Medyo humiwalay ako sa kaniya para tignan siya. He was smiling. Parang may humaplos sa puso ko nang may maalala habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha.

Unti-unting nabura ang kaniyang ngiti. "What is it? Tell me what's bothering you." I almost shook my head in disbelief. Sometimes I'm amazed by how he can read me easily.

Bumukas ang bibig ko pero sumara lang din ulit. I am hesitant to tell him what's occupying my mind since yesterday. In the end, I sighed. I need to get this off my chest, I am running out of time.

"Dean," I started. Bumaba ang mata ko sa kaniyang dibdib. Hindi ko kayang makasalubong ang kaniyang tingin gayong alam kong hindi niya magugustuhan ang susunod kong sasabihin. "Naisip ko lang na dalawin kaya natin si Mr. De Micheli? K-kasi 'di ba, hindi ka man lang niya tayo nakitang magkasama noong nasa Villa tayo..." Even though I'm not sure if I could face him already after the last time. Baka nga naiinis pa rin siya sa akin. Pero kung kasama ko ang anak niya, baka kaunti na lang...hindi kaya?

Hindi siya nagsalita kaya kinakabahang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. My heartbeat doubled. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama patalikod sa akin.

"Did Mamma ask you to tell me this?" malamig na tanong niya.

Umupo rin ako habang mabilis na umiling. "Hindi!" Napalingon siya sa bahagyang pagtaas ng boses ko. I gulped. "A-ano, nalaman ko lang na malapit na ang birthday niya. Baka oras na rin para mag-usap kayong dalawa. Don't you think magandang regalo iyon kung magkaka-ayos—"

"That's it." Tumayo siya at pinasadahan ng mga daliri ang kaniyang buhok, iritado sa mga narinig. "I really shouldn't have let you see Mamma." Natikom ko ang bibig sa outburst niya. May kung anong kumurot sa puso ko sa narinig.

What does that mean? Napayuko ako nang mapagtanto ang lahat. Siguro nga, I'm not worthy to be intorduced to his parents. Kahit hindi nila sabihin, alam kong kabilang ang pamilya nila sa alta sociedad. Whether they're associated with the wealthiest family or they just bear the same name, the finesse and elegance of Dean and his parents are undoubtedly traits of those in the upper echelon. Sino nga ba ako kumpara sa kanila? I'm just an orphan who lost her memory and is financially depending on her boyfriend for the past months.

Ngayon ko napagtanto kung gaano kakapal ang mukha kong harapin sina Mr. and Mrs. De Micheli gayong ang anak nila ang sumusustento sa akin. Isa lamang akong palamunin! He's right. I don't deserve meeting his parents. I am unworthy.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ilang sandali'y bumuntong-hininga siya. "Go to sleep. I have something to do." As the door slammed shut behind him, he never looked back.

Tuluyang tumulo ang namuong luha sa aking mga mata. I clenched my fists and put it against my chest as I felt my heart being squeezed painfully. Humiga ulit ako at tahimik na lumuha. Nakatulog ako sa ganoong estado.

-♦-

"JANG will fetch you later," bilin niya nang makababa na ako sa kaniyang sasakyan.

"Okay..." mahinang sagot ko. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya pero lumapit lamang siya sa akin para kintalan ng halik sa labi. Pagkatapos noon ay sumakay na siyang muli sa sasakyan at saka iyon pinasibad.

Nakatingin lamang ako hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.

"Oh my gosh, girl, where have you been?!" Napaangat ako ng tingin sa biglang pagdating ni Lili. Sa likod niya ay nakasunod ang nakangiwing si Nicki. Halatang nahihiya ito sa ingay ng nauna.

Demon's ObsessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora