Dianaya Hillez:
Ang ganda ng view, Gab. Dapat hindi na sumama si Rosane! HAHAHAHAHA! 'Yan, bangs pa more.

Inis kong ni-reactan ng angry ang comment ni Dianaya. Walang hiya!

Nag-upload din ako ng mga picture at syempre pinili ko lang. Iyung maayos ang itsura ko ang mga in-upload ko. Binasa ko naman ang mga messages.

Havier Miyamoto Beindz:
You seems enjoying there. How are you?

Ako:
I'm fine.

Gabrielle Rey Aeñoso:
Hey!
Sane!
Pasok ka nang maaga ngayon!
May meeting!
Nasa school na ako.
Dali!

Ako:
Okay. What time start?

Gabrielle Rey Aeñoso:
6:30! Gumayak ka na, 5:30 na oh!

Ako:
Alam ko, may orasan ako. Bye!

Binaba ko ang cellphone ko at naligo. Nang matapos maligo kaagad kong sinuot ang uniform ko. Kulay dark blue na palda na hindi lalampas sa tuhod, puting blouse at dark blue na blazer. Ang iba sa amin ay hindi na nagme-medyas ng mahaba pero dahil maarte ako, nagme-medyas pa rin ako ng mahaba. Hanggang tuhod ang haba no'n.

Kinuha ko ang aking bag at bumaba. Naabutan kong nakagayak na rin ang dalawa, may inaayos lang sa babaunin nilang pagkain. Kinuha ko sa table ang sandwiches na ginawa ko kanina at nilagay sa bag.

"Tara na, may meeting daw," si Jahm. "Ano kayang meeting 'yon?"

"Sinabi nga din sa akin ni Gabrielle, 6:30 daw ang start."

"Let's go, baka ma-late tayo!"

Ni-lock namin ng mabuti ang buong apartment. Paglabas ng Village, tumawag kaagad ng tricycle si Jorja. Sumakay naman kami at nagtungo na sa school.

Pagdating sa building namin, nakita kong nagpipilahan na ang mga estuyante. Hinanap ko naman ang section namin. Malamang sa malamang nasa kahuli-hulihan kami.

"Ayun sila, oh!" Turo ni Jahm.

Napatingin naman ako roon. Nando'n ang sila. Parehas kaming sumunod ni Jorja kay Jahm. Nahuhuli ako ng konti sa dalawa dahil may humaharang na ibang students. Yumuko ako para hindi mailang. Nagdire-diretso ang lakad ko nang may biglang tumulak sa akin.

"Aray!"

Sa lakas no'n tumilampon ako sa lupa. Napapikit ako sa sakit. Pinilit kong tumayo kaagad kahit nahihirapan. May narinig pa akong nagtawanan.

"Ano masakit?"

Hindi ko pinansin ang nanunuya niyang tanong. Pinagpagan ko ang damit kong nadumihan ng alikabok. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.

Lumakad akong muli kahit masakit ang balakang ko. Napamura ako sa aking isip! Putangina, ang aga-aga!

Pero sa minamalas ka nga naman, sinundan pa ako ng bruha at hinigit ang braso ko. Pinabayaan ko siya sa ginawa niya.

"Ano, Rosane? Hindi ka iimik? Are you mute or what?"

Hindi ako sumagot.

"C'mon, Rosane! What a beautiful day to start! Let's have fun here!" Tumawa siya. Tumawa rin ang mga nasa likuran niya. Napansin kong malapit ako sa linya ng mga taga-higher section. “Why you look so sad?”

"‘Wag mo akong simulan, Mariah—"

Lumagapak ang palad niya sa pisngi ko. Maraming nagtawanan at nagbulungan dahil sa ginawa niya. I bit my lower lip.

"Opps! I'm sorry! Nabigla lang ako!" natatawang niyang turan. “I didn't mean it, bitch…”

Nanliit ang mga mata ko at humakbang palapit sa kaniya.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now