Thirty-five

4.9K 202 71
                                    

Sire

---♦♦♦---

TAHIMIK akong nakatanaw mula sa verandah. I've never seen the sky painted with millions of stars like this before. Sobrang taas na kasi ng air pollution. Napabuntong-hininga ako sa naisip. I wish my children will still be able to gaze upon a starry night in the future.

Niyakap ko ang sarili nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Bumalik na ako sa loob. Sinalubong ako ng isang kasambahay.

"Ihahatid ko na po kayo sa inyong kuwarto, Signorina."

Kahit ilang beses ko na silang sinabihan na huwag akong tawagin ng ganoon, hindi sila nakikinig. Sumunod na lang ako nang tahimik.

Katatapos ko lamang kumain ng dinner kasama si Mrs. De Micheli. Gusto man niyang makipag-kwentuhan sa akin, kailangan niya nang pumunta agad sa kaniyang asawa. As much as I was curious about the mighty head of the De Micheli household, I didn't want to pry.

The maid led me to the second floor. We stopped in front of the farthest and largest door to the left.

"Dito po ang kuwarto ni Signorino Hades. Maiwan ko na po kayo at kung may kailangan ka, may intercom na pwede mong pintudin sa pader malapit sa kama. Nakadirekta iyon sa quarter namin," mahaba niyang sabi habang bahagyang nakayuko.

Hindi talaga ako kumportable sa sobrang paggalang nila. I'm not their employer for goodness' sake. Despite telling them countless times to stop, they just wouldn't listen.

I nodded uneasily. "Okay po. Maraming salamat po." Napakamot na lamang ako sa ulo nang mag-bow siya nang bahagya saka tumalikod para umalis.

Hinarap ko ang pinto at binuksan iyon. Kinapa ko ang switch sa gilid. Bumaha ang ilaw sa kuwarto kaya't nasilayan ko ang puting pintura nito. I cocked my head to the side. This room's interior is quite similar to the one Dean has in his penthouse excluding the glass walls. But the traditional theme of the whole Villa wasn't ruled out.

Ang malaking kama sa gitna ay tila nang-iimbita kaya agad ko iyong nilapitan. Pabagsak akong umupo. Hindi nga ako nagkakamali, malambot iyon.

Tumayo rin ako agad para pumunta sa banyo at maglinis ng katawan. It wasn't as big as the one in the mansion but it's still too much for me. I opted to go for the shower rather than the bubble bath.

Mabilis lamang akong natapos. Dahil wala akong dalang damit, nanghiram na lang ako ng damit mula sa closet ni Dean. A big black shirt and a boxer which I tied to the side so that it won't fall off.

Nakatihaya ako at nakatingin sa kisame. I pulled the blanket up to my chest. The AC was set in a favorable temperature. Everything is more than enough comfort and yet I couldn't bring myself to sleep. Sa tingin ko halos isang oras na rin mula nang mahiga ako rito sa kama.

Okay, I admit it. Hinihintay ko si Dean. Ilang oras na siyang wala. Hindi pa ba siya uuwi?

Tumingala ako at inabot ang phone na nasa sidetable. Wala pa rin siyang reply. I sighed and decided to return it. Tumitig ako sa kisame, my mind becoming restless from the thoughts formed.

It's been hours. Nakatulog na ako sa pag-iisip. I think it's past midnight already when Dean entered the room. Nakapatay na ang ilaw na hinayaan kong nakabukas kanina.

Demon's ObsessionWhere stories live. Discover now