“I'm sorry, Sane... I just—”

“Hindi sa lahat ng oras nakikipagbiruan kami. Hindi rin sa lahat ng oras, sasakyan ko ang trip mo, Gabrielle Rey. If you are hungry, you can go to a fast food chains or you can call them to deliver the food you requested. Please, do not bother us this early in the morning!”

He turned his gaze down and looked now guilty. Parang piniga ang puso ko. I rolled my eyes. I breathe heavily.

“Sige na, umuwi ka na sa inyo. Magpapahinga pa kami—”

Nag-angat siya ng ulo. “Pinapauwi mo na ako?”

“Magpapahinga kami, Gabrielle.”

“I'm sorry, Sane! Sorry! Last na 'to, hindi na ako mag-iistorbo sa susunod. Huwag ka nang magalit. Nagugutom na ako,” parang maiiyak na siya. “Please, nagugutom na talaga ako!”

“Gabrielle—”

“Please?!”

“Alam mo namang tulog lang ang pahinga namin tapos sisirain mo pa ang sleeping routine namin?!”

“Sorry na, Saneng. Patawad, mahal na reyna!”

Napangiwi ako. Tumalikod na ako sa kaniya saka binuksan ang refrigerator. Narinig kong napadaing si Jahm mula sa couch.

"Put tang in a glass!" hiyaw niya. Natawa naman ako ng palihim. "May natutulog dito mga tsong! Sigaw kayo nang sigaw!"

"Sorry, Jahm! Kasalanan ni Sane, nag-iinarte pa eh, ipagluluto naman pala ako!"

"Kasalanan mo rin! Ano bang pumasok sa kukote mo't pumunta ka rito ng ganitong oras?!" asik ni Jahm sa kaniya. Narinig ko namang humalakhak si Gabrielle. “Nahihibang ka na ba?!”

Padabog na lumapit sa sink si Jahm at nagsimulang maghilamos. Binaba ko sa lamesa ang ilang rekados na nakuha ko sa ref at sinimula iyon hiwain.

“Wala akong kasabay kumain sa bahay, eh! Malungkot kumain mag-isa. Mom and Dad went to their office earlier. Then, Gariel... still sleeping!”

“Hindi namin problema 'yon! Yawa!”

“Jameng, chill! Makikikain lang naman ako.”

“Ang yaman mo tapos makikikain ka lang?” Pababog na nagsalang ng bigas si Jahm. “Nakakahiyang masyado sa 'yo, Prinsipe Gabrielle!”

“Mukha bang prinsipe 'yan?” Dinuro ko si Gabrielle gamit ang hawak kong kutsilyo. “Eh, mukha ngang asungot 'yan!”

“Ang sama n'yo sa 'kin! Ang pangit ng mga ugali niyo!" naiinis siyang tumayo. "Porque ba pakakainin n'yo ako… May karapatan na kayong pagsalitaan ng gan'yan?”

“Tumahimik ka, Gabrilelle! Tulungan mo na lang ako maghiwa nang matuwa ako sa 'yo.” Sumunod naman siya sa inutos ko. Maingat niyang hiniwa ang mga gulay, natawa naman ako ng palihim.

“Pakibantayan ang sinaing, Pareng Gab. Aakyat lang ako sa itaas!”

Inirapan niya pa muna si Gabrielle bago siya tumungo paitaas.

"Chop suey ang lulutuin ko. Ayos lang ba sa 'yo 'yun o ipagluluto pa kita ng iba?"

Binuksan ko ulit ang ref at tiningnan kung meron pang frozen foods.

"I'm fine with chop seuy. Just make sure na hindi masama ang lasa nang pagkakaluto mo."

Umirap ako. "Hoy! Kailan ka hindi nasarapan sa luto ko? Baka gusto mong ihampas ko sa 'yo 'tong kawaling hawak ko."

Tumawa siya. "Chill, Sane! Chill! Chillin' like a villain..."

Sumama ang mukha ko nang marinig pa siyang kumanta. Tatawa-tawa naman ang tukmol habang naghihiwa.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now