nang-aasar ang tono niya.

“Sinabi sa akin ni Detective Delos Santos na pumunta ka sa head quarters nila at malinaw nilang sinabi sa iyo na huwag ka na raw mangialam sa kaso ni Mr. Aeñoso dahil tapos na ito.”

“Mukha ba akong pakialamera?” nanunuya kong wika. “Hindi ko sila pinapakialaman. Nagtatanong lang ako sa kanila.”

“Miss Beindz, kahit ako'y nalulungkot sa nangyari ngunit wala na tayong magagawa pa. It's suicide case,” nakataas ang kilay nitong saad. I gritted my teeth. Makapal ang mukha dahil nagawa niya pang ngumiti ng malapad. “Everything will be okay, hija.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Mukha bang magiging okay pa ang lahat?

“Aalis na ako.”

Hindi ko na hinintay pa sasabihin niya, tuluyan na akong lumabas ng principal's office nang masama ang loob. Nagmumukha mang baliw, binilisan ko na lamang ang paglalakad.

Dumiresto ako sa library, hindi na ako nagsulat pa sa log book. Mabuti na lang wala ang librarian. Nagtungo ako sa madalas kong p'westuhan, umupo at dumukmo ako sa table.

Sino nga ba si Gabrielle Rey Aeñoso sa buhay ko?

Siya lang naman ang nag-iisa kong childhood-bestfriend­. Mabait, magalang, matalino, mapagbigay, matulungin— lahat siguro ng magagandang katangian ay nasa kaniya na.

Dahil nga wala akong kapatid, siya ang tumayong Kuya ko at ako naman ang nagsilbing Ate niya.

Nakilala ko si Gabrielle nung minsang napadaan ako sa computer shop, grade four pa lang ako no'n. Nakatambay siya ro'n at nag-iisa. Hindi ko dapat siya papansinin at aalis na lamang ngunit binato niya ako ng bato sa paa. Doon nagsimula ang away naming dalawa.

Tapos siya rin ang nagsabi na kaya raw niya ako binato dahil nahuli niya akong nakatingin ng masama sa kanya. Bagay na hindi naman totoo. Sa huli, humingi siya ng sorry at inalok akong kung gusto ko raw bang maging kaibigan siya.

I miss you so much, Gabrielle...

Naalala ko rin ang nangyari kaninang madaling araw. Kwinento ko iyon kila Jahm at Jorja nung magising sila. Parehas gulat at takot ang naging reaksyon nilang dalawa. Balak nilang i-report iyon sa mga pulis pero pinigilan ko sila. I have plans for that.

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdamang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko 'to at kaagad na binasa ang mga mensahe mula sa hindi kilalang numero.

Unknown Number:
PAPATAYIN KO SI OHNE KARL DUERO!
7:45 AM

PAPATAYIN KO SIYA!!!
7:46 AM

MAMAMATAY SIYA SA MGA KAMAY KO! HEHEHEHEHEHEHEHE!
7:47 AM

HINDI MO AKO MAPIPIGILAN KATULAD NG GINAWA KO KAY GABRIELLE AEÑOSO.
7:48 AM

WALA KANG MAGAGAWA!! PAPATAYIN KO NA SI OHNE! HEHEHEHEHEHEHE!
7:49 AM

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now